Kabanata 1: The Bird Show

207 4 3
                                    

[POV: Levi]

Hay sa wakas at natapos narin. Ito lang yata ang pinakamasayang araw para sa mga estudyanteng katulad ko. Ang matapos mapapirmahan ang clearance. Wala na akong iisipin pa kundi ang magbakasyon!

"Levi!"

Napalingon ako sa likuran ko.

"Oh akala ko ba nagpapapirma pa kayo kay Sir Batuigas?" tanong ko sa kanila. Si Sir Batuigas pala ay ang librarian namin dito sa school.

"Guess what? Kahit nasa huli kami ng pila kanina ay inuna niyang pirmahan itong mga clearance namin" bulalas ni Kiko.

"Pa'no naman nangyari yun?"

"E itong si Elay kasi, ginamitan niya ng mahiwagang kagwapohan at pangakong pupunta siya sa bahay ni sir mamayang gabi. Kinilig at naniwala naman si sir kaya ayun pinauna niya na kami" sabi niya na natawa pagkatapos. Bakla nga pala ang librarian namin kaya lamnadis...

"Benenta mo yung kaluluwa mo kay sir?" Bulalas ko habang nakatingin ng nakakaloko kay Elay.

"Naku kunwari lang yun nuh. Sinabi ko lang yun para mauto si sir" sagot niya.

"Wee di nga?" Sabay naming tugon ni Kiko.

"Tigil-tigilan nyo ako diyan sa mga tingin nyong nakakaloko ha" sabi nya at nauna ng maglakad. Guilty lang ang peg.

"Haha pikon"

Agad naman namin siyang hinabol upang sabay kami maglakad.

"Hoy binibiro ka lang namin" sabi ni Kiko.

"Oo nga, alam naman naming hindi mo talaga totohanin yun eh" sabi ko naman. "Patay siya sa DSWD kapag ginawa niya yun sayo" agad akong umakbay sa kanya. "Pero may condom ka ba diyan?"

"Gago! Tss.. hindi naman yun ang iniisip ko eh" nakasimangot niyang sagot.

"Ano?" Sabay naming tanong ni Kiko.

"Iniisip ko kung saan kaya masayang magbakasyon?"

"Oo nga nuh? Ako nga wala pang naisip kong saan magbabakasyon eh" ani Kiko.

"Huwag na kayong magsayang ng oras sa pag-iisip dahil gaya ng dati ay sa mga bahay nyo parin kayo magbabakasyon" natatawang sabi ko.

"Kaya nga eh. Buong bakasyon na naman akong mamamalagi sa bahay. Nakakabagot kaya dun. Puro tv at computer nalang lagi kong nakakasama" malamyang saad ni Kiko.

"Ikaw Levi, saan ka ba magbabakasyon?" Tanong ni Elay. Tinatanong niya pa talaga yun?

"Saan pa edi sa-"

"Probinsya nyo na naman kung saan nakatira ang lolo't lola mo?" Sabay nilang tanong.

Tumango lang ako. Alam naman pala nila tapos nagtanong pa.

"Maganda ba dun?" Tanong ni Elay.

"Naku, subrang ganda"

"Puro bundok at gubat ano naman ang maganda dun?" Tanong ni Kiko.

"Hindi lang yun. Malinis din ang mga ilog na pwedeng langoyan at... mas maigi mong mapapagmasdan ang buwan tuwing gabi dahil walang mga nakaharang na gusali" pagmamalaki ko.

"Talaga?" nagliwanag ang mukha ni Kiko dahil sa sinabi ko.

"Nakarinig ka lang tungkol sa buwan biglang ngiti ka dyan" bulalas ni Elay.

"Eh ikaw, narinig mo lang na may ilog dun na masarap languyan biglang ngisi karin naman"

"Masarap naman talagang lumangoy sa ilog ah"

Ang Tatlong ManlalakbayWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu