Nag-angat ako ng tingin kay James Francis – my best friend – mula sa mga paperworks na binigay ni Mama para sa company namin.

“Uhh. Sa Saint Mary’s High School.” Simpleng sagot ko bago tinuon muli ang atensyon sa mga papeles ng kompanya.

When my parents finally separated their ways, maaga akong inexpose ni Mama sa takbo ng kompanya. At first, I was hesitant – hindi dahil sa masyado pa akong bata pero dahil ‘yun sa takot na baka hindi ko kayanin. Hindi problema sa’kin ang edad pero ang kakayanan na patakbohin ang kompanya ay medyo nag-aalangan pa ako. I got this fear from my father. Natatakot ako na baka matulad ako sa kanya. Natatakot ako na baka isang araw mabigo ko si Mama.

“Shit!” Napangiwi ako isang araw nang may mabilog na bagay ang humampas sa ulo ko.

Kunot noo kong nilingon ang taong nagbato nun sa’kin bago pinulot ang bilog na bagay na ‘yon. Sa una hindi ko pa nakilala ang taong nagbato nun pero nang makalapit na siya, natawa ako ng palihim dahil siya pala si baby kamatis. Oo, yun na ang tawag ko sa kanya simula pa nung nakita ko siya. Sa sobrang lakas mag-init ng pisngi niya, dinaig niya pa ang kamatis dahil sa sobrang pula.

Tiningnan ko ulit ang bilog na bagay na hawak ko. Isa itong nakabalot na papel na nilagyan ng bato sa loob. Kaya pala sumakit ang ulo ko. Laking pagtataka siguro ang maiisip ko kung gawa lang siya sa purong papel tapos ganun kasakit pag tinamaan ka.

“Hala. S-sorry. S-Si Mica kasi.. Hoy!” Nag-angat ako ng tingin kay baby kamatis at ngumiti.

Natawa ako dahil bigla itong pumadyak at pilit na tinatawag ang kaibigan niyang kausap ko noong isang araw. Nakangiti parin ako habang tinitingnan si baby kamatis na naka jinky style parin ang buhok at naka-jumper. Ang cute niya. Isama mo pa ang pamumula ng pisngi niya. Napailing nalang ako nang bigla nitong tinakbo ang kaibigan niyang nakasalamin sa malayo. Pilit niya itong kinaladkad palapit sa’kin.

“S-siya! Siya yung bumato nung a-ano.. Ano nga ulit yun?” Desperado niyang nilingon ang kaibigan niyang nakasalamin bago tumingin ulit sa’kin at yumuko. “N-naku, sorry talaga!” Napailing nalang ako at ngumiti.

“Okay lang. Akala ko kung ano na ang dumapo sa ulo ko.” Mahina akong tumawa.

Nginitian ko si baby kamatis. Agad siyang nag-iwas at ngumuso. Ang cute talaga. Nabalik ulit ang atensyon ko sa hawak na papel.

“Ano ‘to?” Tanong ko sa kanila. Napaatras agad ako nang akmang hahablutin ito ni baby kamatis galing sa’kin. Natawa ako sa reaksyon niya dahil sa bukod sa sobrang pula ng mukha niya ay namamawis pa ito.

“W-wala yan! A-akin na please!” Inangat ko ang kamay ko para hindi niya ito maabot. Nilingon ko naman ang nakasalamin niyang kaibigan na pilit ring inaawat ang kaibigan niya. Umiling ako bago binuksan ang papel.

“Dear Nate, Alam mo crush na crush kita. Sana crush mo rin ako. I love you ng sagad.” Natawa ako habang binabasa ang nasa loob ng papel. Love letter pala ‘yon. Ibang klase. Ni minsan hindi ko naisip na gawin ‘to sa taong magugustohan ko.

Bribing Mr. PresidentWhere stories live. Discover now