Chapter 10 - Pinky and Khiara

91.8K 2K 89
                                    

Khiara's POV

Mabuti na lang tinulungan ako ni Elle kundi, nakaw!!! Patay na yang Pinky na yan!!!! Nakakaklo ng dugo!!! Akala ko si Cyrus na ang pinaka malala meron pa pala!!

"Khiara ok ka lang?" tanong ni Elle sakin habang naglalakad kami pa room

"Ahh, Elle oo ok lang ako, pero kelan pa ba kayo bumalik ng Pinas?" nagulat ako na ilang taon kami hindi nakapag usap pero bigla siya susulpot sa buhay ko at aamin bigla na gusto niya ako ligawan?

"Last week lang" ngiti niya

"Buti naman at magkaklase tayo!! Para kayo ni Zhane ang friends ko!!"

"Paano ako? Hindi mo ba ako friend?" singit ng isang tao, kanina ko pa rinig na rinig pagmumukmok ni Cyrus sa likod ko. Kaya ang sarap asarin eh.

Napalingon ako kung sino yung nagsalita, and as expected si Cyrus!!!

"Khiara hindi mo ba ako friend?" tanong niya uli at nagpout

 Shete ang pogi, bakit nag-improve yung pout niya? Last time yung pout niya parang nanghihingi ng kiss? Ngayon naman nag-aatract ng lips! HALA HALA ANO SINASABI KO? Naapektuhan ako sa dami ng time na nakasama ko siya, nasanay na ako sa mukha niya.

"Ahh, ehh, oo friend din kita" sabi ko para na lang tumahimik siya

"Buti naman akala ko yung date naten walang naging saysay" at huminga siya ng maluwag

Maka-upo na nga baka dumating na si Sir Anthony. After a few seconds nagbell na. Pagpasok ni Sir ginreet namin tapos...............

"Class, may bago kayong classmate, si Pinky Cruz"

"wtf" sabi ko ng pa-whisper

                                  Nagkatinginan kami ni Cyrus sabay kasi kami nagsabi nung 'wtf'

"Pinky introduce yourself"

"Hi!! I'm Pinky Leix Cruz 15 y/o" sabi niya all smile pa man din

Boring nakaka-asar lang yung pagmumukha ni Pinky. Aminado ako na cute at maganda siya, kaso yun yung ginagawa niyang way para maawa mga tao sa kanya. Hindi lang sa paglaban, nag hohold ng punches kapag lalaki ang kalaban tapos dinadaan na sa maduduming tricks ang victories nila.

"Hi ate pwede dito ako umupo?" tanong ni Pinky

"Sorry Pinky pero upuan ko to, meron pa namang vacant seat sa pinaka likod ehh"sabi ko

"Pero ate gusto ko malapit kay Kuya Cyrus" at nagpuppy eyes, tsk dukutin ko mata mo eh!!

 Napilitan na lang ako lumipat mamaya kung ano pa gawin ni Pinky para umalis ako. Kaya kailangan ko magtyaga umupo sa likod, sira ang mga silya, mahirap marinig ang sinasabi ng teacher kasi malapit sa aircon puro hugong naririnig ko. Nang maka-upo si Pinky sa seat ko which is katabi lang ng seat ni Cyrus. Pagkaupo ni Pinky tumayo si Cyrus at lumipat sa.... tabi ko?

"Bakit ka lumipat dito? Ang hirap kaya makinig dito" tanong ko

"Ayoko naman kasi katabi si pinky kukulitn lang ako nun tsaka, gusto ko may kasama ka para hindi ka lonely" ngiti niya sakin

"Ang sama tuloy ng tingin ni Pinky lalo ako pag-iinitan nyan tingnan mo!" bulong ko sa kanya at tinuro si Pinky sa likod namin

"Hayaan mo siya basta nandito ako sa tabi mo hindi ka niya kayang saktan, at hindi ko siya hahayaang saktan ka" sabi ni Cyrus at binigyan ako ng ngiti na kinakasanayan ko nang makita ngayon

"Ok"

 Kunwari na lang at bored ako, pero may konti, konting kilig na nararamdaman. Hindi naman siguro yun masama diba? 

 Nung lunchbreak si Elle kasabay sana namin kaso na LBM ano ba naman kasi kinakain ng batang yun? Kaya kami-kami nina Zhane at Cyrus ang magkakasama. In fairness masarap din kasama si Cyrus. Naka-upo kami sa isang table na patriangle. Si Zhane sa tip at kami ni Cyrus sa dulo. Ang saya na ng usapan naming tatlo nang...........

"Hi!! Ate Mira pwede ka ba umusod gusto ko katabi si Kuya Cyrus"

 Usod pero bakit ako tinulak? Asar lang, tapos nakita ko nakakapit sa braso ni Cyrus si Pinky.Ako naman umupo malapit sa basurahan doon ako naupo noong 1st year ako, wala na kasing space sa canteen tapos bawal kumain sa labas kaya yun ang only space. And as usual sa halip na sa basurahan nila itapon sa akin bumabagsak ang basura. Nagulat na lang ako nang may nagtapon ng shake may yumakap sakin sa kanya tuloy bumagsak ang shake. Wag kayo mag-assume na si Cyrus yung yumakap, kundi sino pa ba? Si bestfriend ZHANE!!!

"Zhane thanks" sabi ko, habang naghahanap ng panyo para ipahiram sa kanya

"Kaw pa, but you should thank Cyrus also" tinanggap ni Zhane yung panyo at pinunasan yung part sa palda niya na natapunan. Halos kalahati din ng palda niya ngayon ang nasoak ng shake na yun.

"Bakit?" tanong ko habang nag aabot ng alcohol, para hindi siya manlagkit.

Lumingon ako sa likod yung dalawang lalaki kasi na nagtapon ng shake at pagkain sakin K.O. na ni Cyrus.

"Salamat ha" sabi ko ka Cyrus nung lumapit siya samin

Nakaramdam tuloy ako ng dark aura, si Pinky pala yun nagiging Pink na siya sa sobrang pagseselos ehh, mwahaha magdusa ka!!!

"Khiara magshower nga tayo ambaho na naten ehh" sabi ni Zhane habang takip takip ang ilong nya, ang bilis kumapit ng amoy sa basurahan papunta samin eh.

"Sige" Kinuha ko na bag ko, isang huling tingin kay Cyrus.

Nagtagpo mata namin, hanggang sa hinigit ni Zhane kamay ko nun lang ako bumitaw ng tingin kay Cyrus.

Kaya ayun nga nagshower kami, iisa lang ang nasa isip ko, si Cyrus, somehow din naman pala, kahit konti may nararamdaman ako para kay Cyrus?.............

=============================================


-eyysarmi

THE NERD IS A SECRET GANGSTER PRINCESS?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon