Start

14.6K 246 104
                                    




Have you ever thought that your life is certainly complicated? Maraming bawal, marami kang gusto pero hindi mo naman makuha, o kaya naman kung anong meron ka ay ayaw mo. Hindi ko alam kung buhay ko ba ang komplikado o ang sarili ko mismo.


Nakahiga ako sa queen sized bed ko habang naka-angat ang dalawang paa sa headboard ng kama ko. Nag-iisip ako kung anong pwede kong gawin ngayong araw.


I am not really that obsess in making every day of my life productive just like those people who have the motto of 'time is gold'. I am the type of person na, wala lang, kung anong mangyari edi...okay.


You have so much time to do things one by one. Unless, kukuhanin ka ni kamatayan ng maaga. But the thing is, no one knows when our death will be, so most of the people keep on saying na 'wag mong sayangin ang oras mo.


Sa daming uncertainties sa buhay natin, hindi na natin alam kung saan maniniwala! Can't we just live our lives the way we wanted? With our own perspectives about things? Without being judged why we chose that kind of life?


Tumayo ako at tinignan ang sarili ko sa salamin.



I am wearing a yellow vintage shirt paired with my jumper pants--- a bit loose, a yellow amber socks and a white highcut converse. May suot din akong black affirmation bracelet na may thin silver sa gitna kung saan doon naka-ukit ang Sequi. Suot ko rin ang bestfriend necklace namin na may silver Yin Yang pendant. Iyong half ay na sa kaniya.


Lumapit ako sa salamin para ayusin ang buhok kong naka-half bun. Kulay brown at hanggang itaas lang ng balikat. Hindi rin straight pero hindi rin naman sobrang kulot. Just a bit wavy. May bangs ako na na-tripan ko lang gawin at ngayon gustong gusto ko na.


Ganito ako palagi. Lalabas man o sa bahay lang. Kung matutulog ay ganito pa rin, but with the absence of socks and shoes. Dito ako komportable, eh. I wasn't born just to give people satisfaction and comfort.


Kinuha ko ang canvas sling bag ko saka sinuot bago bumama sa sala. Wala akong nadatnan na tao roon kaya dumiretso ako sa dining area. Nandoon si dad at mom, kumakain na ng breakfast. They are now wearing their profession outfits.


Saturday ngayon kaya pwede silang ma-late. Hawak naman nila oras nila, eh. Kahit um-absent pa sila, wala namang magagalit.



"Good morning," I greeted them in a very graceful manner. Well, that wasn't the real me. I would shout if I'd be myself.

I kissed their both cheeks before sitting on my respective chair. Si dad sa dulo, sa kanan ay si mom at sa kaliwa namam ay ako. Malaki ang dining table kaso tatlo lang naman kami.


Only child, yes I am!



"Saan ka pupunta ngayon, sweetie?" Tanong ni mommy habang nilalagyan na ng pagkain ang plato ko.

"Puntahan ko po si Sequi," sagot ko at nagsimula nang kumain.

Dito sa bahay, bawal gumala nang hindi kumakain ng breakfast.

To Meet A Star ✔ (Star Series #1)Where stories live. Discover now