Chapter 6. He’s Sweet
Kalyn’s POV
Yes uwian nah! Ka stress tong araw na to.
Pagtingin ko sa CP ko, 3 new messages.
From: daddy
Musta ka na dyan nak? Okay lang ba academics mo?
Okay lang naman kami dito. Itong kapatid mong si Raffy nagpapabili ng ipad kaso sabi ko hindi muna hangga’t di pa rin tumataas grades. Halos mga bagsak grades niya. Ito naman si ate Alie mo nagtext kaninang umaga may fieldtrip daw sila sa Cebu, itext mo pabili ka ng pasalubong. Si mom mo naman, parating busy sa business niya, parating nasa shop.
Wow kung makatext si dad, WAGAS! Haha!. Meron kasi kaming shop, like accessories and clothes. Fashionista kasi talaga si mom kaya nga nahawa din ako dyan. Si dad naman meron siyang other business, coffee shop and car wash.
To: Daddy
Okay lang naman acads ko. Hirap talaga eh at ang dami pang requirements lalo na major. Baka next month na uwi ko dyan.
Taga davao naman ako. kaso ayaw kong umuwi madalas sa bahay, kapagod magbyahe. Hahaha.
From: Eve
Hey friends! Musta na? miss you all! When kaya tayo mgkita ulit? Sobrang busy ng college life eh! :))
To: Eve
Miss you more eve!! Oo nga, sobrang busy ng ng college life. :))
Pumunta dito sa school si Carlo. Shock nga ako kasi hindi ko alam kung paano nya nalaman kung saan ako nag-aaral eh. Pero gago tlga yun, hinalikan ako sa cheeks. Naku. Kahiya kanina sa school, buti na lang nanjan si Ethan (new classmate from manila.sosyal! pero ter gwapo. Haha). Cge ingat friend. Miss you! Mwah :*
Last message…
From: Ethan
Hi Kalyn! Musta ka na? sana okay ka na! text ka lang kung kailangan mo ng kausap.
Kyaaah! Ano ba yan! Ba’t ako kinilig kainis naman! Ayaw kong ma-inlove dito sa lalaking to. Kanina may nalalaman pang papunas punas ng cheeks ko. Nakuuuu! ANO NA BA TOH!!! Ayaw ko nang maulit ang first and second, masakit eh.
Eh, hindi ko pa nga alam, kung may gusto sa kin yung tao. Ahy nakuh! Heto na naman ako! umaasa!!! Sh*tness!!!!
Pero He’s So Sweet!!! Ano bay an?!!! Da fart!!!
Para na akong baliw kinakausap na naman sarili ko!!
To: Ethan
Hello Ethan. Okay lang ako. hehe.
Maya-maya nag reps na din siya.
From: Ethan
Busy ka ba ngayon? Sabay sana tayo kumain. Yan ay kung okay lang. ^^
Rep ko…
Ahm di namn. Kaso may kasabay na akong kumain eh. Sabay kami nila Ericka Dianne at Mike. Sabay ka na lang. okay lang?
Nagplano kasi kaming apat na sabay kumain sa labas besides hindi pa naman busy.
*beep
From : Ethan
Sure sure. Nandito lang ako sa labas ng dorm niyo. Tamang-tama nakita ko na rin palabas si Mike.
Wow ha. Two days ko pa lang tong lalaking to nakilala. Nakuh! Parang close agad!!! Hahaha
(A/N: abangan ang next chapter.. please leave a comment. Thank you. Waaah ^__^)
YOU ARE READING
My THIRD AND LAST (COMPLETED^-^)
RomanceFirst love? pinagpalit ako sa bestfriend ko First boyfriend? Babaero pala. ipagsabay ba kaming limang babae. Ito kayang si THIRD? Siya na kaya ang last? Nakakatakot din kasing magmahal ulit... By the way his name is ETHAN... <3 (SOFT COPY AVAILABLE...
