Chapter 19

33.8K 907 509
                                    

KINABUKASAN ay hindi lumabas ng kwarto ni Andrie si Gemalyn. Naligo lang ito at muling nahiga sa kama ng binata. Pakiramdam kasi niya ay nanghihina parin ang mga binti niya. Matapus kasi ng nangyari sa kanila ng binata ay umulit ulit ito early in the morning. Ika nga nag-almusal ito ng maaga.

"Mommy. Mommy, sick si ikaw?" Tanong agad ni Christine na mabilis sumampa sa kama at sinalat nito ang noo ni Gemalyn. "No, baby. Pagud lang si mommy." Paliwanag nito. Kunot noo naman itong napatingin sa mukha niya. Puno ng katanungan ang inosente nitong mga mata.

"Don't worry, mommy is fine. Kumain kana ba ng breakfast mo?" Pag-iiba nito ng usapan. Dahil ayaw niyang malaman ng anak ang dahilan kung bakit siya nagkukulong sa loob ng silid. Napakabata pa nito para sa bagay na iyon.

"Tapus na po, pinakain ako nila tito Calex." Sagot nitong kinangiti ni Gemalyn. "Good girl." Agad itong niyakap ng dalaga at pinaghahalikan niya ang mga kamay nito.

"Daddy. Daddy, si Mommy tired daw po. Need niya magrest." Anito kay Andrie na kakapasok lang. "Okay Princess, magpapahinga si mommy today. And don't worry daddy will take care of your mommy." Anitong sumampa rin sa kama at tumabi sa dalawa.

"Good. Good. Daddy." Sabay thumbs up nito. "Daddy, pwede ba ako magplay doon sa house nila tito Axel?" Maya ay paglalambing nitong aniya.

"Okay. Pero wag kang makipag away kay Asher Jade. Ipapahatid kita sa tito Calex mo doon." Sagot nito. Napapalakpak naman ito sa tuwa dahil sa naging sagot ni Andrie.

"Thank you, Daddy. Plames, good girl po ako." Anito sabay yakap kay Andrie at humalik dito. Napapangiti namang nakamata sa dalawa si Gemalyn. Ang mga taong hindi sila kilala at hindi alam ang totoong kwento nila ay mapapagkamalan ngang anak nilang buo si Christine.

"Hey! Bud, pakihatid si Christine sa bahay nila Vergara." Ani Andrie sa tawagan. "Sino sa mga Vergara?" Tanong naman ng nasa kabilang linya.

"Axel Vergara." Sagot nito.

"Okay. Nandito ako sa sala, papuntahin muna lang dito baby ten-ten." Saad naman sa kanya ng kausap.

"Baby, hinihintay ka ni tito Calex mo sa sala." Anito kay Christine matapus niya makausap sa tawagan si Calex. "Okay Daddy." Pagtalima naman nito.

"Baby, wag kang magtatakbo masyado ha. Baka madapa ka. And remember what daddy said. Wag kang makipag away kay Asher Jade." Saad naman dito ni Gemalyn bago niya ito hinalikan.

"Yes Mommy." Pagtalima nito. Napangiti na lang si Gemalyn na agad sumandal kay Andrie ng mawala na si Christine sa paningin nila. "Ang swerte natin sa kanya. Napakasweet niyang bata at napakabibo." Anitong kinangiti rin ni Andrie.

"Yeah! Ang swerte natin. Dahil meron agad tayong blessing na baby girl. Kaya next time e sana puro lalaki ang maging mga kapatid niya para protektahan siya. Maganda iyong pang basketball team ang maging brother's niya. Para marami ang gugulpi sa magtangkang ligawan siya kapag malaki na siya." Pilyo nitong aniya na agad tinampal ni Gemalyn ng mahina.

"Hey! Tumigil ka. Ayaw kung ganun ang gagawin niyo kay Christine. Naku! Naku! Kapag iganun niyo siya ay ikaw talaga ang malilintikan sa akin." Pananakot nito kay Andrie.

"Honey, naman. Syempre, dapat ganun para walang magpapaiyak sa prinsesa natin. At dapat makapagtapus muna siya ng pag-aaral like you. Kita mo ikaw nakatapus ka ng pag-aaral mo kahit wala kang boyfriend. Kaya dapat ganun rin ang anak natin. Para, pagdating ng araw ay yung lalaking karapat dapat para sa kanya ang makakasama niya." Katweran nitong kinailing ni Gemalyn. Kung sabagay ay tama naman ito. Pero, ayaw niyang pangunahan nila ang bata. Isa pa ay bata pa ito para sa ganung bagay. Advance lang talaga mag-isip itong si Andrie.

Me And The Bastard Billionaire(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon