STAR🌟8

2.5K 94 45
                                    



Nang matapos i-half bun ang maikli kong buhok ay pinuntahan ko si Seia sa maliit niyang furry pillow na puti. I lifted her up and kissed her cheeks. Gumalaw galaw na naman ang buntot niya.


"Aalis si mommy, okay? Iwanan kita ulit kay ate Aisha. Babawi na lang ako after ng date ko, ha?" Malambing kong sabi sakanya at niyakap.


Akala mo talaga naintindihan ako ng aso.


Suot ko na ang bag ko nang bumaba para kumain ng breakfast. Naabutan ko si mommy at daddy na kumakain na. Tinawag na ako kanina ni mommy kaso naliligo ako.



"Good morning po," I kissed their both cheeks before settling myself on my designated chair.

Pinaupo ko si Seia sa tabi ko habang bumabati sila pabalik saakin.

"Where are you going again, Naialara?" My dad asked while slicing his hotdogs.

Bakit kailangan slice-in? Dapat tinidor na lang at diretso subo. Napaka-arte talaga ng daddy.

I smiled. "Hangout with Sequi po. Sasamahan ko lang," I looked away because of his serious stares.



Weh? Sinungaling. Ako ang sasamahan ni Sequi para maki-hangout kay Archo.


Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na makiki-date ako. It's really out of the blue. I'm sure they are not expecting me to do stuffs like that. Because it's really not so me!



"When will you start to learn managing our company, Naialara?" Kalmadong tanong ni daddy.

Here we go again. Business matters.

"Nick,"

"Hon, I'm just asking." Sabi ni daddy kay mommy at bumaling ulit saakin.

Bumuntong hininga ako at napagdesisyunan na sumagot kahit papaano.

"Dad, hindi pa naman po kayo mag re-retire, 'di ba po?" Mabagal kong tanong.



Nagkatitigan sila ni mommy at sabay na tumingin saakin. I think it's my first time talking about this matter. Kaya rin siguro sila gulat dahil hindi sanay na sumasagot ako kapag business ang topic namin.


Nilagay na ni mommy ang pagkain sa plato ko habang nagsasalin naman ako ng fresh milk sa baso kong mataas.



"What do you mean by that, Naialara?" Kalmado pa rin naman ang boses ni daddy.

Hindi naman siya galit. At madalang din siyang magalit saakin. Kasi sinusunod ko naman ang mga gusto nila. Business related nga ang kinuha kong course dahil 'yon ang gusto ni daddy.

I bit my lip and looked down. "That you don't have to rush things?" I looked at mom and she just smiled at me.


Hindi ko rin kasi maintindihan kung bakit minamadali ako ni daddy. Hindi pa siya sobrang tanda para palitan ko. He could still work for another two decades or three. So what's the point of forcing things to happen in a rush?


To Meet A Star ✔ (Star Series #1)Where stories live. Discover now