chapter 4

4 0 0
                                    

Isang linggo na ang nakararaan nang mangyari ang little scene namin ni cam sa may ilog. Isang linggo nadin simula nang mag umpisang pumunta ito sa bahay kasama lagi ang magaling kung pinsan. At isang linggo nadin akong umiiwas dito.

Simula nang may naramadaman ako na ewan nang magkalapit kame ay nalito na ko. Hindi ko alam pero parang may umahong paghanga sakin para dito. Kahit sabihing kakakilala palang nya sa lalaki at kahit nag umpisa silang magkakilala sa pangit na paraan ay alam nyang kahit kunti ay gusto niya na ito.

Natigil ang aking pag mumuni muni nang marinig ko ang malakas na boses ng aking pinsan. Sigurado nading kasama na naman nito si cam. Na ewan kung bakit balik ng balik sa kanila. Gusto man niyang isipin na siya ang dahilan ay alam niyang imposible kasi sa bawat pag punta ng lalaki dito ay hindi naman sila ng kakaharap. kaya sigurado siyang sumasama ang ito sa magaling niyang pinsan. Nagkakaingay na sa may kusina nang maisipan niya na pumunta nalang din dun. At nang makalapit siya ay nakita niya ang kanyang ina na aliw na aliw sa pakikipag usap dito habang si jack naman ay busy sa pagkain ng kakanin na gawa ng kanyang ina.

"Oh kyla, buti naman naisipan mung sumali sa amin dito" ani ng kanyang ina ng malingunan siya nito.

" nagugutom lang po kasi ako 'nay" sabi ko nalang na lumapit sa lamesa.

" sus, baka nahihiya ka sa bisita natin ha? Insan?" Nang aasar na ani ni jack na tinaas taas pa ang mga kilay nito.

" tseh. Ayaw lang kitang makita jack. Para ka kasing di pinapakain nina tiya at tiyo sa lakas mung kumain samin" balik asar ko dito.

" sus. Talaga lang ha, eh bakit di mu pinapansin si cameron?" Patuloy nito.

" hindi ko ba pinansin? binati ko nga kanina ah?" Ani ko dito sabay sulyap kay cam na tahimik. Agad naman niyang binawi ang tingin ng makita niyang nakatingin din ito sa kanya ng nakangisi.

'Tsk. Mayabang' bulong nya sa sarili

" ay, oo nga pala. Kyla si senyorito cam. Anak ng bagong may ari nang hacienda" ani nang ina nya na pinakilala ulit sa kanya ang lalaki kahit kilala na naman nya ito.

" ok po. Kilala ko- " natigil siya nang parang nang paulit ulit sa kanya ang huling sinabi ng ina.
"W-wait?!, senyorito!?, anak?!"

"Oo" sabay na sagot ng pinsan niya at ina.

"Bakit ayaw mu ba?" Sabi ni cam na nakangiti sa kanya na parang sinasabi na mas mataas ito sakin.

"May sinabi b ko? ha SENYORITO!?" pagdidiin nya dito. At pinag cross nalang ang mga braso kasabay nag irap dito.

Narinig niyang tumawa ito ng mahina kasabay ng pag baling sa kanyang ina.

" sya nga po pala aling delia. Ipagpapaalam ko lang po sana si kyla. Isasama sya namin ni jack sa mansion. May kunting kasiyahan kasi dun kasama nadin po ung iba pang kabataan dito. " ani nito sa ina nya.

"Aba'y sige lng po senyorito. Kasama naman nya ang kanyang pinsan eh" pag payag nito dito.

" pero 'nay ayaw ko po sumama!" Reklamo nya sa ina.

" bakit naman?"
"And why?" Mag kasabay na tugon ng mga ito.

"Eh alam nyo naman po na wala akong hilig sa mga ganun eh" sagot niya sa ina at hindi sumulyap sa lalaki.

"Sus. Nadun naman lahat ng kaibigan mu eh, oh sya maiwan ko muna kayo ay may gagawin lang ako likuran" paalam nito samin.

Dun lang nya napansin na wala na pala ang pinsan nya at sila nalang dalawa ang natira sa kusina. Akmang aalis na din sana sya ng hawakan nito ang kanyang braso para pigilan siyang makalayo. Mabilis naman niyang tinanggal ang pag kakahawak nito dahil nandun na naman ang sensasyong dulot nang pagkakadikit nang kanilang mga balat.

" why ayaw mung pumunta?" Narinig nyang tanong nito. At nakahalukipkip na humarap dito.

" narinig mu naman diba? Wala akong hilig sa ganun" sagot ko na akmang lalayo na ulit dito.

"Really? or it's becouse of me?" Nakangisi na nang tanong nito.

" pano ka namang nasali?" Nakataas ang kilay na hinarap ko ito. Nasobrahan na yata sa hangin dahil sa kakapalan ng mukha nui.

" hmm.. I dont know, why dont you tell me?" Naaasar na tiningnan naman niya ito ng masama.

" for your info! senyorito! Ang desisyon kong hindi pag punta ay walang kinalaman sayo! Kaya wag kang mayabang!"

" talaga lang ha?"

" talagang talaga!"

"Ok, if you say so" ani nito na tumayo na at akmang aalis na.

Hindi pa ito na nakakailang hakbang ay lumingon ulit ito sakin.
Nandun na naman ang kanyang ngiti na nakakapang inis sakin.

"Susunduin kita mamaya, so be ready before 6 pm. " biglang sabi nito.

"H-hoy ,hindi nga ako pupunta diba!" Sigaw ko dito.

" sa ayaw at gusto mu, susunduin kita. Kung pag dating ko hindi ka pa nakagayak. Kahit nakahubad ka bubuhatin kita " ani nito kasabay ng pag talikod it sa'kin.

" wahhh!! Bastos!!" Sigaw ko dito nang mag sink in sa akin ang huling sinabi nito .

Zj.xx

Meeting CamWhere stories live. Discover now