Triple X 1: Xeiren Heñiga

158 0 0
                                    

happy reading!!

Chapter 1

It was a damn nightmare. Isang napakasamang bangungot ang lahat para kay Xeiren at sa mga kapatid nya.
Bata pa sya ng masaksihan ang isang krimen na nagdulot ng kanyang pagdurusa at habang buhay na nyang dadalhin pa.

" Tumayo ka!! ayoko ng lalampa lampa! " naagaw ang kanyang atensyon ng sigaw ni Mr. S. Tumayo naman ang kanyang kambal na si Xeiron at hinarap ang kuyang si Xenon. Si Mr. S short for Mr. Sandoval, sya ang tumulong sa kanila 11 years ago. Kinakapatid at matalik na kaibigan ito ng kanilang ina, sabay silang lumaki sa bahay ampunan. Maging ang ama nila ay malapit din sa lalaking ito. Walang anak si Mr. S, maliban sa dalawang lalaking ampon nito.

" uyy. anong masasabi mo sa laban ng mga kuya mo? " ang pagtanong ng lumapit na lalaki kay xeiren. Hindi nya ito pinansin at nanatiling tahimik na nagmasid sa laban ng dalawang kuya.

" uyy. Xei.. kinakausap kita. hellow~? " para talaga itong babae ang daldal. Kaya laging si Xeiron ang kasama nito dahil magka ugali. Ika nga, same feather flocks together. Sya naman si Jaden Sandoval, isa sa mga ampon ni Mr. S. 2 taon ang tanda nito sa panganay na Hiñega.

Imbes na kausapin ay tinalikuran nito ang lalaki. Ayaw na ayaw nya yung kinukulit sya. Lumabas na ito ng training ground na pagmamay ari ng tinatawag nilang tanda.

Ang S Training Ground ay isang covered court sa labas nito ay may nakalagay na private property.

11 years na ang nagdaan. Maraming nagbago simula nung mangyari ang trahedyang iyon. At hanggang ngayon, hindi nya parin nakakamit ang hustisya.
Pasalamat nalang sya ng kay Mr. S sila napunta. Hindi ordinaryong tao ito, isang Hit man na Magnanakaw si Mr. S. Kaya naman ang kinalabasan ay kung ano ang matanda, ganun din ang mga bata.

Sumakay nalang sya ng kanyang bugatti at pinaharurot ito pabalik sa bahay ni Mr. S.

---

Nakahalumbaba ang dalaga habang ngumunguya ng sandwich na pinalamanan ng peanut butter, her favorite. Sya lang mag isa sa  bahay at kasalukuyang  nasa dining at pinapakain ang mga alaga sa tyan.

Napasimangot nalang sya ng marinig ang mga boses ng kalalakihan na patungo kung saan sya naroroon. Iniluwa ng pinto ang limang lalaki.

" wahhhh. Xie pahingi!! " nagtatakbo si Xeiron na makita ang kambal na kumakain pero bago pa man ito makaabot sa pwesto nya ay kanyang hinarang ng kanang palad ang pagmumukha nito, napangiwi nalang ang lalaki ng pigilan syang makalapit sa kanya. Pinagtawanan na lang sya ng 2 pang binata.

Pinagpatuloy ng dalaga ang pagkain at umupo naman si Mr. S sa isa sa mga upuan, samantala nanatili nalang nakatayo ang mga lalaki, na inaasar parin si Xeiron sa ginawa ni Xeiren.

" ehem. Tahimik. " ang pag agaw pansin nito. Agad naman silang  tumahimik.

" Gusto kong bumalik kayo sa pag aaral. "

" ano yun tsong? aral ba kamo? ikaw nalang kaya. Kaya nga kami tumigil sa pag aaral dahil nakakatamad--ouch " Hinampas ni Mr. S. ng hawak na nirolyong dyaryo ang lalaking  sumabat. Inismaran naman sya ng dalaga.  Sya si Nate Sandoval, apat na taon ang tanda sa panganay na Hiñega. Isa itong fucker. Ayaw sa kanya ni Xeiren sa kadahilanang ng dahil sa lalaking ito natotong mambabae ang kuya Xenon nya.

" Manahimik ka, Nate kung ayaw mong mawalan ng allowance. /sigh/ Eto ay isang pabor para sa inyo Hiñega's. May nakapag bigay ng impormasyon sa akin na sa pagpasok nyo sa paaralang iyon ay may taong syang susi sa hinahanap nyo. " bahagyang napakunot ang noo ni Xeiren sa narinig. Iisa lang naman ang hinahanap nilang magkapatid, ang mga taong pumatay sa mga magulang nila.

" As the two of you. Kayo na ang bahalang maghanap ng paraan mabantayan ang mga kinakapatid nyo. Kung pwedeng maging janitor kayo gawin nyo." pagbaling naman nya sa dalawa pa. Mabilis na pagtango ng pa ulit ulit ang naging tugon ni Jaden. Tinulak naman sya ni Nate para magtigil dahil nagmumukha na itong baliw.

" Kung ganun madalang nalang ang maibibigay mo na misyon samin ha Tanda? " ang tanong ni Xenon.

" Depende. " Ngising sagot ni Mr. S.

" school...? " sasagot pa sana si Xenon ng magsalita si Xeiren. Minsan lang na sya'y magsalita at ang bawat salita nitong binabanggit ay mahalaga at dapat bigyan ng atensyon. Lalo na't mukhang interesado na sya sa bagay na ito.

" Monteverde University. "

---

typing...

Monteverde University

click..

Searching..

Loading...

...

..

click...

tap..

Monteverde University is an Elite School. You can experience here a good study and a good quality of education. All the teachers here have------

Tinuloy tuloy na nito ang pagbasa ng tungkol sa M.U. Kasalukuyang nakadapa ito sa kanyang kama at nakaharap sa kanyang laptop. Ng malaman kung anong paaralan ang papasukan nito ay agad itong nagtungo sa sariling kwarto at nag search tungkol dito.

Ilan pang files tungkol sa Monteverde University ang kanyang binuksan ng wala naman syang matinong nabasa ay pinatay nalang nito ang laptop. Nahiga ng patihaya, ipinikit ang mga mata at ipinatong ang kaliwang braso dito. Ilang minuto rin na ganun ang kanyang  posisyon.

Huminga sya ng malalim at tumayo. Tinungo ang closet at hinanap ang nagiisang bagay na natitirang nakapagpapaalala sa kanyang mga magulang.

Ng mahanap nya ang bagay na ito ay umupo sya sa kanyang kama at niyakap ito.
Ito ang pantaas na pantulog na suot suot nito nung araw na nawala ang kanilang mga magulang.

Isang bata ang nagtatakbo papalapit sa kanyang mga magulang. It was the little Xieren carrying a dead love bird.

"why are you crying kid?" Mr. Hiñega asked her daughter.

"tahan na sweetie. hush. wag ka ng umiyak. "ang pagpapatahan naman  ng ina.

"*hik* mama, papa, wala na--wala na si Tuka. Sinundan na nya si pantok sa heaven."

"shhh. Ililibing natin si Tuka, sweetie. Wag ka ng malungkot, babantayan ka naman ng mga alaga mo from heaven. "

" /sob/ pero mama... may mali ba sakin? ba't nila ako iniwan? iiwan nyo rin ba ako?"

" We won't, princess "  nakangiting sabi ng kanyang ama. Nakaupo na sya sa kandungan nito at marahang hinahaplos ang kanyang buhok.

"promise?? *hik* "

"Yes. We promise. Mahal kita anak. " nakangiting tugon naman ng kanyang ina.

"I love you too, ma"

" how 'bout papa? Where's my I love you daughter? " mahinang napatawa naman sya, pati ang ina.

"here papa. I love you~"  malambing nitong sabi at binigyan ng halik ang pisngi ng ama.

" Hanggang ngayon nagtatampo pa rin ako sa inyo,ma at pa. Nangako kayong hindi nyo ako iiwan pero iniwan nyo parin ma. Pero kahit ganun, ok lang sa akin. Ang mahalaga, mahahanap ko rin ang mga taong iyon. Maghintay lang kayo, ibibigay ko ang hustisya na nararapat sa inyo. "

Bulong nito. Naikuyom nalang nito ang kamao sa isiping sya mismo ang papatay sa mga hangal na yun.

-----
special casts:

Seo Hyun Chul as Mr. S/Tanda

Song Jong Ki as Nate Sandoval

Kang Min Hyuk as Jaden Sandoval

Done!

May God Bless us.

-hainekitty

Triple X: Hiñega Siblings SeriesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang