Kabanata 3: Si Lolo Daniel

111 3 0
                                    

[POV: Elay]

Una sa lahat ay binabati ko po yung pamilya ko kung saka-sakali mang nababasa nyo po ito. Lubos po akong nagpapasalamat kay otor dahil ako ang sunod niyang ginawan ng point of view (POV) Wala lang, masaya lang ako na nagka POV (as if naman ikayayaman ko yun). Salamat talaga otor haha. Okey baktodastori na tayo.

"Hoy okey lang ba kayong dalawa?" Tanong ko sa dalawa kong kaibigan na mga limang segondo nang nagtititigan. Hindi nila ako pinansin o mas maiging sabihin na parang hindi nila ako nakikita.

Omaygad no way! Unti-unti nilang nilapit ang mga mukha nila sa isa't-isa, sabay na pumikit ang kanilang mga mata at buong pagmamahal na..... naglapat ang kanilang mga labi.

ANAK NG PANDESAL NA INILUTO SA BUMBONAN NI PNOY! Naghalikan sila with matching tongue to tongue. WTF!!!

Paksyit!! Walanya!! Bakit sa harap ko pa? Pwede namang gawin nila yun habang kunwari e sabay silang nagpapaalam para juminggil tapos dun na nila gawin sa likod ng puno ang mala "My Husband's Lover" kissing scence nila. Waah!! Mababaliw yata ako dahil sa nakita ko.

WATDAPAK!! otor anong nakain mo at ginawa mo ito sa mga kaibigan ko?!!

Papatayin kita!!





Syempre joke lang haha.





So ayun nga, mga limang segondo silang nagtitigan. Medyo wierd.

"I-ikaw, ikaw yung nakasakay sa ibon?" Gulat na tanong ni Levi kay Kiko. Bakit parang na o-op yata ako sa dalawang ito? Hello! Nandito po ako sa gilid nyo.

"Uhumm" tumango naman si Kiko. Nakatitig parin sila sa isa't-isa, wag kayong ganyan, I smell something fishy na.

"Imposible" sabi ni Levi. Napaisip ako kung bakit niya nasabi yun, may alam ba siya tungkol sa panaginip ni Kiko?

"Bakit parang nagulat ka?" Tanong naman ni Kiko kay Levi. Tuloyan na nga nilang nakalimutang nandito ako kasama nila.

"*Klir trot* ahm guys! Palubog na ang araw at baka gabihin tayo sa daan." Pang-agaw ko ng pansin sa dalawa. May balak nga yata talagang malaplapan. Kadiri lang!

"Tara na" bulalas ni Levi na nagmadali at naunang maglakad. Anong nangyari dun?

Agad namang sumunod si Kiko sa kanya. Confirmed, naging invisible na yata ako. Nang iwan ba naman.

"Hoy hintayin nyoko!"

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Ewan ko ba kung ano ang nangyari at parang nagkaroon ng akward moment sa pagitan ng dalawang kasama ko. Sabay kaming naglalakad at nasa gitna nila ako.

"Okey lang ba kayong dalawa?" Pambasag katahimikan kong tanong.

"Huh? Bakit mo naman naitanong yan?" Kunot noong tanong ni Kiko sa akin.

"Kulang nalang kasi ay maghalikan kayo kanina dahil sa lapit ng mga mukha nyo sa isa't-isa habang nag-uusap" sabi ko.

Pareho silang namula sa hiya sa sinabi ko. Si Levi ay sumipol-sipol habang si Kiko naman ay kunwaring may kinukulikot sa loob ng bag niya. Maygad! Wag naman sanang totohanin ni otor ang joke ko kanina.

Aaasarin ko pa sana sila pero hindi ko na naituloy dahil biglang tumakbo si Levi. Doon ko napansin na narating na pala namin ang bahay ng lolo niya. Tumambad sa amin ang malaking bakuran at nakatayo doon ang isang bahay na yari sa kawayan at ang bubong naman nito yari sa hindi ko malaman pero alam kong hindi iyon nipa, ang dingding ay yari sa mga hinabi na maninipis na kawayan, amakan yata ang tawag dun. May kalakihan ang bahay na yun at parang nagmukha itong bahay kubo na malaki. Sa di kalayuan ay may natanaw din akong bahay na ganun rin, nasa ibabang bahagi ito ng isang burol.

Ang Tatlong ManlalakbayOnde histórias criam vida. Descubra agora