Kabanata 7: Ang Propeta ng kalikasan

132 3 0
                                    

Aswang, halimaw, engkanto at mga lamang lupa na takot sa tao? Kahit sa mga librong kababalaghan ay hindi ko kailanman nabasa na pwedeng mangyari yun. Ang alam ko ay kami dapat ang kakaripas ng takbo eh, kung hindi lang namin kasama si Jao. Pero baligtad ang nangyari dahil ang lugar na napuno kanina ng iba't-ibang uri ng mga lamang lupa na nagsasaya ay walang natira kundi kaming lima. Actually anim pala kami dahil nagpaiwan rin si Ryan Rems na kasalukuyang bumababa sa entablado kasama si Jao.

"Anong nangyari mga dude?" Tanong ni Jao.

"Kami nga dapat ang magtanong niyan eh"

"Bakit nagsitakbuhan sila palayo nang makita nila kami?" Tanong ni Elay.

"Dahil takot sila sa inyo" sagot ng puno. Kanina pa ako puno ng puno ah. Ano kaya pangalan niya?

"Ano? At pano naman nangyari yun?"

"Dahil mas nakakatakot kayo kaysa sa lahat ng maybuhay dito sa mundo" sagot ni Ryan na nakakubli parin ang mukha sa hood niya.

"Anong ibig mong sabihin Ryan Rems?" Tanong ko.

"Dahil- huh? Anong Ryan Rems?"

"Hindi ba't ikaw si Ryan Rems Sarita? Yung nag champion sa funny one ng It's Showtime?"

"Ah, yun ba? Ulol hindi ako yun! Ang kukurni kaya ng mga banat nun" sagot niya. Wow! Talaga lang ha, at sa bibig niya pa talaga mismo nanggaling ang salitang kurni.

"P-pero parehas kayo ng banat eh"

"Iniinsulto mo yata ako bata!"

"P-pero-"

"Wag na kayong magtalo tungkol sa bagay na yan. Malapit ng mag umaga kaya kailangan na nating magmadali" sabat ni Jao.

"Sino ang mga batang yan" tanong ni Ryan o kung sino man siya.

"Sila ang tatlong manlalakbay"

"HUWHAT?!!" gulat na reaksyon ni Ryan. Pero kami ang mas nagulat dahil kasabay nung pagkagulat niya ay ang pagkatanggal ng hood sa ulo niya.

"Waahh!!" Sigaw naming tatlo na napaatras sa takot.

"Ez, ez. Wag kayong matakot sa kanya" bulalas ng puno na nasa likuran namin.

"Panong hindi matatakot eh nakakatakot naman talaga ang itsura niya!" Mangingiyak na sigaw ni Elay dahil sa takot. Hindi ko siya masisi. Ikaw ba naman ang makakita ng bungo na may katawan na nagsasalita ay siguradong maiihi ka sa takot. Pero ang mas nakakatakot sa kanya ay mayroon siyang dalawang mata. Paano nangyaring hindi nabulok ang mga yun? At...

at may buhok siya na katulad ng kay Bob Marley. Watdapak?!!

"Ouch! Kay sakit mo namang magsalita. Hayzz.. kabataan this day" wika ni Ryan esti ng taong bungo na parang nasaktan sa tinuran ng kaibigan namin.

"Hindi kayo dapat na matakot sa kanya dahil isa siyang kaibigan" sabi ni Jao. Hindi dapat matakot? So dapat bang mag group hug kami at sabihing sa kanyang welcome to the club! Party party!

"P-pero anong klaseng lamang lupa ba siya?" Tanong ko.

"Hindi ako lamang lupa. Isa akong kalabera o mas kilala sa tawag na kalansay. Isa akong taong kalansay"

"Ano? So hindi ka lang basta bungo kundi isa kang kalansay?" Tanong ni Levi.

Imbis na sumagot ay biglang hinubad ng kalabera ang jacket na suot nito. At doon na tumambad sa amin ang kanyang katawan. Mahabaging Bathahala! Muntikan na akong maduwal dahil sa nakita ko. Sa unang pagkakataon ay nakakita ako ng human skeleton sa personal.

Ang Tatlong ManlalakbayWhere stories live. Discover now