MDSH 1

2.3K 32 4
                                    

MyDevilSweetHeart

#MDSH 1

Mira’s POV

Ako nga pala si Marikit “Mira” Santos. Ang panganay na anak nila Mercedez Ligaya Santos at Lando Jose Santos. May 6 akong mga kapatid, Sina Maligaya, Maganda, Makisig, Maliksi, Malusog at ang bunso si Makata.

At nasa byahe ako ngayon ng isang bus papuntang maynila upang magtrabaho at tulungan ang aking pamilya sa mga gastusin, at sa pag-aaral ng aking mga nakakabatang mga kapatid. Hindi na rin kasi bumabata sila inay at itay kaya bilang isang panganay responsibilidad kong tumulong kahit na labag sa damdamin pa nila ang pag-alis ko.

Huminto ang bus sa may bus station sa may isang bayan. Mag-aalas 3am na ng umaga at kailangan ng ibang pasahero na bumaba upang hindi abutan ng pag-dumi at pag-ihi sa loob ng bus, baka raw kasi pumutok na ang mga pantog ng ibang pasahero sa loob ng bus habang nasa byahe.

Idinilat ko ang aking mga mata at nakita kong muli yung lalakeng nambastos sa akin, paano ko ba naman hindi ito makikita eh. Konting agwat lang ang aming upuan, kahit na gusto kong iwasan syang tignan ay hindi ko magawa hindi ko rin alam kung bakit?.

“Mahal ang pag-titig sa akin” reklamo pa nya sabay irap sa akin ng kanyang kilay.

Hindi lang sya ubod ng yabang kundi, makapal din ang pagmumukha nya, akalain nyo ba namang pag-bintangan akong tumitingin sa kanya? Huh? As if naman na gusto ko syang tignan. Kahit na maganda yung mukha nya. May bilugan at itim ang kanyang mga mata. Mapula din ang kanyang labi, parang kulay cherry sa pula?. Makinis din ang kanyang mukha, parang hindi uso ang Blackheads o Pimples na hindi pwedeng tumambay sa kanyang mukha.

Ang puti din ng kulay ng kanyang balat. Halatang alagang alaga ito, may katangkaran din sya at higit sa lahat mukha syang model ng head n shoulders sa ganda ng bagsak ng kanyang buhok. Hindi rin tumatambay ang scalp o kuto sa kanyang buhok.

Perfect nga sya kung tignan pero sumasama lang dahil sa kanyang ugali.

“Magkano?” kunwari ko pa syang pinatulan ang pang-asar nya sa akin.

“Isang Million” ngumiti ito ng konti sabay lumabas yung maliit na dimple sa kanyang kaliwang pisngi.

“huh? Isang million?. Pagtitig lang? paano pa kapag hinalikan kita?” oppps bakit ko nasabi yung mga salitang iyon. Hays ok lang hindi naman nya ako kilala eh. At alam ko hindi narin kami magki-kita, sabi nila napaka-laki ng maynila kaya nakakasiguro ako na hindi kami magkakasalubong sa daan o sa mall kung aalis man kami ng amo ko.

“So gusto mo pala akong halikan?, kapag hinalikan mo ako, hmmmm you’ll be my slave forever”

Slave? Yun ba yung part ng damit? Slave? Weeeh??? Joke ba yun?. Pero ano bang tumatakbo sa utak ng demonyong ito?. Bakit gagawin nya akong slave nya kapag nahalikan ko sya? At wala akong balak syang halikan ah. Kahit sobrang kissable yung lips nya.

Hindi ko na sya pinansin, at hindi narin sya nagsalita. Inilagay nya ulit yung headseat nya sa kanyang tenga at ipinikit muli yung kanyang mga mata.

nagsi-balikan ng muli yung ibang pasahero sa kanilang upuan at muling umandar yung bus at nagpatuloy na kami sa aming destinasyon.

…………………………………..

“hahalikan mo na ba ako?” tanong ko sa kanya, palapit na ng palapit ang kanyang mukha sa akin, unting unti nalang eh malalapatan na ng kanyang malambot at kulay cherry na labi ang aking labi.

ipinikit ko ang aking mga mata.

sabay…..

Miss….Gising na…miss Gising. yugyog pa ng katawan sa akin ng isang lalake, iminulat ko ang aking mga mata, at nagulat ako sa itsura ni koya. napaurong pa ako sa aking kinauupuan, pero pagkatingin ko ay wala na ang mga tao sa loob ng bus.

My Devil SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon