Chapter 7: Panaginip

41 4 0
                                    

Nagising ako ng madaling araw dahil sa aking napanaginipan. Napanaginipan ko na humihingi si Ann ng tulong sa akin. Nakatali ang kanyang mga paa at kamay sa isang puno, may nakabusal sa kanyang bibig, sugatan siya duguan sa mukha na para bang hinampas ng baseball bat sa ulo. Nagmamakaawa siya pagkatapos nun ay nilapitan ko siya at pilit na kinakalagan ang tali sa para makaalis, nang malapit ng matanggal ay may humampas  sa aking ulo na ikinibagsak ko at pagkatapos ay nagdilim ang paligid nakita ko si Reymart at Ac na nakatali sa isang poste at pinapahirapan tulad ng paghampas ng sinturon, tinutusok ng karayom malapit sa kuko at lalong mas matindi ay may kinuha itong kahoy na may nakalagay sa dulo na kung ano at pagkatapos ay sinindihan ng lighter para lumiyab tapos ay ididikit nila sa katawan para mapaso ang mga ito. Kitang-kita sa mga mukha nila ang sakit pero hindi ko sila malapitan, sumisigaw ako pero walang lumalabas sa aking bibig. At pagkatapos nun ay nag-iba ang paligid nasa classroom ako ng Vanish Academy pero hindi ko maipaliwanag kung paano ako napunta rito. Kanina lang napunta ako sa kagubatan tapos nasa lumang pabrika at ngayon andito ako sa eskwelahan kung san ako pumapasok. Tahimik ang paligid kaya napagdesisyunan ko na gumala. Habang naglalakad ako sa hallway papuntang gym may napansin akong may sumusunod sa akin simula nang pagkalabas ko sa classroom. Pagtingin ko sa likod wala naman akong nakikita pero sa totoo lang habang nasa hallway ako hindi  ako makaalis sa hallway para bang pinaglalaruan ako kaya naisip ko na tumakbo pero wala pa ring nangyari hanggang sa napagdesisyunan ko na tumigil na lamang. Pero may isang lugar na umagaw sa akin ng atensyon. Ang umagaw sa aking atensyon ay isang classroom kaya tinignan ko ang loob nito. Nakita ko sa loob na si Mizole na nakabigti siya sa kisame at dilat na dilat ang mga mata nito. Nagulat ako sa pangyayaring iyon talagang hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Tapos, pumunta naman ako sa kaliwang banda ko na side at isang classroom ang nakita ko, dahil hindi pa rin talaga ako makaalis sa pwesto ko. Pagtingin ko nakita ko ang mga kaklase ko na may diskusyon sila at may guro din pero kahit sa buong buhay ko unang beses ko pa lang nakikita ang guro na iyon. Tahimik ang klase nila, sa di katagalan may nakita ako sa bandang sulok na babae, tama babae nakaputi siya at duguan siya habang lumalapit sumigaw ako nang malakas para magbigay ng babala na merong papatay sa kanila. Sa sigaw kong iyon ay tumingin silang lahat sa akin nakita ko sa kanilang hitsura na namumutla sila at galit na galit kaya umiwas na ako doon at nagtatakbo papuntang gym pero may humabol sa akin sa liko at hinampas ako sa ulo at nagising ako.

"Pambihira parang totoo ang mga nangyari makaligo na nga baka maleyt pa ako ehh" wika ko sa isip ko.

Sa eskwelahan sinalubong ako ni Sean sa hallway at pinagpapawisan ito.

"Jake" wika ni Sean na parang takot na takot.

"O bakit anong problema" tanong ko.

"Sina Reymart at Ac hindi pa rin daw bumabalik sa kanilang bahay" sabi ni Sean.

"Ano? hindi pa sila nakakauwi kahapon??" tanong ko.

"Oo nagpa blotter na nga sila sa presinto at kalat na ang balitang ito sa Vanish Academy.

"Talaga?? hayaan mo na yung dalawa baka nagtanan sila" sinabayan ko pa ng tawa parang demonyo.

"Ikaw talaga seryoso na nga ako kung ano pa ang iniisip mo makaalis na nga" pagkasabi ni Sean ay sabay talikod ito.

"Hindi kaya totoo talaga ang mga napanaginipan ko???" sabi ko nang mahina.

Nagsimula ang klase na kulang ang mga Olstah. Tatlo sa amin ay nawawala kaya naman gumawa kami ng pagpupulong pagdating ng hapon. Pinag-usapan namin na mag-ingat kami at mapagmatyag kapag nag-iisa.

"Malakas na talaga ang kutob ko may kinalaman ang eskwelahang ito sa mga nangyayari ngayon" wika ni Eric na nanghihinayang.

"Paano na nalang pag inisaisa nila tayo malamang sa impyerno ang bagsak natin" wika ni Romar na may takot. "Syempre malalakas tayo at hindi tayo magpapaubos sa mga iyon" wika ko. "Sana na lang walang masamang nangyari sa kanila" wika ni Cyral na naluluha na dahi sa pagkawala ni Ann.

"Mag-iimbestiga tayo sa lahat ng mga nangyayari ngayon lalo na't nanganganib ang buhay natin ngayon" wika ni Eric nang walang pag-aalinlangan. "Ok sang-ayon kami dyan" wika ni Mizole.

Ipagpapatuloy......

Author's note:

Kampanilya ni Kaka, laging mapula ang mukha.            Clue: _a_ _p_

Lalim ng Kamatayan (vasto delle tenebre)Where stories live. Discover now