B2C13

1.4K 95 0
                                    


Chapter 13 – Kongregrasyon ng mga Talento

Ernst Institute. Ang pinakamahusay na magus academy sa buong kontinente.

Ang Ernst Institute ay matatagpuan sa isang medyo liblib na lugar na humigit-kumulang dalawampung kilometro sa timog ng Holy Capital ng Fenlai City. Ito ay itinatag ng Radiant Church at ito rin ang nagsusuporta sa naturang institusyon. Siyempre, dahil dito kaya mayaman ang Ernst Institute at alam kung paano magwaldas ng pera. Napakalaking pwesto ang sakop nito, at iyon ay umaabot sa sampung kilometro. Ang ganoong kalaking academy ay halos parang isang siyudad na.

Sa labas ng Ernst Institute ay kakaunting presensiya ng tao lamang ang makikita, madalas ay puro liblib na bulubunduki na ang matatanaw.

Ang mga restaurants, clothing stores, bars at kung ano-ano pang mga service industries ay matatagpuan na mismo sa loob ng campus. Pwede nang sabihin na halos gugulin ng mga estudyante ang kanilang buong buhay sa loob mismo ng paaralan.

"Ang engrande naman." Nakatayo ngayon si Linley sa tarangkahan ng Ernst Institute. Hindi niya mapigilan ang sariling magpakawala ng buntong-hininga.

Ang pangunahing tarangkahan ng eskuwelahan ay limampung metro ang luwag. Sa ibabaw ng matayog na tarangkahan ay isang dambuhala, hugis crescent na buwan na nababalot ng mga kung ano-anong magical scripts na sa unang tingin palang ay malalaman na ng sinuman kung gaano kakumplikado. Pagkakita palang sa kumplikadong mga ukit ay maiisip na kung gaano kalakas at kamakapangyarihan ang magical formation na pumuprotekta sa buong Ernst Institute.

Ngayon ay buhay na buhay ang main gate ng naturang paaralan. May isang hanay ng mga academic staff, at may isang batang nagdala ng admission letter nito at proof of identity. Prinoseso naman iyon ng mga nandoon. Inilabas rin ni Linley ang kaniyang mga dokumento saka lumapit doon.

"Opisyal na magsisimula ang pasukan dito sa Pebrero 9. Ngayon ay Pebrero 8. Base sa bilin, dapat dumating dito ang mga mag-aaral bago ang ika-9 ng Pebrero. Mukhang ang binatilyong nasa harapan ko ay kararating lang din ngayon. Walang duda na taga malapit lang din siya." sabi niya sa isip-isip.

Ang binatilyong sinasabi ni Linley ay mas maiging tawaging bata. Abot lang sa kalahati ng mukha ni Linley ang taas nito, at may isang matandang lalaki sa tabi nito.

"Hi sa iyo. Mula ako sa O'Brien Empire, at ang pangalan ko ay Reynolds." Nilingon siya ng batang sumasailalim sa proseso at mainit na binati.

Pagkarinig na galing ito sa O'Brien Empire ay nagulat si Linley. "Sa O'Brien Empire talaga?"

Ang O'Brien Empire, isa sa apat na dambuhalang imperyo, ay matatagpuan sa silangan ng Mountain Range of Magical Beasts. Samantala, nasa kanluran naman niyon ang Ernst Institute. Para makarating sa Ernst Institute ay kailangang umikot sa paligid ng buong Mountain Range of Magical Beasts mula norte o timog. Wala kasing magtatangkang mag-shortcut ng direktahan at tawirin ang mismong bulubunduking iyon.

Ang Mountain Range of Magical Beasts ay may habang sampung libong kilometro.

Para sa sinumang nanggaling ng O'Brien Empire, ang buong biyahe ay malamang kinailangang tumawid ng humigit dalawampung libong kilometrong distansiya. Kung galing pa sila sa bandang silangan ay mas malayo pa doon ang biyahe.

Para siguro tawirin iyon ay nangangailangan ng mahigit isang taon.

"Ang pangalan ko ay Linley. Taga-Fenlai Kingdom ako." Magalang na wika niya sa batang si Reynolds.

Kumurap si Reynolds at madamdaming napabuntong-hininga. "Kaharian ng Fenlai? Kung gayon ay ang saya ng buhay mo. Isang buong taon ang inubos ko para makarating dito sa Fenlai Kingdom mula sa sa bahay ko. Ikaw naman ay hindi nagbiyahe ng matagal."

Coiling Dragon Book 2 (Growing Up)Where stories live. Discover now