Chapter 22

32.4K 937 503
                                    

GAYA ng sabi ni Andrie ay lumipad nga sila patungong LA at kasama nila ang apat niyang kulukoy na sina Jace, Soren, Calex at Ryeo. At kaya kahit saan siya pumunta ay kasa-kasama niya ang tatlong sina Jace, Soren at Calex ay dahil hindi lang naman taohan ang turing niya sa mga ito. Hindi utusan ang turing niya sa mga ito o kaibigan. Kundi para na niyang mga kapatid ang mga ito. Ilang taon na rin niyang kasa-kasama ang mga ito. Kahit saan siya nakakarating ay sinasama niya ang mga ito sa lakad niya.

"Tito Jet(Jace) matagal pa po ba tayo?" Tanong ni Christine kay Jace. Bigla na lang silang nagtawanan dahil nakailang tanong na ito kung matagal pa ba sila. "Malapit na tayo." Nangingiting sagot ni Jace.

"Tito. Tito. Makikita ba natin dito si Superman?" Inosente nitong tanong. "Nope baby. Hindi lumilipad si Superman sa araw." Sagot naman dito ni Soren.

"Bakit po?" Curious nitong sagot. "Dahil basa ang brief niya Princess. Kaya kailangan niyang isampay kung sa araw para natuyo." Sagot naman sa kanya ni Calex na kinatawa nila.

"Bakit po basa brief niya tito?" Makikita mo sa mukha nito ang pagkalito. "Kasi gumulong-gulong siya sa dagat tuwing lumilipad siya." Sagot naman ni Ryeo. Napakunot naman ang mga noo nila.

"Anong gumulong-gulong?" Taka nilang tanong kay Ryeo. "I mean he went down to the sea." Anito.

"Men, hindi gumulong-gulong ang ibig mong sabihin. Lumusong sa dagat." Pagtatama nila dito. "Yes! Yun, lumusong siya sa dagat." Anitong kakamot-kamot ng batok.

"Kapag po ba lumusong sa dagat si Superman ay nababasa?" Tanong na naman sa kanila ni Chrisrine. "Oo, baby. Nababasa kasi hindi water proof ang suot niya." Sagot dito ni Jace.

"We are here." Imporma sa kanila ni Andrie. Agad silang bumaba ng sasakyang sumundo sa kanila sa airport. "Yan bahay natin, Daddy?" Sabay turo ni Christine ng bahay sa harapan nila.

"Yes, baby. Go knock the door." Utos nito sa anak. "Princess, don't run." Pasigaw dito ni Gemalyn.

Agad ngang kinatok ni Christine ang pintuan ng bahay. Mga ilang segundo lang ang dumaan ng bumukas iyon.

"Elow po, lolo, lola." Nakangiti nitong bungad sa mag-asawang nagbukas ng pinto. "Christine." Masaya namang binuhat ni Mr. Marquez si Christine ng mapagsino niya ito.

"Iho, bakit hindi kayo nagsabing darating kayo?" Tanong agad ng ina ni Gemalyn kay Andrie. "Ma, surprise po. Kaya hindi po pwede sabihing darating kami." Nakangusong ani Gemalyn sabay halik niya sa ina.

"Hello. Tita. I'm Ryeo the handsome baby sitter." Pilyong ani Ryeo. Kaya natawa na lang ang ginang dito.

"Oh! Siya, pumasok na kayo." Utos ng ginang sa kanila. Ng mailapag nila ang mga dala nilang gamit ay makikita mo sa mag-asawang Marquez ag saya dahil nandoon sila. "Sandali lang at ikukuha ko kayo ng maiinom." Paalam ng ina ni Gemalyn.

"Tita, maupo na lang po kayo. Kami na lang po ang kukuha." Pigil dito ni Jace. "Naku! Iho, magpahinga muna kayo." Saad naman ng ginang.

"Okay lang po yun, tita. Sanay na po kami sa byahe." Ani Calex na nauna ng tumayo. "Oh! Siya, kayo ang bahala. Check niyo na lang ang ref at meron akong ginawang cake at inilagay ko doon." Anito sa dalawang binata.

"Kumusta po ang pag-stay niyo dito, tito?" Maya ay tanong ni Andrie sa ama ni Gemalyn. "Ayos lang naman iho, pero iba parin yung nasa Pilipinas. Doon lagi namin kayo nakikita at meron makulit na si ten-ten." Saad ng ginoo.

"Lolo, wag na ikaw malungkot. Kasi sabi ni Daddy, uwi tayong lahat sa atin." Biglang ani Christine. "Maganda yun apo at doon pwede ka namin hiramin ng lolo mo. Ang Mommy mo kasi hindi na baby." Anang ina ni Gemalyn na kinasimangot nito. Kaya agad ginagap ni Andrie ang kamay niya.

Me And The Bastard Billionaire(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon