11; His move

291 32 22
                                    

11; His move
"Someone's effort is always the reflection of their interest in you."

3rd Person's POV

"Awooh, may tumatawag sa dyosa~ Awooh~ Awoooooh~"

"What on earth?!" Napabangon ng wala sa wisyo si Emerald. Nagulat siya lalo nung nakita niya na katabi niya si Christian. Hindi mabilis magising si Emerald pero sobrang lakas lang talaga ng tunog. Hindi na siya nag abala na tignan kung may suot pa siya kasi ramdam naman niya na may damit pa siya at saka may tiwala naman siya kay Christian.

Inikot niya ang mga mata niya sa kwarto niya para hanapin kung saan yung tunog. Mula sa ilalim ng unan ni Christian.

"Tibay ng isang 'to. Hindi pa rin nagigising kahit mas malapit sa kaniya yung tumutunog." Nasabi ni Emerald sa isip niya. Dahan-dahan niyang kinuha yung tumutunog sa ilalim ng unan ni Christian.

Cellphone.

"What the heck? Cellphone? Akala ko pa naman alarm clock na customisable yung sasabihin." Nasabi na lang ni Emerald sa sarili niya. Sobrang lakas kasi talaga ng tunog, daig pa ang naka-speaker.

Tinignan niya kung alarm clock ito pero nagkamali siya. May tumatawag.
Incoming call..
Babe

Muli na namang may naramdamang kirot si Emerald sa puso niya. Niyugyug niya ang balikat ni Christian para gisingin ito, akala niya mahihirapan pa siya na gisingin ito pero ilang yugyog pa lang ay gumalaw na ito.

"Mhm.." Unti-unti ng nagmulat ng mata si Christian at nagulat din siya na katabi niya si Emerald pero nung nag sink in na sa utak niya kung anong nangyari kagabi ay unti-unti na siyang namula.

"B-Bakit Em?" Akala niya'y gagawing big deal ni Emerald yung magkatabi sila sa kama pero mukhang hindi naman ito galit. In fact, mukha itong nasaktan.

"May tumatawag sa'yo kanina pero mukhang missed call na lang ngayon." Sabi ni Emerald at saka ibinigay ang cellphone ni Christian. Seryoso na nakakatakot ang tono ni Emerald.

"Ay ganon ba?" Sabi ni Christian at saka kinuha ang cellphone niya mula kay Emerald. Bigla niyang naalala ang ringtone ng cellphone niya. "Hala Ems! Nadisturbo ka ba ng ringtone ko? Sorry!" Napapikit si Christian at pinagdikit niya ang palad niya na tila nagmamakaawa.

Nawala ang selos ni Emerald at napalitan ito ng pagkatuwa. Ang cute kasi ni Christian habang ginagawa ito.  Binatukan ni Emerald ito at tumawa na lang si siya. 

"Ano ka ba? Okay lang 'yon no." Bigla namang natuwa si Christian kasi parang umaliwalas ang aura ni Emerald. Nakangiti na ito sa kaniya at tila may kumislot sa dibdib ni Christian habang tinitignan niya ang babaeng nasa harap niya.

Napailing na lang si Christian at tinignan kung sino ang tumawag at nung nakita niya kung sino ay agad napalitan ng pag aalala ang mukha nito. Napansin naman ito ni Emerald at nagtatakang nagtanong.

"Bakit?"

"Si Michael 'to. Hindi siya madalas tumawag at kung tatawag man siya ay kailangan na kailangan tagala.  Mukhang may emergency." Nawala ang ngiti ni Emerald nang maalala niya na may Michael na nga pala 'tong si Christian. Imbes na magsalita ay tumango na lang ito. Pinigilan niya ang sarili niya na magsalita kasi baka kung ano pa lumabas sa bibig niya na maging sanhi pa ng pag aaway nila.

Her Gay Step CousinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon