Lumipat sakin ang tingin nya at kulang nalang sakalin nya ko ora-mismo.

"Why is she like this?" Maotoridad na tanung nya.

"She's tipsy."

Tuluyan ng nawala ang pagitan ng mga kilay nya. Mabilis nyang hinubad ang polo nya pero kasabay non ang paghuhubad din ni Jay-jay kaya nataranta kami.

Binalot ko sa kanya ang polong hawak ko at ganun din si Keifer. Bago pa man makakilos si Jay-jay agad syang binuhat ni Keifer na parang sako ng bigas.

"Tang'na! Ibaba mo ko!" Sigaw ni Jay-jay.

"Keifer..." Tawag ko sa kanya. "...Anung gagawin mo?"

"I don't know!" Sigaw nya sakin at huminga ng malalim. "...Basta dapat mapahinto ko sya!"

Bigla nalang syang lumabas ng room. Agad akong sumunod sa kanya. Tuloy-tuloy lang sya hangang sa bigla syang lumiko pa-diretso sa hagdan papuntang second floor.

"Saan mo sya dadalhin?"

Hindi nya sinagot pero dumiretso sya sa dulong kwarto kung saan nakalagay ang mga picture ng mga naunang Section E.

"Ibaba mo ko! Susukahan kita!" Sigaw pa rin ni Jay-jay.

Pinilit ni Keifer kuhanin ang susi sa bulsa nya. Binato nya yun sakin na agad ko namang sinalo.

"Open this gaddamn door!" Galit na utos nya.

Kahit nalilito ginawa ko pa rin ang utos nya at binuksan ang pinto. Agad syang pumasok sa loob. Ako na ang nagbukas ng ilaw.

Binaba ni Keifer si Jay-jay sa sofa na nasa gitna ng kwarto. Pagbaba nya malakas na sipa ang nakuha nya galing kay Jay-jay.

"Tang'na! Kahit kelan husay mo mambwisit!" Jay-jay shout to Keifer.

"Huminahon ka Jay." Sabi ko at akmang lalapit sa kanya pero binato nya yung polo namin sakin.

Napatingin ako sa dibdib nya halos nakalabas na. Bukas na bukas ang uniform nya. Napalunok ako kasabay ng pag-iwas ng tingin.

Umayos ka Yuri!

"Aahhhhh! Bakit naka-bukas uniform ko?!" Galit na sigaw ni Jay-jay.

"You're the one----!"

Hindi na natapos ni Keifer ang sasabihin nya dahil binato na agad sya ni Jay-jay ng throw pillow. Inayos nya ang uniform nya at tinignan kami ng masama.

"Bakit kayo nandito?! May balak kayo sakin no?!"

Nasabunutan ko nalang ang sarili ko. Sure akong hindi lasing si Jay-jay pero base sa inaasta nya, mas gusto kong isipin na lasing sya.

"Are you sure that she's not drunk?" Tanung sakin ni Keifer.

"She's not asking for a virgin to sacrifice. So, she's not drunk."

Mukang nalinawan naman sya sa sinabi ko. Siguro baka malapit-lapit na rin sya sa pagkalasing. Baka isang bote nalang at naghahanap na sya ng birhen na iaalay kapalit ng walang hangang buhay.

Napatingin ako kay Jay-jay ng mahiga sya sa sofa at magpa-ikot-ikot don.

"Ang init talaga." Sabi nya at tinakpan ng throw pillow ang muka.

"Who gave her alcohol to drink?" Tanung sakin ni Keifer habang naglalakad palapit sa katapat na sofa ni Jay-jay.

"I don't know. She's acting weird when she came back after lunch."

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon