MDSH 18

1K 21 1
                                    

MyDevilSweetHeart

#MDSH 18

 

Dwayne’s POV

Hila-hila ko ang kamay ni Mira, at inilayo na ito sa lalakeng manlolokong na iyon. Buti naman at may tapang  sya nang loob at sinabe na nito na makikipaghiwalay na ito sa kanya. Kahit na alam ko na hindi nito sinabe ang buong detalye at kung anong dahilan kung bakit ito makikipaghiwalay.

“Wag ka ngang umiyak dyan” reklamo ko pa sa kanya, habang palapit na kami sa bahay nila.

“Hindi ko maintindihan, hindi ko maintindihan kung bakit nya ako kelangang iwanan” tsk! Kung alam mo lang ang dahilan, baka nakalbo mo na yung bestfriend mo, at pinutol mo na yung ari nang boyfriend mong makati pa sa higad. Tsk!

“Baka hindi kayo ang para sa isa’t isa?” sabi ko nalang sa kanya.

“Sino ang para sa akin Aber?” reklamo pa nya. Aba sinasagot mo ako?. Bwisit to?. Buti nga nandito ako ngayon. Eh, buti nga inilayo ko sya sa lalakeng iyon. Pucha, kung alam mo lang mira. Tsk bwisit.

Tumalikod ako, at pinabayaan syang pumasok sa loob, pero bago pa man sya pumasok sa likod, muli kong hinila ang braso nya’t napalingon ulit ito sa akin.

“Bakit?” mala-reklamo nyang tingin sa akin.

“Wag kang magpahalata na may problema ka. Wag kang tanga, hindi ka namatayan, okay? Kaya wag kang iiyak sa harapan nila. Uuwi na tayo, nag-aaalala na si mommy for sure.” Sabi ko sa kanya then I realesed her, saka na ito pumasok sa loob.

Pagkalipas nang ilang minuto ay. Nakapag-paalam na kami nang maayos, gusto pa man nang pamilya ni Mira, na magstay pa nang kahit matagal ang anak, pero hindi na ako pumayag. Dahil may pasok na ako bukas, at isa pa. hindi na maganda ang mga nangyayari dito ngayon, baka ano pang magawa ko doon sa lalakeng iyon kapag nakita ko ulit sya.

………………………………

Mira’s POV

Nakasakay na ulit kami sa kotseng inarkila ni Dwayne, galing pa sa bayan. Sa loob nang kotse ay tahimik lang si Dwayne na nakatingin sa may daan. Samantala ako? Ito lutang. At parang ewan. Hindi ko parin kasi maintindihan kung bakit parang, wala na kaagad yung sakit na nararamdaman ko pagkatapos makipag-hiwalay sa akin ni Jose. Siguro dahil andyan si Dwayne?. Tsk! Ano naman kung andyan si Dwayne?. Eh ano naman sya sa iyo Mira?. Wag kang mag-assume, hindi ka gusto ni Dwayne. Walang puso ang tulad nya. At hindi marunong mainlove ang isang demonyo.

Kinakausap ko pa ang sarili ko. Nababaliw na talaga ako. Ginalaw ko ang braso ni Dwayne. Nakuha ko muli ang atensyon nito. Tumingin sya sa akin. Tapos ningitian ko sya.

My Devil SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon