MDSH 11

1K 21 2
                                    

MyDevilSweetHeart

#MDSH 11

Mira’s POV

“Sige nga…halikan mo nga ako?” ha? Ano raw? Hahalikan ko sya?. Bakit?.....eh utos nya eh. Hala…bakit ganito??? Bumibilis yung tibok ng puso ko. Nakatitig ako sa mukha ni Dwayne. At yung mukha ko parang pinapasok ng apoy sa sobrang init.

“nagkukulay hapon ka na sa sobrang pula ng mukha mo” pang-asar pa sa akin ni Dwayne. Saka bumalik ito sa panonood ng Palabas. Tumalikod ako, panatingin ako sa isang salamin malapit sa kinauupuan ko. At tama, tama si Dwayne. Namumula yung mukha ko. Bakit ako nagbublush?. Ayts!!!!! Ayoko ng ganito!.

Nagtanong ulit si Dwayne. At kelangan ko itong sagutin, kundi may iba syang gagawin sa akin. Ang saktan ako. Ngek!!!!! Pero sa ilang araw ko dito. Hindi pa nya ako nasaktan. Oo masama yung ugali nya, pinapahiya nya ako sa mga kaibigan nya. Pinagmumukha nya akong kawawa. At higit sa lahat wagas sya makautos. Pero hindi nya ako kelan man nasaktan, ng pisikal.

“May Boyfriend ka na ba?” tanong pa nya sa akin. Ano ba naming tanong yan. Sobrang personal naman. At ano naman sa kanya kung may boyfriend ako o wala?. Ikayayaman nya ba yun. Hays!!!! Wala talagang magawa itong amo ko, pati yung personal ng tanong eh kelangan tanungin. Natatakot na ako, baka pati paboritong kulay ng panty ko tanungin pa nya. Hays! Dwayne.

Ngumuso pa ako bago sumagot sa kanyang tanong.

“Meron” tumingin pa ako sa itaas, iniiwasan ko kasing Makita yung reaksyon ni Dwayne pagkatapos kong sabihin na may kasintahan ko.

“Seriously?” hindi pa sya, sang-ayon sa sinabe ko. Bakit ba kasi laging may follow up question sya? Sa mga tanong nya?. Hindi ba pwedeng maniwala nalang sya sa sasabihin ko?.

“”Bakit ako magsisinungaling sa iyo” tanong ko sa kanya, habang nanginginig yung ngipin ko sa inis. Oo nakakainis na sya. Imbis na magpapahinga na ako ngayon. Nandito ako sa harapan nya na para bang ang laki-laki ng kasalanan ko at kung mag-interrogate wagas!.

“Baka kasi dahilan mo lang yan, para hindi ka ligawan ng mga lalake, kumbaga panakot” huh? Ligawan? Sino naman ang manliligaw sa akin?. Ikaw?. Duh! Kung ikaw nalang……ikaw…..ikaw???? ah? Bakit ako nag-iisip?. Bakit kelangan kong mag-isip?. Uhmmm…basta ayoko sa kanya.

“Hindi pananakot yun. Katotohanan yun. Mabait yung boyfriend ko. At kelan man, hinding hindi ko sya lolokohin. Mahal na mahal ko sya” biglang tumawa ng malakas si Dwayne. Ano ba talaga ang problema ng lalake ito?.  Hindi ko talaga sya maintindihan.

“nakakatawa ka talaga. Ang galing mong magpatawa” sabi pa nya habang hawak hawak pa nito yung tyan nya. Mamatay ka na sana sa kakatawa mo. Demonyo ka!.

“Anong nakakatawa sa sinabe ko?” reklamo ko pa sa kanya.

“lahat…sige…umalis ka na..mukhang inaantok ka na, marami ka pang gagawin bukas choo” kanina lang gusto nya akong kausap, ngayon naman pinapaalis na nya ako. Haysssss mood swing lang?.  o sadyang baliw lang?. kelangan ko ng lumayo sa kanya. Pero paano ako lalayo kung???? Amo ko sya?. Haysss nahihirapan ako sa sitwasyon ko.

……………………………………

Dwayne's POV 

“Bakit ayaw mong isali sa grupo si Mira?, maganda naman yung timbre ng boses nya. Uhmmm konting practice pa’t magiging Edge sya ng banda natin” walang kwentang suwestyon ni Dustin sa akin.

“Anong kabobohan na naman yan dustin?. Mira is my Nanny ok?, anon nalang ang sasabihin ng mga tao kung yung kasama natin sa banda ay isang katulong?” sabi ko pa sa kanila. Trevor gave me a threaten look. Na para bang gusto nya akong saktan.

My Devil SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon