Chapter 4: Meet Axel in...

492 45 2
                                    

Jefferson Arciso Sarano Point Of View:

Break time ngayon at nandito kami sa secret room namin sa canteen. Ayoko kasi sa mga maiingay na estudyante kaya gumawa kami ng sariling room para sa amin tutal ang may-ari ng paaralan ay lola ni Arvin. Kami lang pwedeng pumasok dito! Malamang sa malamang -____-

"Jeff hindi ka ba kakain?" Tanong Michael sa akin kaso hindi ko lang siya pinansin at bumalik sa pag-iisip.

"Hindi yan. Hindi nga magawang kumilos, kakain pa kaya?" Ang hindi ko lang maintindihan sa aking sarili kung bakit iniisip ko si Jasmine. Bakit ang lakas ng impact niya sa akin? Ginayuma niya ba ko?

"Ni-hindi nga humihinga eh. Buhay pa kaya yan?" Bakit magkakilala sila ni Axel? Anong past nila? Haistt!! Bakit ko naman sila iisipin?

"Try niyo kayang batukan nang sa gayo'y matauhan" Paano kaya kung kausapin ko si Jasmine? Pero ang tanong, bakit ko naman siya kakausapin? Ako yung tipo ng lalaki na hindi makikipag-usap sa kahit sino except lang sa mga barkada ko.

"Paano kapag magalit? Edi ako ang tatamaan?" Siguro huwag ko na lang siya kausapin. Hindi naman kami close para kausapin siya.

"Malamang ikaw. Syempre ikaw nambatok eh, alangan naman kami" pero gusto talaga ng bibig ko na kausapin siya. Pero ano naman sasabihin ko? Sorry? Para saan? Aywow! Isang JEFFERSON ARCISO SARANO makikipag-sorry ng seryoso? Totoo ba 'to?

"Kayo ang nag-utos tapos ako masasaktan? Aba, huwag na nga lang" Nakakainsulto naman sa mga kaibigan ko at sa aking sarili kung gagawin ko 'yun. Nakakasakit ng ulo ito. Bakit ko ba pino-problema ang bagay na 'to?

"Ikaw na. Malapit ka diyan sa kanya tapos kami pa ang ipapagawa mo? Ano ba?! Tatayo pa ba kami para lang batukan siya?" Hays! -____- Ano kaya ang dapat kung gawin?

"Ayoko. Ka~~~"

"FUCK!!!" Napamura naman ako sa kakaisip dahilan ng ikinagulat nila. Ang hirap naman nito.

"Problema niyo?" Tanong ko sa kanila kasi nakatutok silang lahat sa akin habang nilalamon ang pagkain nila.

"Wala" sagot nila at nagsibalikan sa kanilang paglalamon. Mga patay gutom din ang mga 'to.

Tumayo naman ako para hanapin si Jasmine. Ewan ko ba >////< Ano ba ang nangyayari sa akin?

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Micahel ulit. Ang hilig talaga makialam ng lalaking ito.

"Lavatory" sagot ko at tumango naman sila habang kumakain. Hanggang nagyon hindi pa rin tapos ang paglalamon nila? -___-

"Sandali lang" kaya napatigil ako. Ano naman kaya ang sasabihin nila?

"Diba may lavatory dito? Bakit ka lalabas?" Tanong ni Arvin sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin at nag-diretso na agad sa paglalakad. Narinig ko naman ang mga walang kwenta nilang pag-uusap tungkol sa akin -___-

Gusto ko sanang balikan sila at babatukan pero nakakasayang sa oras kaya lumakad na ko ng tuluyan. Mamaya ko na silang hampasin.

Saan naman ako pupunta? Ni-hindi ko pa nga alam kung saan siya -___-

Breaktime ngayon. Nandoon sila kaya sa canteen? Makapunta nga doon para lang makita siya.

"Waaah, Nandito si Jeff sa canteen? Just WHAT? SERIOUSLY?"

"Bakit kaya pumunta siya dito? Dito ba siya kakain?"

"Isang SARANO, makikikain lang dito? WOW! Anong nakain niya?" -___________-

"Siya lang kakain? Nasaan ang iba?"

"Anong dahilan kaya kung bakit siya napunta rito? Diba may sarili silang canteen?"

Princesses Fall Inlove With The Gangsters [REVISED STORY]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt