Kabanata 9: Where is the rhum?

78 3 2
                                    

[POV: Levi]

          Bata palang ay maaga na akong namulat sa mga kwento't alamat dahil narin kay lolo Daniel. At dahil nga mahilig akong magbasa ng mga fantasy books at manood ng mga fanfatsy-adventure movies gaya ng Percy Jackson at The Hobbit ay naiimagine ko minsan na ako ang bidang nakikipaglaban sa mga masasamang halimaw.

Pero hindi ko inaasahang magkatotoo ang bagay na iyon simula ng mapadpad kami sa kakaibang mundong ito. Kagaya nga ng sinabi ni Ka Limot  kanina ay kailangan naming magsanay gumamit ng mga sandatang pandigma upang maipagtanggol namin ang aming mga sarili laban sa masasamang nilalang. Bagay na ikinatakot ko ng husto. Ni hindi nga ako marunong gumamit ng pellet gun at maglaro ng baril-barilan, gumamit pa kaya ng mga sandatang pandigma upang makipaglaban sa mga masasamang nilalang. Hindi ko alam kung tama ba itong pinasok naming magkakaibigan.

"Gising na mga dude!" Narinig kong sambit ni Jao sa amin.

Nang makababa na sa bundok ay napagpasyahan naming magpahinga muna bago magtungo sa sisabi nilang Limukon. Ang totoo niyan ay kanina pa ako gising dahil hindi na ako nakatulog pang muli simula ng magising ako kanina dahil narinig kong nag-uusap sina Igwayan at si Bangkay. Pa sikat na ang araw kanina nung marinig ko silang may pinag-uusapan tungkol sa sasakyan namin patungo sa Limukon. Nagpanggap lang akong tulog kanina upang marinig kung may pag-uusapan paba silang mga importanteng bagay pero nagkamali ako dahil pagkatapos nilang mag-usap ay dali-dali nang umalis si Bangkay.

"Hey dude! Gising na" wika ni Jao habang tinatapik si Elay. Si Igwayan naman ay ginigising si Kiko. Nagpapanggap parin akong tulog at naghihintay nalang na gisingin rin.

"Bumangon ka na diyan Levi, alam kung kanina kapa gising" wika ni Igawayan na agad ikinamulat ng mga mata ko. Alam niya kaya na nakikinig ako sa usapan nila ni Bangkay kanina?

"A-anong oras naba?" Tanong ni Elay habang nagpupungas ng mga mata.

"Alas syete na ng umaga."

"Ang aga pa pala eh! Matulog-"

"Bawat oras ay mahalaga bata kaya wala tayong dapat na sayangin" bulalas ng ent.

"Malayo po ba ang kaharian ng Limukon?" Tanong ko. Baka mamaya niyan ay nasa kabilang dako pa iyon ng mundo.

"Medyo dude, kung ngayong oras tayo lalakad ay aabutin tayo ng gabi bago makarating doon" malayo nga.

"Problema ba yun? Sasakay naman kami kay Igwayan eh diba, Igwayan?"

Umirap lang ang ent sa sinabing iyon ni Kiko. Wag niyang sabihing hindi siya payag?

"Hindi ako kabayo. Tsaka isa pa, paano kayo matatawag na manlalakbay niyan kung tamad kayong maglakad?" Masungit nitong tugon. Wow as if naman gusto namin ito? Kung hindi nga lang dahil kay lolo ayokong sumama eh.

"Pero ang layo kaya nun, halos kalahating araw tayong maglalakad? Ni hindi pa nga ako nakapag-almusal eh" reklamo ni Elay.

"Maghahanap tayo ng makakain sa daan mamaya."

"P-pero-"

"Isang reklamo fa mula sayo at babaliin ko lahat ng buto mo" banta ni Jao kay Elay. Wala na talaga yatang tsansa na magkasundo ang dalawang ito.

"Tss.."

"Ligpitin nyo na ang mga gamit nyo at lalakad na tayo" utos ni Igwayan sa amin.

"Teka, nasaan nga pala si Bangkay?"

"Oo nga, hindi ba sya sasama sa atin? Akala ko ba one big fight kayo?"

"Nauna na sa may baybay at inihahanda ang barkong sasakyan natin" Ako na ang sumagot sa tanong ng dalawa kong kaibigan.

Ang Tatlong ManlalakbayWhere stories live. Discover now