Chapter 5: Class D

427 45 10
                                    

Adrian Alex Asney Point of View:

Nandito kami ngayon sa Room 6, hinihintay ang pagdating ni Jeff. Bakit ba ang tagal ng pesteng iyon? 1 hour na kami ditong naghihintay sa kanya, wala ba siyang balak magpakita? Taena.

Ilang sandali na lang ay nakita naming unting-unti bumukas ang pinto at ang unang pumasok si Grace at sumunod sina Jeff at Jasmine na nakahawak pa ang kamay. Kumbaga, naka-holding hands. What the heck? Ano 'yan, landian lang?

Susugod na sana ako nang pigilan ako ni Jiyo kaya pinigilan ko na lamang ang aking sarili. Maya-maya, bumitaw naman sila. Nagseselos ako!

"Bakit nandito kayong dalawa? Diba sabi ni Axel, huwag na kayong pumunta dito? Ba't ang tigas ng ulo niyo?" High blood naman masyado si Louie.

"Jeff didn't know this room and we volunteered to help him to get here that's why we're here" sagot naman ni Grace. Bakit kaya english ng english ito?

"Jeff already know this place. How come he forget this?" Sarkastikong tanong ko sa kanya. Napatingin naman si Jasmine sa kanya, du'heck. Nagseselos ako! Pwede bang ako na lang ang titigan mo, Jamine?

"I know how to move on. Pasensya ka, dahil nakalimutan ko ang lugar na 'to. Masyado kasing magulo sa utak ko. Oh bakit niyo pala ako pinapatawag? Anong sasabihin niyo? SPILL IT!" Hindi pa rin nagbabago. Siya pa rin talaga ang maangas.

"I think we must go now" mabuti kung ganoon. Hinila naman ni Jasmine si Grace at tsaka umalis na sila dito. Umupo naman si Jeff sa upuang bakante na malapit sa pinto. Malayo ang distansya namin sa kanya.

"Ano bang gusto niyong ipamukha sa akin? Talagang ako lang ang tinawag niyo ah?!" Sarkastikong tanong niya. Sa totoo lang, kanina ko pa pinipigilan ang aking sarili na atakihin siya. Kanina pa ko naiinis sa ugok na 'to eh.

"Pigilan mo ang sarili mo Adrian" pabulong ni Kean sa akin. Tumango na lamang ako kahit gusto ko na talaga.

"Nagmamadali ka? Alam mo ang rason kung bakit ka nandito" sabi ni Axel habang nagyoyosi. Gagong 'to! Alam niya naman na allergy si Fretz, humaharap pa siya habang nagyoyosi.

"Ano ba Axel, stop that! Pupula naman ang katawan ko nito eh" tinignan na lamang siya ng masama ni Axel at hinila na lamang siya ni Louie papunta sa direction ko. Mainit kasi ulo ngayon ni Axel, ewan ko sa lalaking diyan.

"Alam mo Axel------" pinutol naman agad ni Axel ang sasabihin niya sana.

"Hindi ko pa alam" wala pa nga eh, epal na agad.

"Kaya nga, sasabihin ko pa nga lang diba? Kung eepal ka agad, edi ikaw na lang ang magsalita tutal ikaw naman ang may sasabihin" angas na sabi ni Jeff. Sige, silang dalawa na lang ang mag-angasan!

"Ano ba iyon?" Bulyaw ni Jiyo sa kanya.

"Wala na. Nakalimutan ko na, kayo na lang ang magpaliwanag kung bakit niyo ako pinatawag at ako lang mag-isa. Bakit kaya?" Sabi niya na may iniisip pa 'kuno'. Tch. Sinamaan na lamang namin siya.

Nilalag naman ni Axel ang sigirilyo niya at tinapakan ito. Hindi talaga mabubuhay kapag hindi magyoyosi. Nakakamiss! Mamaya na nga lang!!!

Lumapit naman sa kanya si Axel at tsaka bigla siyang pinatayo at kwenilyuhan at hindi na kami nagulat sa reaksyon ni Jeff. Kahit kailan naman kasi, walang emosyon ang lalaking iyan.

"I want a REMATCH" Diniin talaga ni Axel ang rematch pero sinagot lamang siya ni Jeff na okay na malumay. Bastos ang peteng ito.

"Hindi ka talaga madadala dito 'no? Anong gusto mo? Patayan na lang dito?" Napalaki naman ng mata si Jeff at may ngiti sa labi. Mukhang mali ang sinabi ni Axel!

Princesses Fall Inlove With The Gangsters [REVISED STORY]Where stories live. Discover now