Chapter 8: Library

27 4 1
                                    

Maggagabi na hindi pa rin kami umuuwi dahil nasa library pa kami para tumingin sa school year book. Sina Mizole, Eric, at Romar ay nasa rooftop para magbantay sa itaas kung sakaling may kahina-hinalang tao sa paligid. Tinignan namin ang picture ng school year book halos dito ay may ekis na pula na ibig sabihin ay mga namatay sa di maipaliwanag. Halos lahat ay may ekis kada section at medyo maluma luma na iyon kaya medyo napupunit o napipilas na. After 1 hour ay patuloy kami sa paghahanap nang may narinig kaming mga yabag ng paa at tila papalapit sa amin. Kaya nagtago kami at tinignan namin kung sino iyon at napag-alaman namin na sina Eric, Romar, at Mizole dahil tinatawag ang pangalan namin. Kaya lumabas kami sa pinagtataguan namin at ipinakita ang mga school year book sa kanila, kitang kita sa mga mukha nila ang pagtataka dahil may mga ekis ito.

"Ano ito?? anong ibig sabihin nito??" tanong ni Romar. "Ang ibig sabihin niyan ay mga pinatay noon taong iyon. "Ahh ganun pala" sabi ni Romar at gayundin ang dalawa sa nakita nila. "Ano sa tingin ninyo bakit pinapatay ng mga suspect ang mga tao rito sa Vanish Academy???" tanong ni Eric. "Sa tingin ko ay matindi ang galit ng mga yan sa school natin o baka naman ay wala talagang silang puso" sagot ko. "Siguro may raason sila" sabi ni Cyral. "Tara na umuwi na tayo" wika ko. "Oo tama ka Jake bukas natin ito ipagpatuloy" sabi ni Eric.

Umalis na kaming lahat sa library. Nasa labas kami ng gate na napag-desisyong magpaiwan si Eric dahil susunduin daw siya ng tito niya. Kaya iniwanan na namin siya sabay sabay kaming umalis. Nang malapit na kami sa kanya-kanyang bahay ay may nakalimutan si Mizole na gamit at iyon ay ang kanyang cellphone kaya nagpaalam siya sa amin dahil kukunin lang niya sa library. Hinayaan na lang namin siya at nagpatuloy kami sa paglalakad.

Gabi na nako makauwi sa amin at kumain na rin ako ng hapunan. Kasabay nun ay tinawagan ko si Mizole kung nasaan na siya at nakausap naman niya ito.

"Mizole asan ka na???" tanong ko. "Nandito na ako sa school papunta na ako sa library kung saan ko naiwan ang aking cellphone" tanong ni Mizole. "Okay sige ingat ka" wika ko. "Oo naman sagot nito", at ibinaba ko na ang phone ko.

Alas diyes ng gabi ng nanonood ako ng telebisyon ng may nakita akong anino sa aming bintana. Kaya hindi ko na lang pinansin at patuloy pa rin ako sa panonood. Dahi kanina pa ito pagala-gala ay pinuntahan ko ito nang malapit na ako sa pinto ay biglang may nag-txt sakin. "Sino ito??" bulong ko.

Message:

09391457869

"Mag-iingat kayong lahat nagsimula nang kumalat ang mga killer i-lock ang mga pinto".

Iyon lang ang sinabi niya kaya hindi ko na binuksan ang pinto dahil wala na rin anino niya na kanina pa palakad-lakad sa harap ng bahay namin.

At natulog na lang ding ako sa kama ko.

Ipagpapatuloy......

Author's note:

Suportahan ninyo pa rin ito and don't forget to vote or comment..

Bugtong-bugtong

Mapa-tubig, mapalupa. Ang dahon ay laging sariwa?                Clue: _a_ _k_ _ _

Lalim ng Kamatayan (vasto delle tenebre)Where stories live. Discover now