"Kapal ng mukha mo!" Bulyaw ko sa kanya. "Hindi ba pwedeng nakatulog ako sa baho ng hininga mo?"


Inamoy niya ang kanyang hininga. "Excuse me?"


"What if kung saksakin kita ng kutsilyo? Dukutin ko iyong bituka mo at ilampaso ko sa sahig, saka ko ibalik dyan sa tiyan mo. Palabasin natin sa korte na ako yung nananakit kaya gusto mo ng makipaghiwalay, papasa na ba yun?"


Napaatras siya. Namutla siyang napatingin sa kanyang tiyan. "Let's think of another way." Hindi na siya makatingin sa akin.


Humihingal ako sa galit na pumunta sa kanyang wardrobe at kumuha ako dun ng shirt niya. Ibinato ko iyon sa mukha niya. "Next time na kausapin mo pa akong nakahubad ka, totohanin ko iyong sinabi ko kanina!"


Napayakap siya sa kanyang sarili.


Tinalikuran ko na siya at nagmartsa na ako palabas ng pinto niya.

...

"SORRY, Honey, I'm late." Umupo si Donald sa harapan ko. Fresh na fresh at halatang bagong paligo. Mamasa-masa pa ang kanyang buhok.


"Okay lang." Mapait akong ngumiti. Halos isang oras ko siyang hinintay dito sa isang restaurant.


Medyo pa-espesyal talaga siya. Pero at least ay di babaero.


"Are you hungry?" masuyong tanong niya.


Umiling ako. "Busog ako." Pero ang totoo ay kumakalam na ang tiyan ko.


Napatitig siya sa damit ko. Mayamaya pa'y may kinuwit siya dun. "May sinulid." Pinitik niya iyon.


Pilit akong ngumiti. Hindi siya napapakali kapag may nakita siyang kahit katiting na mali o magulo sa akin.


Unlike Macoy, walang pakialam kahit anong itsura ko.


"By the way," May hinugot siya sa kanyang coat. Isang box iyon na maliit.


Napatutop ako sa aking bibig. "Oh my God..." Naluluha ang aking mga mata.


This is it! Mukhang bibigyan na niya ako ng engagement ring. Finally, makakatanggp na ako nito. Finally, ikakasal na talaga ako.


Noon kasi kay Macoy ay parang binusabos lang ang wedding namin. Biglaan kasi, 'tapos wala man lang kaming inimbita. Ang masaklap pa, sa kotse lang kami nag-honeymoon ng walanghiyang iyon.


Binuksan niya iyon kaya malawak akong napangiti. "Yes... yes, I will marry–" Natigilan ako.


Paano iyong laman ng kahon ay—


"Panyo?" Napanganga ako.


Tumango siya at ngumiti nang matamis. "Yes. It's a handkerchief."


Retired PlayboyWhere stories live. Discover now