OMO~! kinlick mo talaga yung next page! Thank you! Dapat sa mga taong tulad mo binibigyan ng jacket at CD e, pero, hindi na sikat si Willie kaya di ko nalang alam kung sino magbibigay sayo. ANYWAY! I really do hope that you'll enjoy my first ever story here on Wattpad, if ever na tatapusin ko man to, sana subaybayan mo! HUHU *cries*

-------

2 YEARS AGO

"Mon, anak. May sasabhin kaming importante sa'yo ng Papa mo," sabi ng Mama ko na nakaupo sa harapan ko.

Kumakain kami ng breakfast ngayon at parehong nakabihis ang nanay at tatay ko papunta sa bahay nila. I mean, sa trabaho pala.

Malamang sa malamang importante sasabihin nila sakin, kasi nandito kami sa dining table, as in lahat kaming tatlo andito.

Kung wala sigurong 'important matter' na sasabhin sakin tong dalawang magulang ko, kanina pa siguro sila umalis papuntang office nila.

Tinaas ko yung ulo ko, at binitawan ang hawak ko'ng kutsara at tinidor.

Ano'ng meron, Ma? ang gusto ko sanang sabihin, kaso ni hindi man lang nagexert ng effort yung facial muscles ko para buksan yung bunganga ko.

"We decided that starting June 6, hindi ka na mag-hohome school, at papasok ka na talaga sa tunay na eskwelahan. Mag-hihigh school ka sa totoong paaralan, Mon," sambit ng tatay ko.

Tumitig sila'ng dalawa saakin, as if naghihintay ng sagot, well.. I don't really care. Honestly, walang problema sa akin kung Home Schooling o hindi.

"OK," sabi ko. Tumingin ako sakanilang dalawa, at pumilit na ngumiti.

"It's settled, then. Do you want to pick which school you want to attend? Nasa isip namin ng Mama mo na magandang school yung St. Pettersburg's Academy, o kaya ikaw, kung saan mo gusto." I don't know.

Actually, narinig ko kay Ms. Perez, yung Home School teacher ko, na isa sa mga elite schools yung St. Pettersburg's.

Ibig sabihin, isa sa mga pinaka-mayayamang schools around our city. In any case, yun lang ang alam ko'ng school, except sa Public schools na nadadaanan namin. I don't know! Ewan! DI KO ALAM!

"Yeah, whichever. St. Pettersburg's or Paaralan ng Manusipalidad or what ever school.." .. I don't really care.

Tinignan ko yung clock na nasa taas ng ulo ng tatay ko, 8:35 a.m.

"Don't you think you guys will be late for work?" Hindi naman sa pinaalis ko yung mga magulang ko, pero gusto ko na kasi talagang umakyat sa taas at panuorin yung bagong labas ng episode ng Secret Garden.

"Right. We'll leave in a few minutes, just go on with your food," Wow. Bago 'to ah. They actually picked me over their works. I wonder what happened...

"Mom, dad, why do you want me to go to a real school?" Sabi ko habang kumakain ng Hotdog ni Aljur. Nag salita lang ako kasi gusto ko'ng may pag-usapan kami.

"Well, Mon, napag isipan namin ng dad mo na all these years nag hohome school ka, at wala ka ng exposeure sa real world. yung mundo sa labas ng bahay, labas ng computer, labas ng comfort zone mo." Mom's quite right. Ibig ko'ng sabihin, 14 years na akong nasa bahay lang. Whatever. Masaya naman dito sa bahay. "And it's a good opportunity to meet new people, anak."

I don't need to meet new people.

Lumipas ang ilang minuto at natapos na ako'ng kumain, at obviously, umalis na sila. Sa wakas! Makaka-nood na ako ng Drama ko! FINALLY! //

I wonder if I didn't agree to what my parents said before, would my life get any worse or better?

Junior na ako sa high school ngayon at isang gabi nalang ay malapit ng mag simula ang bagong school year.

