Chapter 15

1.8K 42 0
                                    


Aliezha Kie Mendoza POV

Arrghh! Lintek! Sakit ng ulo ko! Ang bigat pa ng pakiramdam ko! Sino ba naman kaseng tanga na magpapaulan sa park!?

Yan tuloy! Nilalagnat ako. Ang tanga ko talaga!!! Nag-away pa kami ni Kevin kahapon pag-uwi ko galing park.

'Flashback'

Pagkapasok ko sa condo ko ay sinara ko na agad ang pinto.

"Where have you been?" Cold na tanong sakin.

Tiningnan ko kung sino. Si Kevin pala. Nakaupo sa sofa ko at seryosong nakatingin lang sa T.V kahit hindi naman 'to nakabukas.

"Why do you care?" Pataray na sabi ko.

"I care because I am your bodyguard!" Sigaw nya sakin. Nagulat ako sa pagsigaw nya.

Tiningnan pa nya ako ng masama. Ibang-iba sa Kevin na una kong nakilala. Tumayo sya at pumunta sa harapan ko.

"Sinong kasama mo!?" Tanong nya.

"Wala." Simpleng sagot ko.

"Really? Wag ka ng magsinungaling! Alam ko namang may kasama kang lalaki! Di ka lang pala badgirl. You're also a bitch." Sabi nya. At dahil dun ay nasampal ko sya.

Di ko alam pero nasaktan ako sa sinabi nya. Kung iba sana ang nagsabi nun. Wala lang sakin. Pero sya? Di ko akalaing sasabihin nya yun sakin.

Tumulo yung luha ko.

"Well. Salamat ha! Akala ko pa naman iba yung tingin mo sakin. Hindi rin pala. Katulad ka rin nila! Get out of my sight! I don't want to talk to you anymore! Wag ka na ring magpapakita sakin! Dahil simula ngaun hindi mo na ako kailangang bantayan! At hindi na rin kita bodyguard!" Umiiyak na sabi ko.

Umalis ako sa harapan nya at dumiretso sa kwarto ko.

Nagpalit lang ako ng suot ko at natulog agad na may luha sa mata.

'End of Flashback'

Yun ang nangyare . Napaluha na naman ako ng maalala ko ang bagay na yon.

Ansaket. Sobra.

Dahil yung taong nagugustuhan ko pa ang nagsabe ng bagay na yon.

Hinwakan ko ang noo ko. Hays. Ang init ko. Nahihilo na rin ako.

Pinilit kong tumayo sa kama ko. Kahit masama ang pakiramdam ko.

Pumunta ako sa kusina at nagluto ng noodles.

Pagkatapos kong kumain ay nagpunta ako sa sala at humiga . Binuksan ko ang T.V.

Dahil nga nahihilo ako ay tutulog muna ako. Wala naman akong stock na gamot dito sa unit ko.

***

Nagising ako dahil sa may narinig akong kalampag sa kusina ko.

Tiningnan ko ang wall clock. 12 na pala ng tanghali. Kaya  gutom na ako.

Bumangon ako mula sa sofa ng makarinig ulit ng ingay sa kusina.

Pumunta ako sa kusina.

Nakaramdam ako ng inis ng makita kung sino ang nasa kusina ko.
Kahit nakatalikod sya ay kilala ko.

"Kevin. What are you doing here?" Cold na sabi ko.

Humarap sya sakin.

"I'm sorry. Kung nasabi ko man yon sayo. Naunahan lang ako ng galit ko dahil nagpakabasa ka sa ulan para lang samahan ang lalaking yon. Nakita ko kau kahapon. Magkausap sa park." Pagkasabi nya nun ay tumungo sya.

"Pero di parin yun sapat na dahilan para pagsalitaan mo ako ng masakit na salita. Tsaka isa pa. Wala kang karapatan. Dahil ano lang ba kita? You're just my bodyguard. Ni hindi nga kita lubusang kilala. Hindi na ako magtataka kung may malaman ako balang araw na tinatago mo." Sabi ko.

Hindi naman sya nakapagsalita.

"Wala kang alam." Sagot nya.

"Ah siguro nga. Wala akong alam. Tungkol sayo at sa buhay mo. Pero alam kong madami kang sikreto." Sabi ko naman.

Ngumisi sya.

"Oo. Buti alam mo. Atleast pag nalaman mo na ay hindi ka na masyadong magugulat." Sabi nya na nagpairap sakin.

"Alam kong nilalagnat ka. Heto pinagluto kita ng soup. Kainin mo." Sabi nya at ngumiti.

Bumalik na naman ang dating Kevin.

"Ayoko." Sabi ko at tumalikod na.

Maglalakad na sana ako pabalik sa sala ng higitin nya ang braso ko.

"Kakain ka. Whether you like it or not." Seryosong sabi nya.

At pinaupo ako sa upuan.

Umupo rin sya malapit sakin.

"Kain." Utos nya.

Inirapan ko sya.

Pero kinain ko na rin.

Hindi pa ako nangangalahati ay nahihilo na ako at gustong-gusto kong isuka yung kinain ko.

Maya-maya pa ay napatayo na ako at dumiretso sa lababo. Isinuka ko lahat ng kinain ko. Mygosh! Ang hirap ng nilalagnat.

Pinipispis naman ni Kevin ang likod ko.

Pagkatapos kong magsuka ay nagmumog ako at humarap sa kanya na hinang-hina.

"This is all your fault." Sisi ko sa kanya.

Lumambot yung ekspresyon nya.

"I'm sorry. Magpahinga ka na muna. Pero inumin mo muna 'to." Sabi nya at ibinigay sakin ang gamot.

Kinuha ko yun at binigyan nya ako ng tubig at ininom ko na.

Tapos umakyat na ako sa kwarto. At humiga sa kama.

Bumukas ang pinto at pumasok si Kevin.

Lumapit sya sakin at hinwakan ang noo ko.
Di na lang ako nagsalita.

"Mainit ka parin. Matulog ka na muna para bumaba ang lagnat mo." Sabi nya.

Di ko sya pinansin sa halip ay ipinikit ko na lang ang mata ko saka ako nakatulog.

***

Angelo Kevin Gonzales POV

Nakatingin lang ako kay Aliezha habang natutulog sya.

Hinawakan ko ang pisngi nya.

"You have no idea Aliezha." Bulong ko.

Saka ako tumayo na at umalis sa unit nya. Kakamustahin ko na lang sya bukas.

May importante muna akong gagawin ngayon.

Badgirl and Her Bodyguard [COMPLETED]Where stories live. Discover now