Oh may gas! 8:30 na! 8:30 pa naman klase ko! Huhu. Late na ako nito. Bahala na basta makapasok baka may ibibigay pang Plate si Sir.
(AN: plate hindi pinggan yan ang tawag sa projects ng mga architecture students)
Di ko na inayos higaan ko at nagpalit na ako ng damit at nag toothbrush. Nagdala na lang ako ng tinapay para almusal ko na at naglakad papuntang school. Malapit lang naman eh. Hahah! Hindi na ako naligo tutal naligo naman ako kagabi. ME GANON?! haha
Pagdating sa room…
“ahy! Akala ko late na ako!” sabi ko
“haha! Asa ka pa! late din kaya si sir!” sabi ni Althea kaklase ko
“oo nga noh!”
Ayon nag chismisan muna kami medyo matagal-tagal din si sir eh…
“Gia may napapansin ka?” tanong ko kasi nasa right side ko siya.
“haha! Ano naman?”
“as in?! wala ka talagang may napapansin. Meron ata tayong bagong kaklase.” Sagot ko at mejo pabulong.
“ay oo. Kanina pa naman napansin. Hehe. Late ka kasi.”
“late ka dyan! Wala pa nga si sir eh.”
“sorry ter! Haha. Pero nabanggit na din ni sir tungkol sa bago nating kaklase.”
“ha?! Kelan naman?! Hahah! Halatang hindi talaga ako nakikinig.” Lagi kasi akong parang nasa ibang mundo. Hindi ko talaga narinig na may bago pala kaming kaklase. Pero infairness gwapo. Me ganon?! Landi ko naman. Walang magawa, LOVELESS eh.
“sorry I’m late class, your second plate is an Ecumenical Chapel.” sabi ni sir lito
Kami . O.O..
“ano daw yun?” tanon ni glenn
“ecumenical daw” sagot naman ni jonna
“patay! Mahirap na naman yan!” sabi ni Sheila
“ano ba yang Ecumenical Chapel?”
“bsta chapel!! hahaha”
Ganyan kami parati ng mga kaklase ko pag may new plate nakakaya pa naming mag biruan pero pag nasimula na wag ka nang manggulo seryoso na yan . :D
“oh class, kilala niyo na ba ang new classmate niyo? Transferee siya from manila.” Sabi ni sir Lito.
“wow! Ang layo naman ng inabot. Manila to davao?! Amazing” sabi ni ken
“ano pangalan niya sir?” tanong ni Ana
“siya ng bahala mag pakilala ng sarili niya.”
Lahat kami nagsitinginan sa likod. Doon kasi siya naka upo eh.
“hi classmates. Ako nga pala si Ethan, Ethan Santos. Taga- manila talaga ako kaso my parents decided to transfer here in davao for some private reasons. I hope we could be friends.”
“sure.” Reply ng mga classmates ko. Hahaha
After niya magpakilala, diniscuss na sa amin ni sir ang about sa Ecumenical Chapel namin. Whew! Stressful! Pero kakayin. :D
Second subject….
Kinausap na ng mga kaklase ko si Ethan kaso parang di ko pa siya feel kausapin eh. Ewan ko ba bakit. Mayabang? Hindi naman mukhang mabait naman.
Naghihintay kami ng next professor. Nakakapanibago ata kasi ang tahimik ko. Haha. Emo? Baka emongoloid! Joke!
“psst. Parating na si Sir.!”
YOU ARE READING
My THIRD AND LAST (COMPLETED^-^)
RomanceFirst love? pinagpalit ako sa bestfriend ko First boyfriend? Babaero pala. ipagsabay ba kaming limang babae. Ito kayang si THIRD? Siya na kaya ang last? Nakakatakot din kasing magmahal ulit... By the way his name is ETHAN... <3 (SOFT COPY AVAILABLE...
