ChapXVI: CHESKA INGRID DOMINGUEZ

1.1K 32 10
                                    

JESSICA's POV

"CHASTINE!!!!!"

Ang epal talaga, hindi man lang ako lingunin, problema ba niya!.. UGH!

"CHASTINE NAMAN E!!" halos mangiyak ngiyak na ako dala ng pagod, ayoko na tumakbo Please..

Nasan na siya?Bigla siyang nawala sa paningin ko, Ano tinaguan na naman niya ako.. Ano ba naman yan..

WOW?
CINEMA??

Halos lumuwa ang mata ko sa nag gagandahang posters and ads ng mga upcoming shows at ung Now showing na mga palabas..
WOW..

eto yung gusto ko panoorin na MOVIE e..

"Hi Yam.." Nagulat ako sa biglang sulpot ng malumanay na boses at nakakaakit sa sobrang lamig at sa di ko maexplain na dahilan ay parang ang init din ng pagkakadaan nito sa likuran ko.. Kanina hinahabol ko siya pero ngayon nandito na siya likuran ko.

Ramdam ko ang bilis ng pagtibok ng puso ko sa pagkakalapit niya sa likuran ko. Ramdam ko ang kaniyang paghinga, ang init ng kaniyang hininga at ung bango nito..

"Ano bang trip mo CHASTINE, tigilan na nga natin to... Huh?" Agad akong natigilan sa sasabihin ko dahil sa pagikot ko.. isang nakakaakit na Chastine ang nakatingin sa akin deretcho tagustagusan sa puso at buto ko..  pakiramdam ko nahulog ang kaluluwa ko sa sahig dahil sa mga matang nakatingin sa akin.

Napaka seryoso ng mga mata niya, blanko ang emosyon, pero para kang hihigupin sa kalooblooban nito. Ung ngiti niyang nagpapakaba sa akin noon, mas lumala ngayon dahil ang ngiti niya ngayon may halong pagkaseryoso.. Nakakakaba na nakakatakot pero para akong lumulutang sa ere sa pagkakatitig niya sa akin.

"YAM my JESSY. ano bang trip yung sinasabi mo? ayaw mo ba na ginagawa ko to para sayo??" Seryoso na medyo pabulong niyang sabi habang nilalapit niya ang mukha niya sa akin at kinakabig ako papalapit sa kaniya.
SHET

SHET

SHET.. 
wag ka lalapit.. at kahit ayoko pumikit.

Napapikit ako dahil sa sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa ay halos maubusan na ako ng OXYGEN at halos naghahabol na ako ng hininga sa sobrang kabog ng puso ko.. Bakit ba niya pinaparamdam sa akin to.

 "YAM.. will it be against the rules if I kissed you??" Bulong niya habang dumadampi ang mainit niyang hininga sa aking mukha.. Shet.. Anong sasabihin ko.. 

YES.

Sympre YES.

wala sa usapan namin ni Chastine na pwede to! pero wala din kaming napagusapan na bawal to... may gad.. 

BAKIT HINDI KO NAISIP YUN!!???

pero bakit hindi ako makapagsalita, bakit ayaw sumunod ng bibig ko sa utak ko.. SABIHIN MO JESSICA HINDI PWEDE!!!!... pero kahit anong pilit ko.. ayaw maidilat ng mata ko at ayaw gumana ng bibig ko..

"Just kidding Yam.. Ikaw naman di mabiro. Haha."

Nagulat ako sa pagkawala ng presensya ng mukha niya sa harap ng mukha ko pero ramdam na ramdam ko parin ang akap niya sa bewang ko.. Nawala na ung kaba sa puso ko pero ung pagkalabog ng dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan lalong lumalakas.

"LETCHE KA!!! wag mo na uulitin yun kundi sasapakin kita!" panakot ko sa kaniya at pagpalo ko sa braso niya.. "Magpapakita ka din pala dami mo pang kalokohan!.." dagdag ko pa.

NOT JUST A TYPICAL LOVE STORY(girlxgirl) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon