I suddenly just couldn't breathe. Parang biglang nag-fail ang lungs ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Hihintayin na lang kita sa labas pagkatapos ng klase mo." Pagkasabi niya noon ay iniwan na niya ako. Siguro ilang minuto din akong napatda sa kinatatayuan ko. Hindi ako makalakad sa sobrang pagpipigil ko sa pagsigaw. Nakakainis! Bakit ganito na lang kalakas ang tama ko kay Damon?

Nang pumasok ako sa loob ng klase, lahat ng babae nakatitig sakin. Daig ko pa ang multo. Okay lang sana kung nakatitig lang sila pero alam kong pinag-uusapan nila ako.

Isang babae ang hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Then she whispered, "A slut."

Alam kong intensiyon niyang iparinig yon sakin. At hindi lang yon ang mga narinig ko.

"Are you sure girlfriend na siya ni Damon? From alalay to girlfriend? I don't believe it!"

"Malandi kasi."

"Sinabi mo pa."

Sanay na ako sa mga pagpaparinig nila. Simula kasi noong nagkalapit kami ni Damon naging mortal enemy na ako ng mga babae sa university. Hindi lumilipas ang araw na hindi nila ako pinagtatawanan at pinaguusapan.

Uupo na sana ako nang biglang sinigawan ako ng isa sa mga classmates ko, "Hoy Kathy! Dun ka nga sa dulo!" Sabay turo niya sa nag-iisang upuan na nakahiwalay sa likod, sa pinakadulo.

Muli akong tumayo at lumakad patungo sa upuan kung saan nila ako pinapaupo. Sinalubong naman ako ng isa sa mga babaeng naiinis sakin. May hawak siyang isang basong tubig. At kitang-kita ko kung paano niya sinadyang itapon ang tubig sa mukha ko.

"Oops!" Sabi niya sabay tawa. Actually, tumawa silang lahat.

Napayuko na lang ako habang nakatingin sa damit kong nabasa ng tubig. Hanggang sa napansin kong tumahimik bigla ang klase. Parang biglang may dumaan na anghel sa sobrang tahimik.

Laking gulat ko nang biglang may nagsuot sa akin ng jacket mula sa likod. I knew it! Alam kong darating siya para ipagtanggol ako sa mga walanghiyang babaeng yon.

"Sayang ... ang gaganda niyo na sana kaso, ang papangit naman ng ugali niyo."

I was surprised to know that it was Damon. Hindi sa kanya ang boses na yon. Lumingon ako para makita kung sino ang lalaking tumulong sakin.

Tumingin siya sakin bago siya lumabas ng classroom.

"Sino yun?"

"Parang ngayon ko lang siya nakita?"

"Ang gwapo non!"

Hindi na naman sila magkandaugaga sa pagtitsismisan. Napailing na lang ako.

Agad akong lumabas para pasalamatan yung lalaki. Buti na lang at naabutan ko pa siyang naglalakad sa hallway.

"Salamat ha." Sabi ko sa kanya. Halos patakbong lakad ang ginawa ko masabayan ko lang siya sa paglakad. "Eto na yung jacket mo."

"Keep it

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Keep it." Tipid niyang sagot.

"Sige na, kunin mo na. Hindi naman 'to nadumihan. O kung gusto mo, lalabahan ko na lang muna."

Bigla siyang huminto sa paglakad saka siya humarap sakin. "Okay. Tutal naman mapilit kang ibalik sakin yang jacket ko. Bakit hindi na lang tayo lumabas mamaya? Miryenda or dinner? Ikaw bahala."

"W-what?"

"Just kidding! It's alright. Ang cute mo pala kapag nabibigla ka." He smiled at me then he just suddenly walked away.

Naiwan akong mag-isa sa hallway.

Nang matapos ang klase ko, agad akong lumabas para hanapin si Damon. Hindi naman siya mahirap hanapin kaya nakita ko siya kaagad na nakahiga sa isang bench sa ilalim ng isang puno. Sa palagay ko'y natutulog siya.

Dahan-dahan akong lumapit para gulatin siya pero – "Tapos na ang klase mo?"

Ako ang muntik mapatalon sa gulat. Tumayo siya at inayos ang kanyang sarili. "Tara?"

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Saan tayo pupunta?" Kahit kailan ay hindi niya ako inihatid sa boarding house kaya naman alam kong may ibang lugar kaming pupuntahan.

"Sa bahay."

The Devil's SonWhere stories live. Discover now