Nung first ever day of school ko, wala akong inexpect. Ni hindi ko nga inakala na maraming tao talaga dito sa school. At sa maniwala ka man o sa hindi (either way, kailangang mo saaking maniwala kasi ako bida sa story na ito), maraming beses na akong na lock at nawala sa sobrang laking school na ito.

Kung malaki ang bahay namin, di ko nalang alam kung ikokompara sa eskwelahang ito.

Freshman and Sophomore years were really dumb, boring and worthless year of school for me.

Kinailangan ko'ng makipag-usap sa mga taong di ko kilala. At hindi lang yun, kailangan ko pala silang pagkatiwalaan sa paggawa ng mga projects at homeworks. And to think na kailangan ko'ng gawin to for two more years, and college.. HOO~

Nakakita din ako ng mga estudyanteng sobra kung manamit, magayos ng buhok, at mag-suot ng alahas. Sila ang mga tong kinokonsider ko'ng People You Might Want To Avoid : Bakit? kasi kung lalapitan ko sila, magsastand out yung kapangitan ko, and guess what? Nag mumukha akong alalay.

Andyan din ang mga Walking Dictionaries, the title is self explanatory, I don't think I have to explain any further.

Ang mga school hearththrobs, or ehem, Me. NOT. Yung mga sports players kasi.

Kadiri yung mga yun. Ang babaho. Kung siguro deodorant ang binibigay na prize sakanila imbisna trophies, mas ma iintindihan ko pa kung bakit sila naging heart throb. Pero with that kind of smell? HELL NO. Ang dapat na tawag sakanila ay ang Putok Team.

Syempre, di mawawala ang mga linta dito sa school. Ang dami nila. Mga Shamcey Sipsip. Lahat nalang sinsipan nila. I mean, every other day, kailangan may pagkain at coffee for EVERY teacher? Nako! Kung nag donate ka nalang sa red cross gamit yang pinangbili mo, edi sana nakapagpakain ka na ng mga nasalanta ng bagyo?

At ang pinaka-ayaw ko'ng part ng Freshman at Sophomore years ko, ang lunch breaks at recess.

Almost every day I've spent these breaks at our room, alone.

Hindi naman sa wala akong mga kaibigan, (I guess you could say that) pero meron lang talaga silang mga kaibagan na pinipili over me.

Am I supposed to be sad? Actually, no. I mean, I get to guard the room, protect it from future thieves. And seeing that makes me realize that they actually trust me.

I don't know why people just don't hang out with me during breaks.

Malamang kasi minsan lang ako magsalita, at siguro dahil don naiisip nila na boring ako'ng tao.

I'm not.

At least that's what I know.

Wala lang talaga akong classmate na pareho ng kinaaadikan ko - korean stuffs.

아이고... 이사림들은 진짜행북은멀라..

(Talaga naman.. tong mga taong to hindi alam ang totoong kasiyahan)

Pero, alam mo, minsan naiinggit din ako sa mga kaklase ko'ng mga magkakaibigan. minsan tinatanong ko nalang sa sarili ko, anong meron sakin na wala sa mga kaibigan nyo?

At narealize ko nasa akin ang sagot: social skills.

And that's my goal for this year. To have more friends, communicate with my other beings, find cure to cancer, and promote world peace.

Just thinking about it makes me really scared.

I know for sure all these goals are impossible.

But, hey, at least I've actually dreamed of doing these.

PERO SANA TALAGA MAGKAROON NA AKO NG KAIBIGAN BUKAS AS IN TOTOONG TOTOO TOOTOTO TOOTOT

ㅎㅎㅎㅎㅎㅎㅎㅎㅎㅎㅎㅎㅎㅎㅎㅎㅎㅎㅎㅎ

HAAIIIII. OMG congrats, di ka pa nabore bore sa story ko! Please please, wag marakot pindotin yung next page!! Hehe

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 20, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Weirdo's RoyalWhere stories live. Discover now