Bago bumalik si Papa sa Taiwan nagtanong siya sakin kung ano daw yung kinukwento nila Mama ng manliligaw ko, pulang pula ang mukha ko nun. First time kasi na alam mo yun? May guy na napalapit sakin na alam kong gusto ko talaga. Lagi naman akong niloloko ni Papa tungkol sa mga manliligaw, Papa's girl ako and I'm proud. Youngest pa ko sa family kaya feeling ko, no alam ko na favorite ako ni Papa. Wag ko lang daw sabihin kanila Achi.

"Labas lang ako, Gy text mo ko kapag manlilibre si Des." tumayo si Aduke at lumabas ng kwarto, di ko sila pinansin ni Gyra. Iniisip ko pa din kasi yung sinabi ni Papa sakin. Kailangan daw makilala niya si Kib soon, tinanong niya pa kung masaya ba daw ako at simpleng tango lang ang ginawa ko. Tinago ko ang mukha ko sa dibdib ni Papa nung niyakap ko siya dahil sa nahihiya ako.

Wala namang ibang sinabi si Papa tungkol samin ni Kib kaya feeling ko approve siya. After ng usap namin na yun at naihatid siya niloko naman ako ni Mama. Kelan ko daw sasagutin si Kib?

"Kelan nga kaya?" tanong ko rin sa sarili ko yun eh.

Kib's

Kakatapos lang ng game namin pero parang mas kinakabahan pa ko ngayon kesa kanina. Hindi ko makita kung anong ginagawa nila Andrei at Aljun sa kabilang table dahil medyo malaking tao ang nasa harap ko, hindi ko na din sinusubukan pang silipin dahil ayaw ko namang isipin ng nasa harap ko ngayon na bastos ako. I need to make a good impression.

"Ah, Sir. Salamat po for coming here. Pasensya na po kayo kung di ko kayo nabisita, di po kasi kami pwedeng lumabas basta basta." paliwanag ko. Nagulat ako kanina after our game against Vanguard Univ, lumapit sakin si Ms. Joy to tell me na andun daw ang Dad ni Desiree. Yung pawis ko sa OT parang mas lumala pa eh.

Nung nasa Pinas kasi siya, hindi naman ako nakapagpakilala man lang. Wala ding chance, ilang days lang siya nagstay tapos nakakahiya naman kung umepal pa ako. Kaya hiyang hiya ako na siya pa ang pumunta dito.

"No problem, I was free tapos nakita kong may laro kayo dito. We are not formally introduced but my wife and eldest son told me something about you courting my youngest." hindi ko mabilang kung ilang lunok ang nagawa ko, napainom din ako ng tubig. Dire-diretso pala ang Daddy ni Des. Di ako nakapaghanda.

"Ah, Sir. Ah, opo. That's true po. Hope you don't mind po." Des' father reached for his cup to drink.

"What if I mind? She's my baby girl after all." I was gonna say something but no words came out. Tinignan lang ako ng Dad ni Des, waiting. Huminga ako ng malalim, I reminded myself na Des is someone who makes me happy. She's the one I want to be with and she'll be worth it. Kahit na gisahin pa ko ng Tatay niya, okay lang. Sabi naman ng Papa ko wala akong dapat ikatakot kung wala naman akong masamang ginagawa.

"I'm not gonna take her away from you naman po, Des will always be your baby girl. Just want to be part of your lives, sana like you, I can treat her like my baby girl din." that turned out kinda weird, I realized it when the man in front of me chuckled.

"So parang anak mo din siya ganun?" kabadong napangiti din ako, feeling ko I'm gaining his trust. Sana naman po.

"Ah, ano. Hindi po. I meant, as you know. Boyfriend po, hopefully." paliwanag ko ulit, nahihiyang manliligaw palang eh advance na ang iniisip ko. A guy can dream di ba?

"Hindi pa ba kayo?" mabilis na tanong niya, na agad kong inilingan.

"Eh, hindi pa po ako sinasagot." alanganing nagsmile ako, napahawak din ako sa batok ko.

"Sayang pala ang punta ko dito, mahina ka pala." nanlaki ang mata dahil sa sinabi niya. Nacoconfuse ako, does... this mean? Pinigilan kong ngumisi ng malaki, baka magka-wrong impression pa. Kailangan ko munang iconfirm kung tama ang hinala ko.

Fall Into PlaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon