Chapter 32

1.5K 43 6
                                    

Ella's POV 

"Ang tagal mo naman Babe!" Sigaw ng magaling kong boyfriend sa labas ng kwarto ko. 

"Mag hintay ka" Kahit kailan talaga mainipin siya. 

"Kanina ka pa kasi dyan eh! Bilisan mo na!" May date kasi kami ngayon at papunta kaming mall. 

"Wait nga lang!" Aisssshhhh nag sisisgawan na talaga kami dito kanina pa. Buti na lang hindi naiirita yung pinsan ko sa ibaba. 

"Aray!" Daing ko nang natumba ako sa Kama dahil sa nag bukas ng pinto. 

"Hala! babe sorry!" Inalalayan niya ako. 

"Andrei naman eh! Sinabi ng maghintay ka na muna sa labas!" 

"Ang tagal mo kasi eh. Nakakainip kayang maghintay" 

"Paano kapag nakahubad pa ako kanina?! Huh?!" 

"Bakit nakahubad ka ba? tsk. Bilisan mo na lang diyan ang dami mo pang sinasabi eh!" Tinarayan ko siya. Pasalamat na lang siya mahal ko siya. 

~. 

"Tara kain muna tayo. Tomguts na ako!" 

"Kailan ka ba hindi nagutom?" Tinarayan ko na lang siya dahil sa sinabi niya. 

Pumasok kami sa Jollibee. Oy Peyborit ko 'to bata palang ako. 

"Anong sayo?" Napatingin ako sa kaniya.

"Annyeong Haseyo" Nag bow ako sa harap niya. Napahilamos tulyo siya sa mukha niya. May mali ba sa sinabi ko?Ang sabi niya Annyeong Sayo, mali pa nga yung pag kakasabi niya eh. 

"Ang sabi ko ANONG SAYO?!" Ayy Pahiya konti. 

"Sorry na malay ko ba.. Kahit ano na lang ikaw na bahala" Hinalikan niya muna ako sa pisngi bago siya pumunta ng counter. Napansin ko naman ang mapanuring mata ng mga babae sa kabilang table. Tsk. Inggit kayo no?

Maya maya pa nakarating na siya dito sa Table. 

Umorder si Andrei ng mga Burger, Spaghetti, Drinks, Chocolate Sundae at FRIES. Kinuha ko kaagad yung Fries dahil Peyborit ko ito. Kinuha ko din ang Sundae at sinimulang isawsaw doon ang Fries. 

"Watda! What are you doing?" Tanong saakin ng Boyfriend ko. 

"Sinasawsaw ang Fries sa Sundae? Try mo masarap siya" Kumuha ako ng isang pirasong fries at sinawsaw sa Sundae, itinapat ko ito sa harap niya. 

"Say Ahhhh" 

"Ayoko nga Ella" 

"Bilis na kiss kita kapag tinikman mo" Napangisi siya sa Sinabi ko. Gusto ko tuloy bawiin yung sinabi ko. 

"Ahh ehhh... Wag na lang pala" Babawiin ko na sana yung kamay ko kaso mabilis niya itong hinawakan at sinubo yung fries na hawak ko. "ANDREI!" 

"Nasaan na yung kiss ko?" Lumipat siya ng upuan sa tabi ko at inilapit niya yung mukha niya saakin.

"Kiss mo mukha mo!" tinulak ko palayo yung mukha niya saakin. Natawa na lang ako ng lumungkot yung mukha niya. Nagsimula na rin kaming kumain. 

~~.

Nag lalakad-lakad na kami sa mall. Partida holding hands kaming dalawa. Kinilig nga ako eh hindi ko lang pinapahalata HAHAHAHA Charot lang. 

May nadaanan kaming bilihan ng phone case. May nakita akong case ng doraemon, napahinto tuloy ako. 

"Gusto mo?" Napatingin ako kay Andrei na nasa tabi ko. 

"Hindi na cutan lang ako tsaka wala naman akong magarang cellphone para ilagay yan" Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin papasok. 

ONE Of The BOYSWhere stories live. Discover now