♔ Chapter 19 ♔

Magsimula sa umpisa
                                    

"Yes naghahanap sila ng bagong vocalist. Okey lang kahit nawala si Angelo para naman magkaroon ng opportunity sumali yung mga tulad ko. OMG! SASALI TALAGA AKO AT GAGAWIN KO ANG LAHAT MAGING AKO LANG ANG VOCALIST NG PASSION HIT." ang sabi ko

"Sige sige na nga. Huwag ka nang sumigaw dyan, ako lang naman yung kausap mo eh. Sa tingin mo makukuha ka dyan eh marami kayang mag au-audition dyan? Marami din ang may magagandang boses, hindi lang ikaw. Tsss." ang sabi ni James

"Ahh, so wala kang tiwala sa akin? Sabagay hindi lang naman ako yung magaling kumanta sa mundo. Marami din namang mas magaling mag basketball kaysa sa iyo." pang aasar na sabi ko

"Sige na, hindi na nga lang ako mag co-comment. Sasamahan na lang kita mamaya. Okey lang ba?" ang sabi ni James

"Talaga? Napaka supportive mo namang bestfriend." ang sabi ko

Pero yung nasa isip ko talaga eh napaka supportive niyang future boyfriend ko. Hahaha

"Ako pa. Gusto ko kasi masaksihan ng live kung paano mababasag ang mga salamin sa loob ng library." ang sabi ni James

"Nang aasar ka ba? Bahala ka nga dyan." ang sabi ko

Iniwan ko siyang nakatayo dun. Naglakad ako nang mabilisan pero naabutan niya pa din ako

"Ito naman, laging pikon. Sorry na nga." ang sabi niya

Hayy nako kahit kailan talaga itong lalaking ito.

James Clifford, anak mayaman, gwapo, matalino, lahat na nasa kanya pero loko loko.

"Okey bye for now, may klase pa ako. Bye." ang sabi ko sabay takbo papasok sa classroom.

Pagpasok ko sa classroom ay biglang tumunog yung cellphone ko kaya inilabas ko ito mula sa bulsa ng pantalon ko.

To: Sam

Sorry na Sammy ha? Diba sabi ko naman sa iyo magiging mabait na ako at ititigil ko na yung kakulitan ko pero sa isang kundisyon. . . papayag ka sa tanong ko. . . Can I court you?

From: James

Nababaliw na ata itong lalaking ito. Naka drugs ata ito kaya kung anu ano yung mga nasasabi. Hindi ko na lang siya nireplayan dahil pumasok na ang professor namin.

Natapos ang class namin na nakatunganga lang ako sa bintana. Lagi ko namang ginagawa yun tuwing boring magturo ang iba naming professors.

Lumabas na ako sa classroom at dumiretso sa classroom nila James pero wala na ata siya dun kasi 5 babae na lang yung naabutan ko na natitira dun. Instead na hanapin ko pa siya, dumiretso na ako papunta sa library.

Grabe naman ata ang dami ng nagbabalak mag audition dito. Feeling ko pang 1,000 na tao na ata ako na mag au-audition dito.

"SAMMY!" ang sabi ni James

"Oh! Saan ka naman pumunta? Pinuntahan kaya kita sa classroom nyo pero wala ka dun." ang sabi ko

"Pumunta ako sa canteen para bumili ng snacks. . . Alam ko naman kasing matatagalan ka." ang sabi niya

"Ahh, eh sana naman. . . sumama ka dito ng hindi nagrereklamo." ang sabi ko

"Hahahaha. Ito naman hindi mabiro. Oo na nga. Pasalamat ka mahal kita." ang sabi ni James

What? Mahal daw niya ako? Biglang namula yung pisngi ko kaya tumingin ako sa malayo.

"Mahal mo mukha mo!" ang sabi ko

True Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon