Prologue

64 12 6
                                        


Napahinga ako ng malalim. Isang masamang bangungot ang aking napaginipan. Isang panaginip na hindi ko na matandaan. Isang panaginip na ang tanging alam ko lang ay pinakamasama ito. Kahit ipagsama ang mga pinakamasamang bagay sa buong mundo, hindi parin ito natumbasan ang pait at sakit na nararamdaman ko sa panaginip na 'yon.

Hindi ko maintindihan ang aking naramdaman. Parang nauuhaw, nagugutom at sabik na sabik sa isang bagay na hindi ko alam.

Naramdaman ko rin ang pagsakit ng aking mga paa at pagmamanhid ng aking mga kamay. Nanginginig sa sakit ang buong katawan ko.

Minulat ko ang aking mga mata. Una kong nakita ay krystal na bintana maliban sa replekasyon ng aking sarili.

Napatanto ko na nasa loob pala ako sa isang pod. May mga maraming tubo ito na halos lahat nakatusok sa akin. Inalis ko lahat ito.

Nasa isang napakadilim na kwarto pala ako, na ang tanging ilaw ay nanggaling sa pod.

Nasaan ako? Bakit ako nandito? Pilit kong inaalala ang memoriya ko pero nagdudulot lang ito ng sakit sa ulo.

Naghintay muna ako para makabuo ng lakas para makawala dito.

Gamit ng mga kamay ko, sinubukan ko itong hinampas hampas ang bintana. Hanggang isa-isa itong nabasag.

Napatingin ako sa aking mga kamay na punong-puno ng dugo. Hindi ko nararamdaman ang pagkirot nito. Mas lalong hindi ko alam kung bakit napakadali ko iyon nabasag gamit lamang ng mga kamay ko.

Pinagmasdan ko ang buong kwarto. Wala itong ni-isang bintana dahilan kung bakit napakadilim. Walang pintura ang mga pader dahil yari ito ng laryo.

Nakita ko ang pintuan. Dali-dali akong lumapit roon. Yari sa kahoy at halatang luma na ito.

Pinatid ko ito ng napakalakas. Ito'y bitak bitak na.

Sa labas, hagdanan lang roon. Dali-dali akong umakyat roon. Nakapaa lang ako kaya naramdaman ko ang matutulis na maliliit na batong tumutusok sa paa ko.

Nang nasa harapan ko na ito, pinatid-patid ko iyon ng buong lakas ko kagaya noong una. May mga pasa na ang aking mga paa pero binewala ko nalang iyon. Ang mas importante ay makalabas dito.

Nang tuluyan na itong masira at bitak-bitak, dali-dali akong tumakas roon.

Unang hakbang ko pa lang, naramdaman ko ang mababasa at kumiliti sa aking mga paa. Alam kong damo iyon. Pinaglalaruan ko ito sa pamamagitan ng aking mga paa.

Pinagmasdan ko ang paligid. Nasa gubat pala ako. May malalaking puno sa paligid pero umaapaw ang mga halaman na nasa bewang ang taas. Ang mga ulap ay halatang nalulungkot na. Sa di kalayuan, may ilog roon na may malinaw na tubig.

Lumakad ako roon. May mga isda roon. Gusto kong hulihin pero hindi ko magawa dahil sa bilis nila. Napagmasdan ko rin ang aking sarili.

Nakasuot ako ng puting bestida na mas nagpapaputi sa aking balat. Namansyahan ito kanina. Pinagmasdan ko ang aking mukha. Malaki at malalim ang mga mata ko. Napakatangos na ilong. Napakakapal na mga pilikmata. Maninipis at mapupulang labi.

"Sino ka ba?" Litong tanong ko sa sarili. Puro tanong ang nasa isip ko na hindi naman masasagot.

Napalingon ako nang may narinig akong mga paa. Naririnig ko ang tuyong dahon at nababaling mga sanga nito.

Natanaw ko ang isang malaking tao na nakasambalilong kulay itim.

Naramdaman ko ang pagpatak ng mga tubig sa aking katawan. Napatanto ko na umuulan na pala.

"Sino ka?" Mayabang pero may awtrolidad ang pagkasabi niya. Sunusuri niya ako na parang kakaiba. Binigyan niya ako ng napakalokong ngiti na parang alam niya kung ano ang gagawin niya sa akin.

Pero nagiba ang kanyang mukha nang napatingin siya sa tinatakasan ko. Napalitan ito ng napakaseryosong tingin sa akin.

Unti-unti siyang humakbang papalapit sa akin. Napaatras naman ako sa ginawa niya.

Ang hakbang niya ay unti-unting bumilis at lumaki. Naramdaman naman akong takot at kaba, kaya tumakbo ako ng napakabilis.

Hingal na hingal akong tumakbo palayo sa malaking tao na yon. Laging may sumasabit sa aking bestida dahilan nahihirapan ako sa pagtakbo. Naramdaman ko ang pagkirot ng mga bahagi ng aking katawan dahil may sumasabit rin itong mga sanga. Ang maputik kong paa ay may sumasabit ring maliliit na sanga at alam kong malalim na ito.

Napahinto ako sa sementong daan. Na may biglang mabilis na ilaw na parang mabubunggo sa akin.

Tinakpan ko ang aking ulo para maprotektahan ito gamit ng aking kamay pero huli na ang lahat.

Malakas akong natapon sa damuhan na may malaking bato. Alam kong malakas ang epekto dahil nagawa kong tinginan ang bagay na nakabunggo sa akin.

Pero hindi tumagal ang pagtitig ko sa bagay na yun dahil sa sakit ng mga bahagi ng aking katawan. Lalo na ang aking ulo na parang pinapalo ng napakaraming beses. Hindi ako makagalaw kahit ang mga daliri ko. Pumikit nalang ako at dinama ang sakit.

Trapped with JeopardyStories to obsess over. Discover now