MDSH 24

1.2K 23 1
                                    

MyDevilSweetHeart

#MDSH 24

Mira’s POV

                Kinabukasan ay maaga kaming nag-ayos ng gamit dahil nagyaya na kaagad umuwi itong si Dustin, dahil sa masama ang pakiramdam. Inaasar pa nga ito ng mga kaibigan niya na mukhang napasobra ata sa ano eh. Basta ang bastos lang kasi ng pinag-uusapan nila tungkol sa kaibigan nila. Mga lalake nga naman, hindi man lang inisip na may mga babaeng katulad ko na walang kamuwang-muwang sa mga ganun bagay ang madudumihan ang isip dahil sa mga pinag-sasabi nila Hays.

                At halos mag-aalas siyete narin ng gabi kami nakarating at pagod na pagod itong si Dwayne sa mahabang biyahe. Pero ang pinag-tataka ko lang, ay hindi ko man lang siya narinig na inutusan o kahit na anong bagay na pinag-gawa ito sa akin. Kahit na magbitbit ng gamit niya ay hindi niya pinasa sa akin? Mukhang may sakit ata itong amo ko ah? Sa utak nga lang! kelangan na niya talagang magpatingin :P

                Ipinaghanda ko na siya ng makakain niya, tinatamad na raw siyang bumaba para samahan ang mommy niya sa Dinner, kaya ako nalang ang nagdala ng pagkain nito sa kwarto nito, imbis na si Aling Sita. Ipinagpapahinga narin kasi ako nito dahil siyempre pagod narin ako sa haba ng biyahe naming kanina. Pero nagpumilit lang ako, dahil ewan ko. Parang gusto kong makira si Dwayne bago pa man ako matulog.

                Tok tok tok. Katok ko sa pintuan ng kwarto ni Dwayne. Walang sumagot, dahilan para buksan ko na ito ng wala na naman niyang permiso. Alam kong magagalit na naman siya dahil sa pumasok na naman ako sa kwarto niya nang hindi na naman ako nagpapaalam o kumakatok. Kung alam niya lang, halos masira ko na nga itong pintuan ng kwarto niya sa kakakatok, pero hindi naman niya kasi binubuksan. Kaagad na akong pumasok sa loob, nakabukas naman ang ilaw, pero wala si Dwayne. Saan kaya siya pumunta? Hindi ko naman siya napansin na lumabas ng bahay? Pumasok pa ako sa loob. Nakita kong nakabukas ang laptop niya, may kung anong enerhiya ang nagtulak sa akin upang lumapit  sa gamit niyang iyon. At hinila ko ito papalapit sa akin at halos lumuwa ang mga mata ko, ganun narin ang puso ko sa larawang nakita ng dalawang mata ko. Dug dug…dug dug, tunog ng puso ko. At may kung ano akong init na naramdaman sa akin likuran. Dahan-dahan kong nilingon ang aking ulo sa aking likuran, at napaatras ako, dahilan upang matumba ako dahil natabig ko yung kumot na nakakalat sa sahig ng minutong iyon. Buti nalang- nasalo ako ni Dwayne.

                Yung mga mata niya ay nakatitig sa mga mata ko. Yung kamay niya ay nakaalalay sa likuran ko. At yung puso niya?

                Blag!

                “Bakit mo ako binitawan?” reklamo ko pa sa kanya habang itinatayo ko mag-isa ang sarili ko at hinahaplos ang aking likuran. Ang sakit kaya ng pagkakabagsak ko? Mukhang balian ata ako ng buto sa ginawa niya. Tinignan ko siya, hindi siya nakatingin sa akin. Kaagad niyang kinuha ang laptop na nakalagay sa kama niya at tiniklup niya ito at tinago sa loob ng drawer niya.

                “Ano ba kasing ginagawa mo dito?” galit niyang tanong sa akin. Saka ko lang narealize na nakahubad pala siya. Oo, pang-itaas nga lang. at basa pa ang buhok nito may kaunting basa din sa katawan niya. Mukhang galing ito sa pagligo, kaya naman pala hindi ako naririnig noong kumakatok ako kanina pa.

                Umupo ako sa kama niya, habang hinahaplos parin yung likuran ko, masakit parin kasi kahit ilang Segundo palang ang nakakalipas. “Dinalhan kita ng makakain, baka kasi nagugutom ka na” sabi ko habang iniinda parin yung sakit sa likuran ko.

                “Masakit ba?” tanong niya sa akin. Wow! Napalingon ako sa kanya na may kasamang gulat sa aking mga mata. At kitang kita ko yung reaksyon niya noong bigla akong tumingin sa kanya. “Ang tanong ko kung masakit ba?” hindi ako makapaniwala na tinatanong niya ang bagay na yun. Nag-aalala ba siya sa akin? Wag kang magpalinlang sa mga sinasabe ng lalakeng yan Mira.

My Devil SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon