katapat lang namin si Sammy and Leo. Ako nga pala yung nasa tabi ng bintana kasi ayaw daw dun ni EmE. hindi daw niya feel :)) ewan ko ba dun. weird pero cute syempre ♥ hay nako. eto nanaman ako
ayon. umalis na yung bus.
sana maging masaya yung trip na to! :))
dumadaan naman kami ngayon sa Rizal park. nilingon ko si EmE. gising pala siya
"pssst EmE"
"bakit ba kesooo?"
"alam mo ba pinagkaiba niyo ni rizal?"
"ano?" sabi nya
"si Rizal, nasa piso....ikaw...nasa PUSO KO! hahaha" sabi ko naman
"hahahahaha" tawa naman siya. tumahimik sya tapos. "hahahaha" ano ba yan. tawa siya ng tawa
"haha ka ng haha diyan. kapag ako nainis, HAHAlikan kita!" sabi ko naman
tapos ayun. tumawa siya. natawa naman din ako...tumigil lang siya sa apgtawa nung may nagtext. napangiti naman siya ng bongga. hmmm. sino kaya yun? wagas makangiti si EmE eh. si leo kaya? pero pag tingin ko kila Leo....kumakain lang sila ni sammy. inalok pa nga kami eh
ayun.
huminto naman yung bus dahil sa stoplight. nakatabi naman namin yung isa pang bus section nila Hannie, classmate ko siya dati. friends naman kami. nakatapat naman namin siya sa bintana. napansin niya ako kaya kumaway siya. kumaway din ako. tapos ayun, nag-green na ulit yung light
"sino yun?" seryosong tanong naman ni EmE. oh, bakit tamlay neto?
"si Hannie yun, friend ko :) ganda niya noh?" sabi ko naman. maganda naman talaga si Hannie eh pero gusto ko lang inisin si EmE
medyo nagiba naman yung expression ng muka niya. ano yun? NAGSELOS? hahahaha Asa naman ako.
"ah. oo, crush mo?" sabi niya sabay ngiti. pero di yun yung natural na ngiti niya eh. haha nagselos nga ata :)))
"eh. oo. shhhhhhhh secret lang ha? haha" sabi ko naman. nagNod na lang siya.
ewan ko, bigla ko na lang nasabi yun. pero di naman siguro masamang magkacrush ako sa iba diba? basta yung ♥ ko kay EmE lang :)
----------------------------------
Erntrine's POV
haha. nakakatuwa talagang katabi tong si kesooo
sayang kadaldalan, kabanatan, kasama, kausap hayysss
eto. sigurado na ko. gusto ko talaga siya. pero syempre, di ko yun sasabihin.
nakakatuwa din naman yung banats niya eh...kaya lang ako naiinis kasi minsan, nalalamangan niya yung banat ko XD
haha. di na ko makahinga sa kakatawa. si kesooo kasi eh. Bigla naman may nagtext
From: kuya kakkoi ^_^
ui. Ingat ha! Bahala na kung magkita tayo sa mga pupuntahan ngayon!
ingat ulit ha! :* wag makulit. katabi mo si Percy noh? yieeeee
HAHAHAHA. adik talaga si kuya kakkoi eh. mukang percy yun -_-
To: kuya kakkoi ^_^
adik ka talaga!!! oo katabi ko.kulti nga eh. ui pag nagkita tayo, libre mo ko! bonding!hahaha ingat din :*
YOU ARE READING
It Started Because of Cheese ^.^ <ongoing>
RomanceNAGSIMULA ANG LAHAT SA KESOOOO SA ILONG...a story about love ng dalawang tao na nawaste ang 1st and 2nd chance pero nagkaroon ng 3rd chance :) ito na ata ang love story na puno ng pagkakaudlot at mga kontra pero pano kung sa story na ito....HINDI na...
*fifth grade*First Chance
Start from the beginning
