<Friday, 9:30 am, orientation>
Umuulan ng malakas habang naglalakad ako papunta sa school. Basa na ang uniform ko pati na rin ang bag ko. Buti nalang nasa locker ang lahat ng gamit ko maliban nalang sa dala ko ngayon. Hindi rin naman ako pwedeng bumalik sa bahay dahil malapit na rin naman ako sa school. At kung babalik pa ako para kumuha ng payong, baka ma-late pa ako. Hindi ko rin naman kasalanan na umulan bigla at hindi naglabas ng advisory ang Mayor namin.
Napatigil ako sa bus stop malapit sa convenience store. Mahina na rin ang ulan kaya papatilain ko muna. Meron pa naman akong 30 minutes para magpatuyo ng uniform, nakakahiya naman kung papasok ako ng basang basa. Tsaka, isang kanto nalang ang lalakarin ko at mararating ko na ang school.
Pwede na siguro akong dumiretso sa school, ambon nalang naman ang hadlang sa paglalakad ko papuntang school eh.
What a nice day. :) not.
Nang makarating ako sa school, malas agad ang sumalubong sakin. Kung sa ibang girls, perfect boyfriend -material sya, pwes sakin isa syang monster. Kung sa ibang girls gentleman sya, sakin kabaliktaran. Argh! He can do anything to me kasi wala na si Kuya Ailer sa campus. Huhu kuya. TT Bakit mo ako iniwan. At pinaubaya mo pa ako dito sa bakulaw na ito! Porket bestfriend at co-member mo sya sa dance troupe mo.
"Hi Aira."
"What do you want jerk?" Bulyaw ko sa kanya.
"Hey, be nice. Ako muna magiging kuya mo dito sa school until we graduate." He proudly said.
"Hmmm. Great! Actually, I am very excited about that. Gaano katagal ulit yun? 4 years?" Right, 4 fxcking years. Nasa 1st year college palang kami samantalang si Kuya, graduated na ng college. At dahil wala na sya sa school na to, pinagbilinan nya si Storm Vance Villafuerte na bantayan ako hanggang sa grumaduate kami ng college. Ayos diba?
"Maganda kung ganon. Dont worry, di kita pababayaan lil sis." Ghad! Di ba sya makaintindi ng sarcasm?
"You better be." Then I left him alone in the hallway.
"I will Aira." Psh, kung kaya mo.
-------
/bell rings/
When the bell rings, the teacher shuts up.
It means, breaktime na.
Ayokong lumabas dahil makikita ko na naman si Bagyo. Mabuti nalang, hindi kami magka-section. Dahil kung oo, WW3 ang kalalabasan. Well, hindi ko naman HATE na HATE si Storm, nakaka-irita lang talaga sya. Pero mas nakaka-irita ako HAHAHA.
I'm just being competitive tho.
Haaaaays, habang may 15 minutes pa ako, I'll just read my notes.
---------
<4:15 pm, Miss Son's Class.>
"Ok class, may taga-kabilang section ang pinalipat dito sa section natin." Really now? Hindi pa ba kontento si Miss Son sa 25 nyang estudyante?
"Pinalipat?" Tanong ng babae na nakasalamin. Nerd.
"Narinig mo na nga diba?" Saway ng katabi nyang lalaki. Psh moody.
"Ghad, baka nagkamali yung admin ng school kaya napunta sya sa ibang section imbes na sa section natin." At nagbida-bida na naman si Lianna. Nakakabwisit talaga yang babaeng yan. Nagmamagaling masyado.
YOU ARE READING
Storm
Teen FictionSignal no. 1 - you hate him. Signal no. 2 - you got to know him. Signal no. 3 - you like him. Signal no. 4 - you love him.
