Chapter 6: Parusa

30 4 0
                                    

Malakas ang kutob ko na may killer na nakapasok. Kaya napagdesisyunan ko na lumabas ng bahay at ni-lock ang mga pinto. Gumala muna ako sa bayan para makalimutan ko ang nangyari kanina. Sa di inaasahan nakita ko si Ken kaya nilapitan ko ito. "Pareng Jake punta tayong computer shop may pustahan daw, nandun sina Eric, Lars, at Ac". "O sige tara" wika ko.

Nagpunta kami at naglaro. "Jake may pasok na raw bukas ahh sabi ng principal" malungkot na sabi ni Ac. "Oo nga ehh may pasok na naman" reply ko. "Alam nyo na ba ang balita may namatay daw na estudyante sa rooftop kagabi" sabi ni Eric ng malakas na boses. "Ano???"  sabay namin tanong ng may pagtataka. "Teka paano nangyari iyon, wala naman pasok?" tanong ni Ken. "Sabi ng magulang niya may kukunin raw siya sa school na gamit na naiwanan niya". sabi ni Eric. "Pero lumipas na ang 7 oras ay di na raw bumalik. Kaya pumunta ang ina sa school at laking gulat niya na nakahandusay na siya sa semento at tadtad ng saksak at pagkatapos humingi na siya ng tulong sa guard at tumawag ng pulisya at ambulansya. Sa autopsiya ng pulis kanina ay 5 beses sinaksak sa tiyan at isa sa likod". dugtong ni Eric.

"Nung nakaraang school year marami ding pinatay kaya ang ibang estudyante nag-transfer sa ibang school, pero nung dumami na ang namatay nung taon iyon ay dumami ang nag-transfer dito sa Vanish Academy. Ang dahilan kasi ng mga transferee ay makita kung sino ang killer ang iba naman rason ay trip lang nila. Sumikat ang Vanish Academy sa Continental Spot. Dahil marami ang namatay" matapang na sagot ni Ken.

"At sa History ng Vanish Academy ay hindi nawawala ang salitang vasto delle tenebresa isang lugar kapag namatay ang isang tao gamit ang dugo" wika ko. "Oo nga tama ka laging may ganun" sabi ni Ken.

Kinabukasan.....

 Maaga akong pumasok sa eskwelahan para makipaghuntahan sa ibang kaklase. Maaga ring pumasok sina Sean at Cyral. Naitanong sakin ni Cyral kung nahanap na si Ann. "Ano hindi pa rin nahahanap si Ann? takang tanong ko. "Oo hindi pa rin Jake" malungkot sabi ni Cyral dahil parang kapatid na ang turing niya dito. "Ano na kaya ang nangyari sa kanya" wika ni Emman na ikinagulat ko dahil bigla na lang siya sumulpot sa likuran ko. "O Emman ang aga mo yata pumasok ngayon". wika ni Sean na may pang-aasar. "T@ng ina m^ kaaga-aga ehh bubwisitin mo ko". galit na sabi ni Emman. "Aba ehh sadya naman lagi kang late sa pagpasok". sabi ko na natatawa ako.

Nakasanayan na kasi namin na late lagi dumating si Emman kaya napag-titripan ito lagi ng kaklase niya kahit sa klase ay lagi itong inaantok.

Pagpasok ng guro namin sa classroom

 "Mayroon akong masamang balita sa inyo, hindi pa rin nahahanap si Ann simula nung nagkasunog dito sa campus, kung may nakakaalam kung nasaan siya ay sabihin lang sa adviser ninyo o sa magulang niya. O sya kuhanin ninyo ang libro ninyo at magsisimula na tayo sa klase". wika ni T. Marianne.

May estudyanteng nagtatanong pa rin sa isip nila kung sino talaga ang killer. Kaya halata sa mukha nila na wala sila sa sarili. Pagkatapos ng unang klase namin ay may isang estudyante na pumasok sa classroom at ibinigay ang seatwork dahil absent daw si T. Donatello. Sa kalagitnaan ng seatwork namin ay may napansin ako sa likod ng sulok ng classroom ay maraming lalaki na nagtutumpukan kaya naman pinuntahan ko ito.

"O Jake san ka pupunta" tanong ni Cyral na katabi ko. "Ahh wala pupuntahan ko lang kung ano ang pinag-tutumpukan nila sa sulok.

Pagpunta ko ay nakita ko si Emman na may hawak na FHM. Kaya pala nagtutumpukan ang mga lalaki rito at pagkatapos nun ay bumalik na ako sa upuan at tinapos ang seatwork. Nang malapit na akong matapos ay may biglang sumigaw sa likuran at pagtingin ko ay nandun si T. Oracle at galit na galit. Bakas sa  mukha ng mga nagtutumpukan na nabigla at takot na takot lalo na si Emman dahil siya ang may hawak nito.

"KAYO PUMUNTA KAYO SA DETENTION ROOM" galit na sigaw ni T. Oracle. "Pero sir an--" hindi na naituloy ang sasabihin ni Reymart dahil sa sinabi ni T. Oracle na "Sa ayaw at sa gusto ninyo ay pupunta kayo sa detention room" normal na sabi ni T. Oracle pero bakas pa rin sa mukha nito ang galit.

Nagpunta sila sa Detention room at kami naman ay naiwan sa room at sumunod naman si T. Oracle sa mga lalaki papuntang detention room.

After 1 and 40 minutes....

Bumalik na sina Emman at ang ibang lalaki, bakas pa rin sa mukha nila ang kahihiyan. Kinausap ko si Emman at tinanong kung anong ginawa nila doon.

"Anong ginawa ninyo sa detention room??" tanong ko. "Ahh kinausap kami tapos suspended daw ako ng tatllong araw tapos kakausapin daw nila ang magulang ko, yung ibang lalaki naman ay may ipapagawa sa kanilang activity" malungkot na sabi ni Emman. "Ahh ganun ba ay paano yan malalaman ng magulang mo yan" tawang tanong ko. "Sa ina ko siguradong malilintikan ako nun, sa ama ko naman ay ayos lang sa kanya iyon at ipagmamalaki pa ako nun" sagot ni Emman.

Dahil sa sinabi ni Emman ay maraming tumawa sa klase lalo na ang mga lalaking kasabwat kanina na tila walang pakialam sa parusa nila dahil madali lang daw iyon.

Pagdating ng hapon ay  umuwi na kami ng sabay-sabay at nagkahiwalay na kami sa iba't ibang daan.

May napansin si Ac at Reymart sa likuran nila na may sumusunod sa kanila. Binilisan nila ang paglakad dahil baka mapaano pa sila. Nang tumingin sila sa likod ay laking gulat nila sa kanilang nakita.

Ipagpapatuloy....

Author's note: Pakinggan natin ang kanta ni Tipsy D ang title ay Magandang Kabanata.

Bugtong-bugtong:

Hindi akin hindi iyo, ari lahat ng tao???      Clue: _a_ _d_ _

Lalim ng Kamatayan (vasto delle tenebre)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon