Chapter 16 - Red Dragon

73.2K 1.4K 16
                                    

Red's POV

Kadarating pa lang ni Zhane sabi niya gusto niya lang daw bisitahin si Khiara. Sus hula ko ako ang ipinunta nyan dito ehh. Nasa CR din ako 10 minutes lang naman aabuttin nito. Naalala ko tuloy yung nangyari sa Japan.

Flashback

"Red bakit mo ako pinatawag?" si Yuu half  filipinno half japanese na matalik kong kaibigan

"Sino ang Rank 1 gangster sa Pilipinas?" tanong ko

"Matagal na siyang Rank 1 at hindi pa nagbabago ng posisyon Death Rose daw yata pangalan"

"Patingin ng litrato at personal information niya" utos ko

 Ang tagal ko na kasing wala sa Pilipinas gusto ko lang makakuha ng UD sa mga current leading gangsters doon. May gang din ako dito sa Japan ang Red Dragons at ako ang leader siyempre. Bumalik si Yuu dala yung ilang files. Pagka-abot niya sakin ng picture.........

"Sh*t kamukha ni Khiara, ano totoong pangalan nito?" lalo ko inilapit yung picture dahil hawig na hawig to ng Baby ko.

"Ayon dito sa files niya 'Not Applicable' nakikita lang siya tuwing may laban ang gang nila"

"Ano pangalan ng gang nila?" bakit ganon kahit may make-up alam ko si Khiara to! Pero ang Baby Khiara ko, gustong gusto non bine-baby siya, nagkataon lang bang kamukha niya or siya talaga to?

"Walang official name ang gang nila pero ang tawag sa kanila Death Knights"

Kahit makapal ang make-up dito ng babaeng to alam ko si Khiara to ehh, basta kahit ano isuot ni Khiara alam ko siya yun, dati nga noong bata pa kami may masquerade ball kami nakamaskara lahat pero nahanap ko si Khiara 70 kami sa klase noon. Tapos indi ko pa alam kung anong gown ang suot ni Khiara, tapos hindi ko rin marinig yung boses nila kasi malakas yung tugtog. Impossible na magkamali instincts ko. Si Khiara to. Gusto ko lang naman sana makahanap ng updates sa gang scene sa Pinas dahil uuwi na ako soon. Gusto ko lang makatakas sastressful na gang life at studies dito sa Japan sa piling ni Khiara, pero, this is a some big information.

"Akin na nga yang files niya"

Kinuha ko yung file pero walang laman ang description lang 'nalitaw lang daw si Death Rose kapag may mga battle" Sakto uuwi ako next week kaya  mabuti pa malaman ko kung si Khiara nga si Death Rose. Dadagdag pa to lagi kong inaalala na ilihim sa kanya about sa engagement namin. Ilang taon ko nang alam, pero inilihim ko din, takot ako sa rejection noon. Like any other person, matatakot ka mareject ng taong gusto mo. Pero dito sa Japan I admit I had flings, girlfriends, pero kada babae marerealize ko na iba padin si Khiara. If seryoso talaga ako sa kanya, tatanggapin ko reaksyon niya, if ayaw niya talaga gagawin ko lahat para mapigilan ang engagement. Pero kung makakita ako kahit kauting pag-asa, okay lang naman siguro ipaglaban ko yung pag-ibig ko diba?

End of Flashback 

        Pagbaba ko.......

"Zhane........"

"Bakit?"

"May kilala ka bang Death Rose?"

"Ahh ehhh oo, siya ang rank 1 gangster dito....." kabado niyang sagot

Bakit siya kinakabahan posible kayang si Khiara nga?

"Si Khiara ba si Death Rose?" didiretsuhin ko na lang, wala nang saysay magpaligoy ligoy kay Zhane

"A..ano? hahah...ha bak..it mo naman na...sabi yan ....hahaha"

"Ahh sige kunwari wala na lang akong sinabing ganon" siguro nga mas okay kung kay Khiara ko mismo maririnig, hindi yung pinepressure ko si Zhane para sabihin sakin

"Red.........."

 Tiningnan ko siya

"Gusto mo si Khiara diba?"  nagsmirk siya, nag blush ako

"Ha! Sabi na nga ba ehh!!! Itong arranged marriage thingy niyo, impossibleng hindi ka nafafall sa kanya kung matagal mo nang alam"

"Tsss" observant din talaga si Zhane, kaya kami nagkakasundo noon pa man eh

"Tingin ko may gusto sayo si Khiara"

"Asa naman Cyrus daw pangalan nung 'MAHAL' niya" pilit ko tinatago yung hurt sa boses ko

"Kahit konti lang....." nag hand gesture pa siya nung katiting lang "Wala naman silang commitment, normal lang naman makaramdam ng iba't-iba ang mga tao, mula pagkabata lagi ka niyang proud na proud ikwento sakin, tingin ko noon palang nagmamanifest na yon"

"Wala yan"

"Sige ganito i-ooffend ko si Khiara mamaya, pag nagalit siya may kahit konti siyang gusto sayo"

"Bakit mo ba ginagawa to Zhane?"

"Kasi nga, diba matagal na kitang gusto, hehe..... kaya naman gusto ko magkaroon ka ng pag-asa sa taong mahal mo" kahit nang aasar siya naappreciate ko yung sentiment

"Kung gagawin mo yun, pano ang kaligayahan mo?"

"Basta kung san kayo maligaya ni Khiara ok na ako" tinanong din to ni Khiara pero alam ko mas maiintindihan ni Zhane yung sagot ko

  Bumaba na si Khiara, si Zhane lumapit sakin yung as in malapit na malapit, si Khiara naman naririnig ko medyo padabog yung pagbaba sa hagdan. Tapos nanood ng TV si Khiara, after ilang minutes.

"Quiet down please" ang lamig ng boses ni Khiara si Zhane naman napangiti tapos nilaksan pa yung boses

 After 5 minutes ang lakas pa rin ng boses ni Zhane

"Do you mind keeping your voices low?" tapos tiningnan niya kami ng masama, nako nagagalit na ng totoo Baby ko

  Nakita ko ngumiti si Zhane

"Konti na lang at makikita mo may pag-asa ka kay Khiara" binulong niya sakin

aaminin ko nagblush ako dun

   Si Zhane todo parinig pa rin, tapos..........

"ANO BA!!!" ayun napasigaw na si Khiara, Baby chill isang salita mo lang lalayo na naman ako sa kanya, bigyan mo lang ako sign na gusto mo ako idedevote ko na buhay ko sayo huhu

  Tapos tumayo na si Zhane tinapik ako at......

"Told you" nang nasa pinto na si Zhane "Ngapala Khiara bye!!" tapos umalis na siya

Aalis na sana si Khiara.   Mabilis akong umakyat ng hagdan at hinawakan ang kamay ni Khiara,

"Khiara tapatin mo nga ako.........."

Tumingin siya sakin, seryoso ako ngayon kailangan ko malaman ang totoo.

"Khiara are you........" itatanong ko ba kung mahal niya ako?

"Continue am I?"  tapos tinaasan pa ako ng kilay

"Are you a gangster?" yan na nga lang kinakabahan ako sa isasagot niya kung mahal niya ako ehh!

"Eh?"

 Ang tagal niyang nakatulala.......

P..p...pano mo nalaman?" parang nashoshock pa rin siya dahil nalaman ko

"So totoo nga"

==================================================================

Haha yan na muna, hehehe  busy pa ako sauluhin yung isang Japanese Song yung Ikenai Taiyou or Bad Sun, yung sa Hana Kimi ang ganda nun, yun nga din yata yung sa Bleach ehh, ayy ewan basta sinasaulo ko............ Trip ko lang.. :P (edited this ngayong 2020, nostalgia hits because saulo ko padin lyrics! haha)

Vote Comment? :D

-eyysarmi

THE NERD IS A SECRET GANGSTER PRINCESS?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon