PU DOS

2 0 0
                                    


Masaya naman ang naging takbo ng  summer ko. Biking with friends, gala at umaabot pa kaming gabi. Mga 10:00 pm. Strict ang parents ko pero except sakin.

"Ma."

"Oh.."

"Kauwi ko lang"

Tuloy pa rin ang paninigarilyo nya sa sala sa harap ng kwarto namin.

Malaki ang bahay namin pero hindi naman kami mayaman. So idedescribe ko na ngayon para hindi na kalito-lito later on...

Pag pasok mong gate may malaking garahe na kasya ang isang malaki o maliit na kotse, tricycle, 4 na motor. May maliit na garahe pa sa kaliwa at puno ng halaman kahit sementado ang buong garahe. May tindahan din na kase laki na ng bonggalo style na bahay. Nagtitinda ang lola ko.

Pag pasok ng sala ay malaki din naman. Ang buong sahig ng bahay ay yari sa tiles. 4 ang sofa. 2 mahahabang sofa at 2 maliliit. May dalawang center table isa na sa center talaga ng sofa at yung isa nakapagitan sa dalawang maliit na sofa. May dalawang mahahabang divider na puno ng figurines sa gitna ay malaking altar at sto. Niño nakapagitan ang divider na yun sa gitna ng sala at kusina. So sa center wall ng sala namin ay may tv at painting ng angel ang sa taas ng tv.

Pag dumaan ka papuntang kusina, sa taas ng dadaanan mo ay puno ng wine bottles. Ewan ko kung may laman pa yun o ano.

Tapos kusina o dining area na. Actually, dining area lang pero dun na nilagay yung panglutuan namin. May dirty kitchen pa kami pag kumaliwa.

Tapos konting lakad then kanan. Kwarto na. Simpleng kwarto lang, may kama tv at malaking cabinet. Then wag ka papasok ng kwarto na yun. Katabi lang ng kwarto, cr na. Pag bumalik ka sa dining area umalis ka sa space ng cr at kwarto. Konting hakbang lang mga 8 to 10 stairs. 2nd floor na. Sa kanan yung kwarto namin magkakapatid tapos mini sala yung sa labas ng kwarto namin. May sofa din don at wala na puno na ng sapatos namin. May mirror den sa pader katabi lang ng kwarto. Then kaliwa ka simula sa hagdan na pinag-akyatan ko, 3rd floor na. May sala din doon. Sofa tapos tv then kwarto rin. Yung kwarto sa loob may cr. Basta yun na. Typical master's bedroom. Pinagkaiba lang ng 3rd floor, may terrace. Sa terrace kami palagi nag-uusap ni ra... dati.

"Wag ka na maingay dyan tulog na mga kapatid mo"

Nakapatay na nga ang ilaw pero pumasok pa rin ako at binuksan ang ilaw. I mean, paano ako kukuha ng damit kung hindi ko kita?

"Tingnan mo tong anak mo. Walang pinagmanahan." Sabi na lang ng mommy ko saka humithit ng yosi.

Diniretso ko lang ang ginawa ko ng mabilis. Walang kara karaka saka pinatay na ang ilaw.

Nagbihis na ko at dumiretsong kama.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 30, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PUWhere stories live. Discover now