Ang pinakakatakot na bagay na pwedeng makasagupa sa isang gubat ng magical beasts ay isang kawan ng Windwolves. Kapag nakasalubong mo sila, base sa bilis ay wala kang tsansang makatakas.

Nakasakay sa ibabaw nito ang isang guwapong lalaki na may itim na buhok. Natutuwang lumilinga ang lalaking ito sa paligid, halatang proud na magkaroon ng isang mahusay na magical beast.

"Siguro ay isa yung magical beast ng fifth o sixth rank," wika ni Linley.

Sa Ernst Institute ay may mangilan-ngilang nagtataglay ng magical beast. Bukod sa mga magi na naimbitahan para magpunta sa Institute ay may ilang estudyante ng fifth at sixth grade ang nakakabili ng soulbinding formation scrolls at nakapagpaamo ng ilang magical beasts para gawing sasakyan nila.

"Magical beast lang naman iyon. Bakit ang yabang-yabang niya?" Medyo mapanlait ang naging tingin ni Linley sa binatilyong tuwang-tuwa sa sarili.

Pagkaalis sa eskuwelahan ay nagpunta si Linley sa bundok sa likuran.

Napakalawak ang sakop ng bundok sa likuran ng Ernst Institute. Noong una, matagal na panahon na ang nakakaraan ay naninirahan ang mga magical beasts sa bundok na ito, pero sa paglipas ng panahon, ang lahat ng magical beasts dito ay nalipol ng mga magi ng Ernst Institute. Sa kasalukuyan ay mga kakaunting mga normal na hayop na lang ang naninirahan dito.

Pagkapasok sa kabundukan ay naging mas mabilis bigla si Linley.

Natural iyon kasi ginamit niya na ang wind-style 'Supersonic' spell kaya naging kasinggaan ng dahon ang kaniyang katawan. Kagaya ng isang espiritu ay binaybay niya ang kabundukan. Pagkatakbo ng ilang kilometro ay narating na rin niya ang pakay na lokasyon, isang liblib na lugar na malapit sa umaagos na katubigan.

"Squeak squeak." Nag-iingay si Bebe kay Linley.

Tumawa ng marahan si Linley saka sinabi, "Gusto mong umalis at maglaro ulit? Sige, pero huwag kang masyadong lalayo." Malaki ang tiwala niya kay Bebe. Isang taon na ang lumipas sumila ng makilala niya ito at kahit na hindi lumaki ang munting magical beasts at nanatiling bente sentimetro ang laki ay sobrang laki naman ng ibinilis nito.

"Magi? Siguro kaya siyang hulihin ng isang warrior ng eighth rank, pero tanging Saint-level magus lang ang makakagawa ng kapareho." Alam na alam ni Linley kung gaano lang kalakas ang katawan ng karamihan sa mga magi.

Nagtatakbo na ang munting Shadowmouse na si Bebe sa kasukalan.

"Lolo Doehring, labas ka na at turuan ako." Agad na sabi niya ng mental.

Lumipad palabas ang isang usok na naging si Doehring Cowart. Kumurap ito saka tumingin kay Linley. "Linley, anong mayroon? Dati naman hindi mo ako pinapansin at basta ka na lang nagme-meditative trance. Bakit mo ako tinatawag ngayon? Hindi mo ba alam na sarap na sarap ako sa pagtulog ko, hmp. Sinira mo ang maganda kong panaginip."

Napangiwi siya.

Bagamat isang Saint-level magus si Lolo Doehring, pagkatapos makilala ng lubos ito ay nalaman ni Linley na kahit na mukha itong mabait sa panlabas ay mapaglarong walang kahihiyang tao ang isang ito.

"Lolo Doehring, palagay ko ay narating ko na ang second rank. Gusto ko sanang tingnan mo at saka sabihin sa akin." sa huli ay wika niya.

"Magus ka na ng second rank?"

Naintriga si Doehring kaya nagkalkula siya. "Hmm, oo nga, halos isang taon na ang nakalipas simula ng mag-aral ka sa paggagabay ko. Sige, una, gawin mo ang introductory spell ng 'Shattered Rocks'. Gawin mo ang lahat ng makakaya mo, naiintindihan mo ba?"

Maikokonsidera ang 'Shattered Rocks' bilang isang spell na may baitang.

Mayroong 'Shattered Rocks' spell ng first rank, pero mayroon ding 'Shattered Rocks' spell ng Saint-rank. Kaya lang binago lang ang pangalan at ginawang 'Heavenly Meteor's Descent'. Siyempre, sa paglakas ng kapangyarihan ng isang earth-style magus, lumalakas din ang kapangyarihang taglay ng kaniyang 'Shattered Rocks'.

Coiling Dragon Book 2 (Growing Up)Where stories live. Discover now