Chapter 4

41K 1.1K 847
                                    

DAHIL sa sinabi ni Andrie kay Ryeo na pumunta siya sa bahay nito ay kaya agad nga itong pumunta ay bahay niya. Nasa bungad pa lang ito ng pinto ay kay lapad na ng pagkakangiti.

"Hello Boss." Anitong nakangiti parin. "So, anong trabao ko boss? Personal bodyguard ba o yaya?" Nakangisi nitong tanong.

"Gago, stay here as you want. Kahit hindi kana maging bodyguard o yaya. Basta ba hindi ka magdadala ng babae sa bahay ko." Ani Andrie na iiling-iling.

"Okay! No problema. Thank you bro." Anito sabay salampak ng upo sa couch. "Where is little Christine?" Maya ay tanong nito.

"Natutulog na." Tipid nitong sagot. "Sige may gagawin pa akong trabaho sa taas. Kung nagugutom ka ay magpagawa ka sa kanila sa kusina ng makakain mo. At ang magiging kwarto mo ay itanong muna rin sa kanila kung saan sa mga kwarto sa taas." Saad dito ni Andrie sabay tayo.

"Okay. Thanks again, bro." Agad na pumunta si Andrie sa mini office niya na nasa tabi lang ng kwarto niya. Hinihintay kasi nito ang mga tauhan niyang tumawag dahil may ipanagawa siya mga ito.

Mga ilang minuto lang ng makaupo siya sa swivel chair niya ay biglang tumunog ang tawagan niya.

"Hello." Ng sagotin niya ang tawagan. "Boss, nasa hospital po kami. Meron kaming dinalang pasyente dito. Nakita namin sa daan ng pauwi na kami." Paliwanag agad nito kay Andrie na nakikinig.

"Okay. Naitawag niyo na ba yan sa autoridad?" Tanong nito. "Yes, boss. Itinawag namin kay boss Renan." Sagot nito.

"Sige. Sige. Ang pinagawa ko nga pala sa inyo ay kumusta?" Pag-iiba nito ng usapan.

"Nakakuha rin po kami ng impormasyon tungkol sa pinaimbistigahan niyo, boss." Anito.

"Good. Sige kapag tapus na kayo dyan ay umuwi agad kayo. Bukas kita kakausapin, tungkol sa pinagawa ko sa inyo." Ani Andrie bago niya pinatay ang tawagan.

Matapus makausap ni Andrie ang isa sa mga tauhan niya ay nagpasya siyang pumasok na lang sa kwarto niya. Ng marating niya ang silid ay bahagya niyang nilapitan ang natutulog na si Christine. Napangiti siyang hinaplos ang maamong mukha ng anak bago siya tumuloy sa loob ng banyo.

Naisip na rin ni Andrie na gawan ng pinto ang kwartong katabi rin ng kwarto niya upang magkarugtong ito at ng kwarto niya. At ito ang gagawin niyang silid ng prinsesa niya.

NANG makauwi si Gemalyn ay ang magulang agad niya ang bumungad sa kanya. Tila hinihintay siya ng mga ito.

"Anak bakit ngayon ka lang?" Tanong agad ng kanyang ina. "Marami akong trabaho kaya ngayon lang ako nakauwi." Walang buhay nitong sagot.

"Pero tumawag ako sa hospital e kanina ka pa daw lumabas." Anang kanyang ina. "Ma, bakit kailangan niyo pang itanong doon kung nandoon pa ba ako o lumabas na ba? Ma, hindi ako bata. Kaya kung umuwi mag-isa at ito oh nakauwi na ako. Nandito na ako." Dahil nakinom ng kunti si Gemalyn ay kaya mukhang wala itong takot na taasan ng boses ang kanyang ina.

"Gemalyn." Gulat ang ina nito sa kanya. "Gusto lang naman kitang tanungin kanina kung free ka dahil gusto ni Marlon na makadinner date ka." Paliwanag ng ginang.

"Ma, wag na wag niyo ako matanong kung free ba ako para makipag dinner date sa kanya dahil wala akong panahon." Naiirita nitong aniya.

"Pero, fiance mo yun---

---Ma. I know his my fiance. Pero, hindi ko ginusto. Kayo lang naman ang may gustong maging fiance ko yun." Paalala nito sa ina.

"Nakakalimutan niyo ba? Ayaw ko naman sa lalaki na iyon. At hindi naman si Papa ang nagkautang doon kundi ang kapatid niyo. Pero anong ginawa niyo. Ako ang ipinagkasundo niyo sa lalaking iyon kahit hindi ko siya gusto kahit ni katiting ay wala akong nararamdaman. Hindi niyo nga ako tinanong kung payag ba ako o hindi. Bigla niyo na lang ako ipinagduldolan sa lalaking iyon." Mangiyak-iyak nitong panunumbat sa ina.

Me And The Bastard Billionaire(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon