B2C6

1.3K 85 2
                                    

Chapter 6 – Ang Shadowmouse na si 'Bebe' (Ikalawang Bahagi)


Dati ay napanood nang munting Shadowmouse kung paano nanghuli ng kuneho si Linley sa bundok. Pero sa pagkakataong ito ay hindi papunta sa kabundukan si Linley. Ang tinatahak niya ay ibang-iba sa direksyon niyon, pabagtas sa isang kalsada. Biglang nataranta ang munting Shadowmouse.

"Squeak, squeak!"

Agad tinakbo ng batang magical beast ang direksyon ni Linley.

Samantala, habang naglalakad naman si Linley ay naramdaman niyang may yumayakap sa binti niya sa likuran. Nang magyuko siya ng ulo ay nakita niya ang munting Shadowmouse. Nakatayo ito gamit ang dalawang paa sa likuran samantalang ang dalawang paa sa harapan ay mahigpit na nakayakap sa kaniya. Nakatingin ito kay Linley na ang mga mata ay nanginginig at nagpapaawa, na akala mo ba ito ay malapit nang maiyak.

"Uh, anong ginagawa ng munting Shadowmouse na ito dito?!" Gulat na saad niya.

Sa tabi naman niya ay napalingon sa kaniya si Hillman. Pagkakita sa batang Shadowmouse ay nagulat din ito. "Isang magical beast? Stoneater Rat ba iyan?" Walang gaanong alam sa mga iba't ibang uri ng magical beast si Hillman pero alam niya na noon ay mayroong isang hukbong nakain ng mga Stoneater Rats, dahil dito kaya karamihan ng mga sundalo ay alam ito at takot sa mga rat-type magical beasts.

"Mag-ingat ka, Linley!" Agad na sumugod si Hillman. Ang nakita lang ni Linley ay isang malabong anino tapos lumitaw na lang bigla si Hillman sa tabi ng munting Shadowmouse.

Gayunpaman ay mas mabilis ang munting Shadowmouse. Sa isang kurap lang ng mata ay nakatalon na ito sa ibabaw ng balikat ni Linley.

"Uncle Hillman, saglit lang!" Sa wakas ay nagawa na niyang maka-react.

Natigilan naman ang warrior.

"Uncle, siya ang alaga na pinapakain at inaalagaan ko sa may likurang bakuran." Ang nagmamadaling paliwanag niya. "Munting Shadowmouse, hindi ba?"

Para naman siyang naintindihan nito kaya itinango nito ang maliit nitong ulo.

Napatingin naman si Hillman kay Linley ng may pagkagulat. "Linley, sinasabi mo bang nag-aalaga at nagpapalaki ka ng isang magical beast?"

"Bigyan mo ako ng saglit na oras, Uncle." Gamit ang dalawang kamay ay kinuha niya ang munting Shadowmouse saka sinabi dito, "Munting Shadowmouse, kailangan kong magpunta sa kapitolyo kasama si Uncle Hillman. Hindi ka pwedeng magpunta doon. Naiintindihan mo ba?"

Tiningnan lang siya nito gamit ang nakakaawa at malulungkot nitong mata. Mukha talaga itong maiiyak.

Ibinaba naman niya sa daan ang munting magical beast saka ito kinawayan. "Bumalik ka na." Saka niya itinuro ang kalsada sa harap. "Papunta ako sa direksyon na ito. Papunta akong kapitolyo."

Pagkakaway sa kamay ay nagsimula ulit maglakad si Linley.

"Squeak. Squeaaaak!" Nakatayo lang doon ang munting Shadowmouse at nakatanaw sa kaniya.

"Uncle Hillman, humayo na tayo. Hehe, matalino ang batang Shadowmouse na ito. Alam niya ang sinasabi ko." Si Hillman na noon ay manghang-manghang nanonood ay napahalakhak saka sinabayan na siya sa paglalakad.

Pagkakitang unti-unting naglalaho sa paningin nito sina Linley ay nanatili lamang na hindi gumagalaw sa pwesto nito ang maliit na magical beast.

"Squeak, squeak..."

Bigla na lang itong lumangitngit ng matagal at pagkatapos ay naging itim na anino. Natawid agad nito ang dalawampu o tatlumpung metrong distansiya sa isang kisapmata lamang. Ang bilis nito ay talagang nakakagulat, gayun din ang liksi nito. Nagkukwentuhan noon sina Linley at Hillman habang binabaybay ang daan, pero naramdaman ni Hillman na may sumusugod sa kanila sa likuran kaya naman napalingon ang lalaki.

Coiling Dragon Book 2 (Growing Up)Where stories live. Discover now