Epilouge

2.7K 54 4
                                    


Angelo Kevin Gonzales POV

"Ikaw na ngayon si Mrs. Aliezha Kie Gonzales." Sabi ko habang nakangiti kay Aliezha.

"Matagal ko ring inintay ang pagkakataong 'to. Akala ko talaga ay tatanda na lang akong dalaga ehh." Sabi nya.

Nandito kami ngayon sa private island ko. At pinagmamasdan namin ang paglubog ng araw.
Dito namin naisipang maghoneymoon.

Nakayakap ako sa likod nya habang sya ay nakaharap naman sa dagat.

"Kevin. I love you." Mahinang sabi nya.

Napakaganda sa pandinig na marinig mo ang salitang yon sa taong mahal na mahal mo.

"I love you too Aliezha." Tugon ko at hinalikan ko ang pisngi nya.

"Ilang baby ang gusto mo?" Nakangising tanong ko.

Pinalo nya ang braso kong nakayakap sa kanya.

"O bakit?" Natatawang sabi ko.

"Eh kasi naman!" Nahihiyang sabi nya.

"Cute mo." Nakangiting sabi ko at pinatong ko ang chin ko sa balikat nya.

"Pero seryoso. Ilang anak ang gusto mo?" Sabi ko ulit. Gusto ko lang malaman yun mula sa kanya.

"Kung ilan ang ibigay satin ng Diyos." Sabi nya.

"Pero gusto ko sana ng kambal kung mapagbibigyan." Dugtong nya.

Hinarap ko sya sakin at hinawakan ang mukha nya.

"Sana." Sabi ko at hinalikan ko sya sa labi.

Napangiti ako. Pareho kami. Gusto ko rin ng kambal na anak. Sana lang mapagbigyan kami ng Diyos.


°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Aliezha Kie Mendoza Gonzales POV

"Mommmmmmmiieeeeeee!" Iyak ni Alyana.

Lumapit ako sa kanya.

"O baby? Anong nangyare?" Tanong ko agad sa kanya.

"Kashi momie shi kuya naaaway ako. Huhuhu." Sumbong nya.

Tiningnan ko naman yung kuya nya.

Nakaupo sa sofa na parang walang pakialam habang naglalaro sa ipad. At parang wala syang ginawang kasalanan.

"Kheros magsorry ka sa kapatid mo." Sabi ko sa kanya.

Tumingin sakin ang panganay na anak ko.

"Mom I didn't do anything." Sabi naman nya.

"Pero sabi ng kapatid mo ay inaway mo sya."

"Mom. Hindi ko sya inaway. Sabi ko lang naman ay ibigay nya sakin 'tong ipad kase kanina nya pa 'to ginagamit. Baka lumabo agad ang mata nya." Explain sakin ng panganay ko.

Tiningnan ko ang bunso ko.

"Alyana. Kuya is right. Baka lumabo ang mata mo." Sabi ko naman sa kanya at pinunasan ang mukha nya.

"Pwero momie bakit shi kuya ay laging nagamit ng ipad." Sabi nya at nagpout. Ang cute talaga ng bunso ko.

"Si kuya ay big boy na kaya pede na sya lagi gumamit ng ipad." Sabi ko.

"Shorry kuya." Sabi nya sa kuya nya at niyakap ang kuya nya. Niyakap rin naman sya pabalik ng kuya nya. How sweet.

Bigla namang may yumakap sa likod ko.

"I'm home."

Napangiti ako. Si Kevin.

Humarap ako sa kanya at binigyan sya ng mabilis na halik sa labi.

Ngumiti sya at tumingin sa mga anak namin.

Kinuha ko ang bag nya at nilagay sa sofa. Inalis ko narin ang coat nya at pinatong rin sa sofa.

"Kamusta naman ang mga anak ko?" Tanong nya sa anak namin.

"Okay lang po dadie." Sabi ng bunso namin at agad niyakap ang ama at nagpakarga. Kinarga naman agad ito ni Kevin.

"O. Kheros? Napakaseryoso mo na naman dyan. 10 years old ka pa lang pero parang buhat mo na ang mundo." Natatawang sabi ni Kevin.

Tumingin sa kanya ang panganay namin at huminga ng malalim.

Binigay sakin ni Kevin si Alyana at lumapit kay Kheros.
Umupo sya sa tabi ni Kheros.

"Anong problema?" Tanong ni Kevin sa panganay namin.

Tumingin si Kheros kay Kevin bago sakin.

"Ahm Hon. May pag-uusapan lang kami nitong big boy natin." Sabi sakin ni Kevin kaya tumango ako at lumakad na ako papuntang kwarto habang karga si Alyana.

***

Angelo Kevin Gonzales POV

"Anong problema anak?" Tanong ko kay Kheros.

"Dad. Meron kaseng girl na laging nangungulit sakin sa school." Kunot noong sabi nya.

Mukhang naiinis talaga sya.

"Ano bang kinaiinisan mo sa kanya?" Tanong ko.

"Kase dad. Lagi nya akong tinatawag na myloves. Nakakainis sya. Araw-araw na lang. Pwede ba akong magtransfer sa ibang school?" Sabi nya.

Tinapik ko sya sa balikat.

"Hayaan mo na yun anak. Magsasawa rin yon. Maganda ba?" Tuksong tanong ko sa kanya.

Lalo pa syang sumimangot.

"No dad. She look like a witch. Gulo-gulo lagi ang buhok nya. Di marunong mag-ayos." Sabi nya.

Napatawa ako.

"Bakit ka tumatawa daddy?" Inis na tanong nya.

"Naalala ko lang yung kasabihang 'the more you hate , the more you love' hahaha." Sabi ko habang natatawa.

Sinamaan naman ako ng tingin ng panganay ko. Natawa lang ulit ako.

Hindi man kami nabigyan ng kambal na anak. Nabigyan naman kami ng mga anak na mahal na mahal namin.

Hindi perpekto ang buhay pero gagawin namin ang lahat para maging masaya kami.






The End..

Badgirl and Her Bodyguard [COMPLETED]Where stories live. Discover now