chapter 3

6 0 0
                                    


Natahimik ang mga naabutan namin sa may ilog nang makita kame na nakatingin sa kanila. lima lang naman sila pero dalawa lang ang aking kilala.  Yung isa ay ang magaling kong pinsan na si jack at ang kabarkada nya na si kurt. Yung natitirang tatlo ay di ko na kilala pero pamilyar ang mukha ng isa dahil ito lang naman yung walang hiya na tumawag sakin ng stupid kahapon. Yung natitirang babae at lalaki ay hindi pamilyar sakin kaya nasabi kong mga dayo ang mga ito.

" hoy, kyla!! " sigaw ng magaling kong pinsan. Kaya napasimangot ako na tumingin dito.

"Woi, dito kayo oh... Tamang tama. Sigurado may dala kayong pagkain dyan, ubos na yung samin eh."  Malakas na sabi ni kurt nang makalapit kame sa mga ito.

" ang kapal mo talaga kurt! P.G ka tlaga"  pang aasar dito ni lyn na kinatawa naming lahat bukod dun sa epal na lalaki na tahimik lang sa tabi.

"Ay. Oo nga pala guys.  Meet the new guys" corny na singit nang magaling kong pinsan. " sila pala si cazz, at james " turo nito sa babae at dun sa lalaking medjo nasa early 20's na siguro. " At yan namang biglang tumahimik jan ay si  Cam".  Ani nito na tunuro din yung epal n lalaki pero hindi ko tiningnan.

" at sila naman si mhae, mabel, lyn at yung mga epal na yun ay sina jon at bert. Isama nyo na pate tong dalawang to si Sara at si kyla pinsan ni jack" pagpapakilala naman samin ni kurt. Kaya naman nakipag kamay kami sa mga ito.

Masaya naman silang kasama lalo na si james na syang nagpapatawa saming lahat. 23 na to,  si cazz naman ay kaedaran lang din namin. Magkapatid din pala si james  at
  Yung epal na si Cam na  hindi ko pinapansin ni ayaw ko nga matingnan dahil sa inis ko. Pinsan naman nila si cazz.  Ngayong bakasyon lang sila dito at unang beses nila makapunta dito pero di na namin tinanong kung kanino sila tumutuloy.

Nang mapagod ako kakalangoy ay umupo muna ako gilid kung saan may malapad na bato na pwede mung pwestuhan, para makapag paaraw..

Tatawa tawang pinanood ko ang kulitan ng iba nang maramadan kong may umupo sa tabi ko, alam ko na kung sino ito dahil ito lang naman ang hindi lumangoy saming lahat. Kaya naman  madali akong tumayo upang lumipat ng pwesto nang madulas ako sa isang bahagi ng bato.

Napahiyaw ako at napapikit nalang habang hinihintay ang kamalasang mangyayari sakin. Nang maramadaman ko ang pares ng mga braso na yumakap sa aking bewang. Kaya dahan dahan kung minulat ang aking mga mata upang makita ang  malapit na mukha ni Cam sa akin habang nakapulupot parin ang kanyang mga braso.

Hindi ko man naisin ay hindi ko maiwasang titigan ang kanyang itsura. At masasabi ko na talagang gwapo ito.  Siya ay may mahahabang pilik na bumagay sa kanyang mapungay ngunit parang nang aarok  na mga mata. Kung tititigan mu ay maraming sinasabi na hindi mu maririnig sa kanyang bibig.  Ang ilong nito na ang katangusan ay nakaka inggit para sa iba.  At binagayan pa ng mapupula nitong mga labi na parang kay sarap halikan. Nakakaakit titigan, nakakahipnotismong pagmasdan.

Hindi nya man lang namalayan na napatagal na pala ang kanyang pagtitig dito kung hindi pa niya narinig ang pangangantyaw ng mga kasama nila. Parang nabasag ang kung ano mang orasyon na nakapaligid sa kanila at binalik siya sa katotohan. Hindi niya napansin na nakahawak parin pala sa balikat nito ang kanyang mga kamay at kung titingnan ay para talaga silang mag kayakap.

" tss. You're not just stupid, you're clumsy too". Mahinang bulong ni cam sakin na nakatitig parin at nakahawak sakin na parang ayaw alisin. "And i bet you love this moment right? me hugging you and everything" nagmamayabang na dugsong nito.

Ang kaninang kunting pag hanga na aking naramdaman ay tuluyang naglaho at napalitan ng matinding inis dahil sa kanyang kayabangan.

" ang kapal mo! akala mu kung sino!" Angil ko dito ay dali daling tinangal ang pagkakahawak nito sakin at tuluyang lumayo dito para lumapit saking mga kasama at lumangoy.

******

Vote and comment?
Zj.xx

Meeting CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon