Chapter IV

126 2 0
                                    

Gray Café

Maraming customers sa café ngayon. Labasan na kasi ng mga estudyante. 4PM na.

Dalawang lalaki ang umorder ng Frappe at bread.

"May I take your order, Sir?" sabi ni Liana.

"One Chocolate Chip Frappe and....." sabay tingin sa kasama.

"One Dark Mocha and cake."

Parehong mestiso at gwapo ang dalawa. Makinis ang balat, mayaman, matangkad, maganda ang porma, mabango.

"Thank you po. Names please."

"Pakilagay na lang "Baby" at "Honey"." ngumingisi ang dalawa.

"OK."

"Liana," nakatingin ang lalaki sa name plate. "Pakisabi sa mga chicks dun na sasagutin namin ang mga orders nila."

"OK, Sir. Yun lang po ba?"

"Yeah!"

Pumunta si Liana sa table at tinuro ang 2 mestiso. Tuwang tuwa naman ang mga babae at pinaupo ang 2 lalaki sa tabi nila. Maya-maya lang nagyayakapan na ang mga ito.

Umalis na si Liana para gumawa ng order nila at para maiserve na niya ito.

"Iba na talaga mga babae ngayon, ambilis makuha. Porke mayaman, gwapo.. Haay.." bulong nito sa sarili niya.

Tapos na niya ang order. Nilagay na niya sa tray at iseserve na ito.

Nang palapit na siya, pinatid siya ng isang babae. Tumawa ang mga ito. Nasubsob lang naman siya, natapon ang frappe at tumama sa pantalon at sapatos ni "Baby".

"Ano ba yan, napaka-careless!" sabi ni "Baby".

"I'm sorry, Sir. Hindi ko po sinasadya." sabay pahid ng tissue sa sapatos at pantalon nito.

"Hindi mo ba alam na mamahalin yang sapatos ko! 100,000.00 yan!"

"I'm sorry po! Lilinisin ko na lang po at ipapa-dry clean."

Tinapakan ni "Baby" ang kamay ni Liana at diniinan ito. Akmang madudurog na ang buto niya at gusto na niyang umiyak sa sobrang sakit.

"Araaaaaaaaaayyy...Tama na po....Please..."

Sinipa pa ng lalaki ang braso ni Liana.

"Tama na Ran!" kawawa naman si Liana, sabi ng isang mestiso.

"At Ran pala ang pangalan mo?! Hayup ka! Sabay sapak kay Ran."

Napahawak si Ran sa pisngi niya na nasapak.

"Alam mo Miss, napakasimpleng bagay kasi hindi mo pa nagawa!"

"Pinatid ako ng babaeng kalandian ng kasama mo! Alam mo ba yun?!"

Kinuha ni Ran ang buhok ni Liana at sinabunutan. Bumukas ang pinto ng café at isang lalaking matangkad, gwapo, maputi ang bumungad.

"Luke! Ikaw pala! Itong babaeng ito! Tinapunan ng frappe ang shoes at pants ko." sabi ni Ran.

"Kaya ko lang natapunan yan kasi pinatid ako nung babaeng kalandian niya." sabay turo sa katabi ni "Honey".

"Jim, totoo bang pinatid siya ng katabi mo?" tanong ni Luke at tumingin sa babae.

"Ginawa mo ba yun?" sabi ni Jim sa katabing babae.

"Ba't ko gagawin yun sa kanya?! No, hindi ko siya pinatid." sabi ng babaeng haliparot.

"Hindi daw niya ginawa eh. Sige saktan niyo na ako, gaya ng ginawa niyang Ran na yan!" sabi ni Liana.

Sinampal ulit ni Ran si Liana.

"Grabe. Ngayon lang ako nasampal ng lalaki. Ang sakiiiittt. Huhuhuhuhu." bulong nito sa sarili.

"Tama na, Ran. Nakaganti ka na." sabi ni Luke, habang pinipigilan si Ran. Hawak nito ang kamay niya.

"Sobra ka na Ran. Tama na. Ilang beses mo na siyang nasaktan. Sapat na yun!" sabi ni Jim.

"Babalik na po ako sa counter." sabi ni Liana.

Pumunta si Luke sa counter.

"Miss, sorry. Hindi ko alam yung buong kwento pero naniniwala ako sayo!" bulong nito.

"Sir, ano pong order niyo?" sabi ulit ni Liana. Naiiyak na ito ngunit pinipigilan niya lang.

"Anong nangyari sa kamay mo?" hinawakan ni Luke ang kamay niya.

"Ba't hindi niyo po tanungin sa kasama niyo, Sir?"

Sugat-sugat ang kamay niya at hindi niya ito maisara man lang.

"Oorder po ba kayo?"

"Ipasara mo na yung cafe. Babayaran ko na lang lahat ng kikitain nito sa buong araw." sabi ni Luke.

Napanganga si Liana. "Anooo?"

"Hindi ako nagbibiro. Ito na rin pera pampacheckup mo."

Nag-abot ito ng ATM kay Liana.

"Anong pangalan ng may-ari ng cafe? Tatawagan ko siya ngayon din."

"Renato Lim" sagot ni Liana.

"Sino ba tong mga taong to?" tanong niya sa sarili.

Kinuha ni Luke ang cellphone niya. Maya-maya lang kausap na niya si Mr. Lim.

"Sir Lim. Isara niyo na muna ang cafe niyo ngayon ng maaga at bigyan ng break si Liana. Magdedeposit po ako ng kikitain nitong cafe for one day. Hintayin niyo lang. Salamat ho." pagtapos ay binaba ang telepono.

"Sir may pera po ako pampacheckup. Hindi ko po ito kailangan. Salamat po." inaabot ni Liana kay Luke ang pera.

"Walang PIN yan. Kapag hindi mo kinuha, ipasisisante kita. Malalaman ko pag hindi mo ginamit yan kaya sundin mo na lang ako." sabi ni Luke.

"Pero, Sir...."

Tumalikod na si Luke at lumabas ng cafe. Samantalang ang mga naiwan ay tumayo, sumunod na kay Luke at umalis na rin. Nagligpit na ng kalat si Liana.

Pagtapos isara ang cafe, dumiretso na ito sa clinic para magpacheckup. Himala at hindi na siya pinapila. Diniretso na siya sa doctor's room. Nagpax-ray na rin siya. Ang resulta, kailangan niya ng calcium tablets at mefenamic acid na rin para mawala ang maga at pain sa kamay. Nilagyan din ng cast ang kamay niya.

"Peste talaga yung Ran na yun! Imbis na makakapagtrabaho pa ako, wala na. Pano ako makakabayad ng tuition. Malaking halaga din yun. Hay naku!"

Inabot niya ang ATM card para idebit na ang babayaran niya. Nagtataka lang siya at binigyan na rin siya ng kumpletong gamot. Lahat ng kailangan niya bayad na.

"Salamat na lang kay Luke at nakapagpacheckup pa ako. Hulog ng langit tong ATM na to!"

Dumiretso na ng uwi si Liana sa bahay nila.

Samantala...

"Bro, bakit mo ba pinagtanggol yung babaeng yun?!" sabi ni Ran.

"Sobra-sobra na yung ginawa mo Ran. Kawawa naman yung tao!" sagot ni Luke.

"Tama ka Luke. Siguro napilay ang kamay nun. Buti na lang sa kaliwa yung tinapakan mo. Yun eh kung right-handed nga siya." sabi ni Jim.

"Tinapakan niya ang ego ko! Pag hindi mo yun pinakasalan, ipapapatay ko yun! Siya ang kauna-unahang sumapak sakin. Tignan mo mukha ko, nangingitim!" nakasangot at naiinis na sabi ni Ran.

"Kailangan ba talagang umabot dun?" sabi ni Luke.

"Bibigyan lang kita ng 2 weeks, Luke. Kung gusto mo talaga siyang iligtas, aba, pakasalan mo siya!" sabi ni Ran.

"Napakapilyo mo talaga, Bro!! Hindi naman siya ang tipo kong babae!"

"Deal?!" sabi ni Ran.

"Deal!" sagot ni Luke. "So what? May divorce naman!" naisip nito.

Married to a Secret Society LeaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon