ChapXVII:MUSIC & POEM

951 30 3
                                    

CHASTINE's POV

"Tessa, I want you to dress up my Jessy. Make her the most stunning lady,"

Napangiti ako sa reaksyon na binigay ni Tessa at Jessy sa sinabi ko.. Now Let the ball rolling. .Alam na ni Tessa kung ano ung pinapagawa ko, 2nd time na to na ginawa ko.. at syempre alam na nila ung drill diba?. Babantayan ko pa sana si Jessy at pagmamasdan kung paano siya lalong gaganda sa paningin ko..

Naramdaman ko na lang ng biglang  nagvibrate ung Cellphone ko sa bulsa ko. 
Sino na naman to?

Agad akong natigilan..

UNKNOWN NUMBER
{Bali-balita may pinagkakaabalahan kang magugustuhan ko. Same place.  
 Meet me nw. - C.I.D }


kailan pa siya nakabalik??
Shet.

SHET

SHET!!!!!!!

Ang puso ko,  Agad akong nakaramdam ng pagaalala nung mabasa ko yung text na yun. Gusto ko ibato yung Cellphone ko sa sobrang inis..

Ngayon pa talaga niya tinaon??? Dito pa talaga??

Bakit naman agad agad siya bumalik?.. 
Paano niya nalaman yung tungkol kay Jessy?

Halos mahilo ako sa dami ng tanong na sabay sabay nagsulputan sa pagkakabasa ko pa lang ng Text niya...

Wag ko na lang kaya siya siputin..

Malaking gulo at problema pag nagkita sila..

Tsk. Paano ba to?

Anong gagawin ko??

Wala to sa plano ko..

Nagvibrate ulit ung cellphone ko...

UNKNOWN NUMBER
{Dear don't even try not to meet me here, I'm watching you.. C.I.D}

Napapitlag ako sa nabasa ko, dala ng sobrang inis at pinaghalo halong emosyon.
Deym! Bakit ba kasi kailngan niya  mangealam!!

"CHASTINE san ka pupunta??" Agad nawala ang atensyon ko sa text message na nareceive ko ng marining ko ung pagtawag sa akin ni Jessy na pinapaayusan ko nga pala kay Tessa.

Paano ba to..

"Balikan kita Sungit ko, may kakausapin lang ako,."

tangi ko na lang nasabi dahil wala na talagang magandang dahilan at hahaba pa ang usapan kung ide-detalye ko sa kaniya ang gagawin ko.


Si Jessy.

hindi sila dapat magkita.. Wala akong pakelam kahit kilala at narinig na niya ang tungkol kay Jessy. kailangan hindi sila  magkita.

Pero...

Pakelam ko nga ba kay Jessy??
Buhay naman niya yung magugulo, hindi akin..

Ngunit.. diba Ako magiging dahilan nun!. Langya talaga!! Pakelamera talaga!

Agad agad akong lumabas sa botique shop na pinagdalhan ko kay Jessy para makipagkita sa taong banta sa katahimikan namin parehas.

Calling...

Calling...

Bakit ayaw niya ngayong sagutin ang tawag ko..pinaglalaruan na naman ba niya ako? Dahil ba alam niyang natataranta ako pag siya na ang umeeksena?

NOT JUST A TYPICAL LOVE STORY(girlxgirl) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon