Chapter 11. Surprise ulit <3
Matagal ko nang gustong malaman mo
matagal ko nang itinatago-tago ‘to
nahihiyang magsalita at umuurong aking dila
pwede bang bukas na, ipagpaliban muna natin ‘to
Dahil kumukuha lang ng tyempo
upang sabihin sa iyo
Mahal kita pero ‘di mo lang alam
mahal kita pero ‘di mo lang ramdam
mahal kita kahit ‘di mo na ako tinitignan
mahal kita kahit ‘di mo lang alam, oh oh woh
Matagal ko nang gustong sabihin ‘to
matagal ko nang gustong aminin sa ‘yo
sandali, eto na at sasabihin ko na nga
ngayon na, mamaya o baka pwedeng bukas na
WOW ganda pala ng boses ni Ethan! *dug *dug *dug *dug
What was that? *dug *dug *dug
Parang naramdaman ko na rin ito dati ah! Oh no ! don’t tell me
“Happy Birthday Kalyn! Sana nagustuhan mo itong surprise ko. Mabuti na lang at nakatulog ka. Napadali ang pag-aayos! Haha!” binaba niya ang gitara at lumapit sa akin. Nakasuot siya ng skinny jeans pero yung pang guy type tapos, naka red na v-neck with matching black Kickers (brand din yon ng shoes). Tatapatin ko kayo, super gwapo niya. Pero naguguluhan pa rin tlaga ako eh!
May binigay siyang flowers, M&Ms (paano niya nalaman an favorite ko yun?!) and ang ikinagulat ko, pumunta siya sa likod ko at ikinabit ang isang necklace na nakasulat ang name ko. Waaah! FIRST TIME EVER LAHAT NG TO!
“Ethan, ano bang nangyayari?” tanong ko na mejo pabulong na.
Hindi siya sumagot.
“woooh!! May ikakasal na ata!!! Hahahahahaha” sigaw ni Dianne
“hahahah” nagtawanan na lang lahat kami. Kahit kelan tlaga tong si Dianne kung maka tukso WAGAS!
*fast forward – wala naman din kasing nangyari after nun.”
Uwian nah!!!!!!
“Lyn! May gagawin ka ba? Yayain sana kitang lumabas, tayo lng sana.” Tanong ni Ethan.
“Wala naman. Perooo paano sila Ericka?”
“Nagpaalam na ako sa kanila na kukunin muna kita ngayong gabi.”
“haha! Okay! San pala tayo pupunta?”
“Basta! Tara!”
Tapos kinuha niya na lang ang kamay ko.
“Thank you pala Ethan. First time kasing may gumawa sakin non.”
“My pleasure Lyn, basta para sa iyo.”
Tapos tumahimik naman kaming dalawa.
“oh! Nandito na tayo.” ^^
O.O !!! Wat da Pak is dis?!!! Limang porshe?!!!! Don’t tell me sa knya toh?!
“Good Afternoon Young Master! Siya na po ba si Ms. Kalyn?”
“haha, oo angelo. Siya nga! Ganda niya no?!” sabay akbay!
“Opo. Galing niyo pong pumili.”
Speechless pa rin talaga ako. ano daw?! May nalalaman pang young master!!!
“Kalyn, sakay na.” habang hinahawakan ni Ethan ang pintuan ng isa sa mga porshe.
“Hoy lalake! Iyo lahat ng to?! Ang YAMAN MO PALA! MY GAS!!!” hindi ko na napigilan sarili ko
“hahahaha. Nakakatawa ka talaga. Tara na, pasok ka na.”
“AYAW! Hoy! KIDNAPPING TOH!”
“Loko-loko, kidnapping ba yong nagpaalam sa iyo.”
“ahy. Hindi! Bahala ka nga.”
“Hoy, saan ka pupunta?”
“Babalik ng dorm.”
Nakatalikod na ako sa kanya, pero bigla niyang hinawakan ang braso ko.
“Kalyn, sige na naman oh. Sama ka na. Pleeaasee.” Hala nagpacute ang loko!
“Sige na nga! Basta, hindi mo ako dadalhin sa mga liblib na lugar kundi PAPATAYIN KITA!!”
“hahaha. Nakakatawa naman po kayo.” Bigla na lang tumawa yung lalaking naka tux, Angelo ata name nun eh.
Mahaba-haba din ang byahe…
“Ito na nga ba ang sinasabi ko, KIDNAPPING TOH EH!!! MAAWA KAYO!!” sigaw ko, kasi piniringan nila mga mata ko! :(
“ETHAN!!! NASAAN KA!!!” GAGO yun ah!!!
May nakahawak sa magkabilang braso ko. Hindi ko maalis mga kamay ko kasi ang higpit ng pagkakahawak.
“Upo na po kayo Ma’am.” Sabi nung isa sa humawak sakin.
Then tinanggal na nila ang piring sa mga mata ko…
May nag violin bigla, tapos happy birthday ang music.
Tumulo na mga luha ko, ang ganda ng lugar. Nasa isa kaming gazebo na may mga flowers, Christmas lights, then ang table, may wine sa gitna. Tapos may nagvaviolin sa left side ko.
Si Ethan ba may pakana nito?!
*dug *dug *dug
“Kalyn, why are you crying? Ayaw mo ban g surprise ko?”
Tumayo ako, “hindi *sob” then sinuntok ko siya sa dibdib pero mahina lang
Hinawakan niya kamay ko, then I stopped. Tapos hinawakan niya yung chin ko, so eye-to-eye na kami.
“hindi naman pala, pero why are you crying?” pinunasan niya tears ko gamit yung kamay niya
“ikaw kasi eh. Nakakainis ka, may nalalaman ka pang ganito. Pwede namn icelebrte natin to sa dorm or sa ibang lugar.”
“haha! Happy Birthday! Upo ka na.” inoffer niya sa kin yung seat. Umupo na din siya.
YOU ARE READING
My THIRD AND LAST (COMPLETED^-^)
RomanceFirst love? pinagpalit ako sa bestfriend ko First boyfriend? Babaero pala. ipagsabay ba kaming limang babae. Ito kayang si THIRD? Siya na kaya ang last? Nakakatakot din kasing magmahal ulit... By the way his name is ETHAN... <3 (SOFT COPY AVAILABLE...
