Prologo

218 16 0
                                    


          Nagising ako nung maramdaman ko ang malamig na hangin na dumampi sa aking balat. Agad akong tumingin sa labas ng bintana at napangiti sa nakita. Ito ang gusto kong makita eh, ang mga mayayabong at naglalakihang mga puno na napapalibutan ng samo't-saring mga halaman na sumasayaw sa malakas na ihip ng hangin. Pati ang bughaw na kalangitan at mapuputing ulap ay kaysarap pagmasdan. Kahit tirik ang araw ay hindi ito nakakasilaw dahil parang nagtatago ito sa maninipis na mga ulap (shy type). Sabayan pa ng mga nagkukumpulang mga ibon na malayang lumilipad sa himpapawid. Wala na kami sa syudad, tantya ko ay mga dalawa't kalahating oras na kaming bumabyahe.

Lumanghap ako ng sariwang hangin na mas lalong nakapagpagaan ng aking pakiramdam. Para akong si Sarah Geronimo habang ginagawa ang sunsilk commercial. Fak! Erase! Erase! Ang gay naman ng naisip ko.

Tumingala ulit ako ng marinig ko ang malakas na huni ng isang grupo ng mga ibon na lumilipad, parang sinusundan ng mga ito ang tumatakbong bus. Nagulat pa nga ako nang may nakita ako na parang nagpapakitang gilas sa paglipad, may apat na sabay bumulusok pababa at paikut-ikot pa na aakalain mong parang nag crash na eroplano at pagkatapos ay sabay din itong lumipad pabalik sa kanilang mga kasama. Astig! Para lang akong nanood ng air show. Gusto ko sanang gisingin ang mga kaibigan ko upang makita nila ang ginagawang pagpapakitang gilas ng mga ibon kaso mukhang mahimbing talaga ang tulog nila kaya hindi ko na sila ginising pa. Pati ang ibang pasahero na nakatingin sa langit ay hmm.... well, parang wala lang sa kanila ang ginawang pagpapakitang gilas ng mga ibon, hindi man lang nakabakas sa mga mukha nila ang pagkamangha. Mga manhid!

Malalaki at parang magkahalong kulay brown at abo ang balahibo ng mga ito. Hindi ko alam kong anong uring ibon ang mga yun pero isa lang ang natitiyak ko, masaya sila sa kanilang ginaga-- huh?

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko dahil baka namamalik mata lang talaga ako o nag iilusyon lang.

Tiningnan ko ulit ang isa sa mga ibon na nahagip ng tingin ko kanina. Nasa gitna ito at parang ito ang tumatayong leader dahil ito ang nauuna sa kanila, actually naka V position pala sila na ngayon ko lang napansin. Pero hindi yun ang ikinagulat ko kundi ang likuran ng ibon na nasa gitna.

Ano yun? Parang sa likod ng ibon na yun ay may isang bagay na nakasakay na hugis... tao? Imposible naman siguro yun. Pa'no naman sasakay sa likuran ng lumilipad na ibon ang isang tao?

Pinilit abutin ng paningin ko ang bagay na yun upang matiyak kung ano pero dahil sa unti-unti yatang tumataas ang lipad nila kaya medyo lumiit at lumabo ito sa paningin ko.

Hanggang sa may naisip ako.

Tama, may dala nga palang telescope si Kiko.

"Kiko! Kiko!"

"Uhm.."

"Pahiram ako ng telescope at may titingnan lang ako sandali"

"Uhmm.." nakapikit siya habang inaabot ito sa'kin.

Dali-dali kong binuksan ang sisidlan nito at kaagad kong kinuha ang telescope. Iba ito sa mga telescope na nakita at nagamit ko na dahil hindi tulad ng mga yun ay mas magaan ito, batid kong mamahalin ang telescope na ito. Isa itong universal telescope, ibig sabihin ay pwede mo itong gamitin sa gabi upang tingnan ang kalawakan at pwede mo rin itong gamitin sa araw kapag gusto mong mambuso esti kapag gusto mong tingnan ang mga bagay na nasa malayo ng malapitan. Kunsabagay mayaman naman sila Kiko kaya hindi na dapat ipagtaka kung bakit siya mayroon nito.

Agad akong tumingala sa kinaroroonan ng mga lumilipad na ibon ngunit laking pagkadesmaya ko nang puro ulap nalang ang nakikita ko sa himpapawid.

Nasaan na yun? Parang ang bilis naman nilang naglaho. Hindi ko man lang na clarify kung ano talaga ang nasa likuran ng ibon na yun.

Ibabalik ko na sana sa sisidlan ang telescope nang biglang may nahagip ang paningin ko sa labas.

Sa malawak na palayan ay nakita ko ang grupo ng mga ibon na malayang nag.... nagmamartsa?

WATDAPAK?!!

Nakaposisyon ang mga ito paharap sa amin kaya kitang-kita ko na sabay-sabay silang naglalakad pasulong. Bigla silang tumigil at pagkatapos ay biglang umangat ang kaliwang mga pakpak na inilagay sa kanilang mga noo.. o sa kaliwang mata? Teka, sumasaludo ba sila? Kanino? Hindi pangkaraniwang gawain ng mga ibon yun ah.

Tumingin ako sa ibang pasahero na nakatingin rin sa labas at sa direksyon kung saan naroon ang mga ibon pero gaya kanina ay parang hindi mo parin makikitaan ng pagkamangha o pagtataka ang kanilang mga mukha. Ang dami yatang manhid sa bus na ito.

Napansin ko rin na ang mga ibong yun ang nakita kong lumilipad kanina kaya hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at agad kong hinanap ang ibon na parang may nakasakay sa gitna. At salamat nalang at naka V position parin sila, dahilan upang mas madali kong makita ang hinahanap ko.

Dali-dali kong inangat ang telescope at itinutok doon sa ibon. Minadali ko itong zinoom-in dahil ilang sandali nalang ay lalampasan na ng bus ang palayan.

Makailang ikot lang ang nangyari sa adjuster ng telescope ay nasagot na ang tanong ko.

Kita-kita at klarong-klaro ng mata ko kung ano ang bagay na naroon sa likod ng ibon.

Isang tao.

Isang maliit na tao!


*End of Prolouge*



AN: Hello there! Unang-una sa lahat ay lubos akong nagpapasalamat sa inyo ngayon palang dahil binabasa ninyo itong walang kwentang author's note ko. Ang ibig sabihin lang kasi nun ay binasa ninyo ang kabuoang prologo ng kwentong ito, at alam kong susunod nyo nang basahin ang unang kabanata ^_^ (assuming) haha.

Seryoso na, ahm ito nga pala ang kauna-unahang kwento na isinulat ko sa buong buhay ko kaya please lang oh! Hinihinge ko mula sa kaibuturan ng aking puso ang inyong mga suporta. Promise ko naman sa inyo na bawat chapter ay magiging katawa-tawa (yun kung type nyo ang sense of humor ko), kapana-panabik ang bawat estorya.

Isang boto lang po bawat chapter at mga good feed backs ang hinihinge ko. Sana naman pagbigyan nyo na ako.

Hanggang dito nalang. Maraming salamat ^_^.

Sneak peak of Chapter 1: The Bird Show.

Ang Tatlong ManlalakbayOnde histórias criam vida. Descubra agora