IKAW NA BA YAN? FOREVER KO?

8 0 0
                                    

Author's Note:

First time ko po sumulat ng wattpad story kaya nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko pero sandamakmak ang ideya na pumapasok sa isip ko lalo na pag nagde-day dreaming ako.Hihihi. Kaya  para naman mapakinabangan ko ang hidden talent ko at maishare sa iba ang mga kwentong bunga ng imahinasyon ko ay minabuti kong subukan dito. Sana ma-enjoy nyo at mas sisikapin kong mapaganda ang mga susunod na pangyayari sa kwento nila Trisha, Miguel at James.

Pag maraming nagvote at nagustuhan itong story ay bibilisan ko ang pag-update. Thanks everyone. Enjoy reading!

Babush!!😘
I Started my story : August 3, 2017

************************


Naglalakad na ako sa kalye ng Teresa sa Sta. Mesa, papunta ako sa sa eskwelahan na papasukan ko...
Unang araw ng klase at kabado ako dahil first time ko na mag-aral sa malayong eskwelahan dahil mula nung nag-aral ako ay lagi akong hatid- sundo ng tatay ko sa school. Bahay at eskwelahan lang talaga ang lage kong destinasyon sa araw-araw, pero ngayong college na ako ay kaylangan ko nang subukang lawakan ang mundo ko at makisalamuha sa mas maraming klaseng tao.


"Kaya mo yan, ikaw paba?" Sabay hinga ng malalim para mabawasan ang kaba ko.

Dere-derecho kong tinahak ang kahabaan ng Teresa. Maraming estudyante rin ang nakakasalubong ko at nakakasabay sa paglalakad. Habang naglalakad ay tinitingnan ko rin ang nadadaanan kong mga tindahan, sunod-sunod ang kainan at computer shops, may mga tindahan din ng iba't ibang paninda.

"OK naman pala dito. Di ako mahihirapan maghanap ng mga kaylangan at kakainan ko." Nakangiting bulong ko ulit sa sarili ko para makumbinsi ako na magiging masaya at maayos ako sa bago kong eeskwelahan.

Pagpasok ko sa loob ng campus. Napansin ko ang mga nagkakagulong estudyante sa gilid Gym.

"Jaaaames!!!!!" Sigaw ng babaeng tila malalagutan na ng hininga sa sobrang kilig..

Yung iba naman parang naiihi na dahil panay ang impit na tili habang nakasunod sa naglalakad na lalakeng naka-basketball jersey.

At dahil may pagkachismosa aketch, ayun nagkadahaba ang leeg ko sa kakapilit makita kung sino yung pinagkakaguluhan ng mga babae. Narinig ko pa naman "James" ang tinawag sa kanya. Malay mo si James Reid pala yun! Kung sya nga yun, baka maunahan ko pang maihi yung mga babaeng yun dahil sa kilig. Hahaha.

Tama po kayo ng iniisip.
Isa nga po ako sa mga babaeng  patay na patay kay James Reid at minsang inisip na kame talaga ang mas bagay kesa sila ni Nadine..

Hahaha. Syempre Charchar lang yun. Di hamak na mas maganda naman saken si Nadine....
Pero mga dalawang paligo lang naman. Hihihihihi😅

Ayun na nga, panay ang silip ko. Medyo tumagilid yung lalaki..
parang si James Reid nga na parang hindi kaya lalo na-curious ako kung bakit nagkakagulo yung girls sa kanya.

Susundan ko na sana yung mga babae para masilip ko man lang yung tinitilian nila pero nagulat ako nang may biglang nagsalita sa tabi ko.

"Miss. Crush mo din ba yun?"

"Ay kabayo!" Napasigaw ako dahil muntik na akong malaglag sa bench na inakyatan ko dahil sa kakasilip.

"Ano kaba! Bakit kaba nanggugulat??!"

Inalalayan naman nya akong makabababa sa bench.

Saka ko palang natitigan ang mukha ng taong nanggulat saken.

Napatitig ako sa kanya kasi Putspa! naman! ang gwapo pala nya!! Maamo ang mukha nya, matangos ang ilong at malamlam ang mga mata nya na parang matang pusa. Sh*t! Yun pa naman weakness ko. Matangkad din sya kaya medyo nakatingala ako sa kanya..

"Miss?? Miss?? OK kalang ba?" Medyo tinapik pa ang balikat ko kaya bumalik ako sa huwisyo.

"Huh?? A-ano yu-yun??" Medyo utal-utal ko pang sagot.

"Sabi ko.. Okay ka lang ba??" Kita sa mata nya ang concern. Kakahiya.Di nya alam nagwapuhan lang ako sa kanya. Hihihi

"Okay lang!"
Medyo mataray kong sagot para mapagtakpan ang kahihiyan ko.

"Nagulat lang talaga ako sayo! Bakit ba kasi bigla-bigla ka kasing nagsasalita dyan!" pairap ko pang sabi sa kanya at kunwari may inayos sa bag para mailayo ang tingin ko sa kanya.

"Napansin ko kasi halos mahulog kana dyan sa upuan sa kakasilip mo kay James." sabi nya habang umuupo sa bench.

Nung narinig kong binanggit nya yung "James" ay bigla kong naalala yung sinisilip ko kanina. Nilingon ko yung pwesto ng mga nagkakagulong babae kanina pero wala na sila don.

"Haayy" napasimangot nalang ako at akmang maglalakad na papuntang main building.

"Kaibigan ko si James." nagsalita na naman si gwapong stranger.

Napahinto ako at nilingon ko sya. Nakita kong nakangiti sya saken at buti nalang nahawakan ko yung garter ng panty kong tila ba lumuwag dahil sa ngiting yon.

"Patay tayo dyan Trisha" bulong ko sa sarili at napangiti ako ng tabingi dahil para akong nalulusaw sa titig nya.

FINDING MY FOREVEROù les histoires vivent. Découvrez maintenant