Kilala sa maraming larangan,
Sa ibang dako'y hinahangaan.
Talentadong mga Plipino,
Tayo'y piling-pili, pinong-pino.Mga problema man ay dumaan,
Dinadaan nalang sa tawanan.
Masayahing mga Pilipino,
Tayo'y piling-pili, pinong-pino.Tuwing tayo'y nagbabayanihan,
Lahat tayo ay nagdadamayan.
Matulunging mga Pilipino,
Tayo'y piling-pili, pinong-pino.Lumipas ang mahabang panahon,
Tayo'y patuloy na umaahon,
Matibay na mga Pilipino,
Tayo'y piling-pili, pinong-pino.Ngayo'y bago na ang henerasyon,
Bago na rin pati ang relasyon,
Magkakaaway na Pilipino,
Tayo'y namimili, namimino.
YOU ARE READING
Written Feelings
PoetryEmotions to words. Words to sentences. Sentences to poetry. Isip na naglalaman ng bawat salita, Salitang nagmumula sa puso ng bawat isa, Isang pluma na napaglalagyan ng bawat emosyon, Emosyong 'di mapipigilan lumipas man ang panahon. Panahong lumi...